Feeling awkward, i walked straight to my cubicle. Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Karl, at alam kong kahit ako ang may family issues ay hindi magugustuhan ang mga linyang sinabi ko. Now I don't know how to apologize to him, dahil alam kong mahirap makipag-ayos sa lalaking 'yon.
Nagdaan na kami sa napakadaming away at sigawan at kahit simpleng tampuhan noong nag-aaral pa kami, at kahit na ngayong matanda na kami'y hindi ko pa rin alam ang tamang paghingi ng kapatawaran sa kanya.
Nalagpasan ko si Melvin, tumango ako sa kanya at muli nang ibinalik ang tingin sa nilalakad ko.
Nang makarating ako sa cubicle ko ay ipinatong ko na ang mga gamit ko sa table at sa swivel chair.
I felt someone's presence somewhere at my back.
Karl?
Lumingon ako sa likod at nakita ang mukhang hindi ko inaasahan, mukha ni Melvin. I sighed in disappointment.
"Yes?" tanong ko, pinilit kong maglapat ng ngiti sa labi ko, kahit na nga wala ako sa mood.
"Well.." nakataas ang dalawang kilay niya. "That looks like you two we're in a fight."
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Melvin.
"Again." pahabol niya pa.
Sa totoo lang ay nakuha ko na agad ang sinasabi niya. Paano niya nalaman? Sus. Ang mga lalaki talaga, minsan ay magpagka-tsismoso rin.
"No way." anitong umiling na tila narinig ang sinasabi ng isip ko ngayon tungkol sa kanya. "Your fake smile says."
Ngumiti na lamang ulit ako.
"I was just about to ask kung bakit hindi papasok 'raw' si Karl ngayon." he air-quoted. "Now I understood."
"Hindi raw?"
Nilagay niya ang kamay niya sa likod ng leeg niya. "Yep. He texted."
"Oh."
Very unprofessional, bakit kailangan pang hindi pumasok samantalang pwedeng niya naman akong i-ignore or iwasan.
Ngumiti ito ng alanganin. "It doesn't sound like a relief comment, more like a disappointed one."
Well, parehas yata. Relief, dahil hindi ko kayang makipag-usap sa kanya ngayong badtrip siya sa akin, at dismayado, dahil hindi ko na rin kayang patagalin pa ang 'di pagkakaintindihan naming ito. Kahit pa nga siguro'y 24 hours pa lamang ang lumilipas, God, it felt like forever!
"Sana kasi mapatawad niya na ako." wala sa sariling sambit ko.
"So this time pala'y ikaw ang may kasalanan?" Tinaas niya ang kilay niya.
He was like Jheng now. Lahat alam, lahat tinatanong, kahit ganitong bagay na wala namang kinalaman sa buhay nila. They are both my closest friends in here, of course including Karl, at kahit pa nga may pagka-halungkatera at halungkatero ng buhay ang dalawang ito'y komportable na ako sa kanilang magkwento nang magkwento.
But 100% not about my feelings for Karl.
I crossed my arms in front of my chest. "Bakit ang dami mong alam?" natatawang saad ko.
He just shrugged his shoulders and then turned his back on me.
"Melvin."
"Oh?" Tumagilid siya upang lingunin ako.
"Salamat." Ngumiti ako sa kanya.
Natawa naman siya. "For what Jorenn?"
Lumapit ako sa kanya at inakap siya ng mahigpit. "Just because you knew me well."
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...