Enjoy Reading!
"H-ha? Kasabay ng paglaki ng mata ko ang paghinto ng paghinga ko. What did he just said? Am I dreaming? Oh please, kung nanaginip man ako ngayon, huwag niyo muna akong gigisingin. Hirap man ang akong huminga dahil sa times ten na bilis ng tibok ng puso ko, wala nang mas sasarap pa sa pakiramdaman na nararamdaman ko ngayon.
Umupo siya bigla at humarap sa akin, marahil para magkaroon ng access sa mga mata ko. "Mahal kita Jorenn..."
Those 3 words.. did he just said it?
"Hindi mo ba naiintindihan 'tong sinasabi ko? Jo! Nagcoconfess ako sa'yo.." Bahagya siyang ngumiti. "Finally.."
Nakakailang lunok na ako ng laway ko, pero parang may nakabara pa rin sa lalamunan ko at pinipigilan akong magsalita. Ano bang sasabihin ko? Gagawin ko? Ano bang gusto niyang gawin ko ngayong nagtatapat siya sa akin?
Ang mga titig niya, nakakatunaw. 'Yung ngiti sa mukha niya, unti-unti naglalaho.. Tapos bigla siyang humiga ulit at nagtalukbong.
Lalong kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Totoo ba talaga ito? Sinampal ko ng malakas ang kanang pisngi ko, napaismid pa ako sa sarili ko nang maramdaman ang hapdi ng pagkakadapo ng palad ko sa sarili kong pisngi.
Umupo ako at tinignan si Karl. Matutulog na siya? Gano'n lang 'yon? Sasabihin niyang nagtatapat siya tapos bigla niya na lang ako tutulugan?
"Karl!"
"Hmm." mahina.
"Tanggalin mo nga 'yang takip sa mukha mo!"
Hindi siya sumagot, hindi rin siya natinag. Inabot ko 'yung kumot na nakatalukbong sa kanya saka pilit na hinila iyon. Pero nakipag-agawan sa'kin ang mokong.
"Ano baa!" reklamo niyang mas nilakasan ang hila sa tela.
"Tatanggalin mo lang 'tong kumot sa mukha mo, mahirap ba?! Tumingin ka nga sa akin!"
"Ayoko."
Binitawan ko ang kumot at bumuntong-hininga. "Ano bang gusto mong mangyari? Nagtapat ka tapos bigla kang gaganyan-"
"Eh kung ikaw kaya ang magtapat sa long lost love mo tapos wala kang makitang reaksyon sa kanya!" Tinanggal niya ang talukbong sa kanya at umupo rin paharap sa akin. Nakatingin siya sa akin na parang nahihiya at hindi maipinta ang mukha.
Napangiti ako, sobrang napangiti ako. "So long lost love mo ako?"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Ni hindi ko man lang napansing nagliwanag 'yang mukha mo, or kahit man lang short comment na lumabas sa bibig mo."
Natawa ako, "Eh ano bang inaasahan mo? Siyempre magugulat ako sa sinabi mo! Matutulog na tayo bigla kang magsasalita diyang mahal mo ako.."
Yumuko siya, saka huminga ng malalim. "Sabi ko na nga kay Toni hindi 'to magwowork out eh."
Don't tell me.."S-so ano to? Pustahan niyo ni Toni?"
"No, it's not like that. Ewan ko doon, pero nahalata niya daw sa akin na may feelings daw ako sa'yo. At kapag bumalik daw siya na hindi ko pa 'to naaamin sa'yo, asahan ko na daw na mawawala ka na sa akin.."
Pumikit ako. Hindi ko na kayang labanan ang tingin ni Karl. Kung alam lang niya kung gaano ako naaapektuhan sa mga sinasabi niya, kasabay pa ng nakalulusaw niyang mga titig.
"At ayokong mangyari yo'n Jorenn," naramdaman kong hinawakan niya ang dalawang kamay ko, at doon ako napadilat. Sinalubong ako ng makahulugang tingin ni Karl, tila pinapaintindi sa akin 'yung mga sinabi niya kani-kanina lang.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...