The title of this chapter actually came from the song sa gilid. The song is perfect for this chapter! Enjoy reading! :*
When he shut the door, I heard him spoke. "So I heard, umalis na si Toni?"
Napatingin ako sa kanya habang inaayos ko ang seat belt ko. "Yes, nagpaalam siya sa'yo?"
"Ah yeah. Actually nagpadala pa siya sa akin ng regalo. Is he that kind of person? He's so easy to get along with. Hindi ako magtataka kung may feelings ka pa sa kanya."
Inalis ko ang tingin ko sa kanya at ibinaling sa bintana. Feelings? I don't know. Hindi ko nga alam kung nasaktan ako, dahil parang wala lang iyon kay Karl, o tinamaan dahil may feelings pa talaga ako kay Toni.
Hindi pa rin kami umaandar, ewan ko kung bakit. Ano pa bang hinihintay ni Karl?
"Regalo kamo?" tanong ko sa kanya. Ayoko nang bulatlatin pa ang binanggit ni Karl tungkol sa feelings ko.. magkakaroon na naman ng awkward na katahimikan panigurado.
"Uh huh." Nakita kong pinatong niya ang baba niya sa dalawang palad niya.. the girly thing for day dreaming. Can you imagine?
"Ano?"
"He gave me a box of chocolates and a boquet. I'm so-"
"Gay! Shut up." natatawang saad ko nang makita ko kung anong itsura niya. Mukhang totoong bakla ang loko.
Natawa rin siya. "It's nothing. Sinabi niya rin sa akin na alagaan daw kita, bahala na daw ako sa'yo, mahalin daw kita, etchetera echetera."
Napangiti ako. Just what I expected. Toni is so sweet. But asking Karl to love me? Ha! He's kidding right? Wait, bakit parang super close na agad 'yung dalawa?
"Eh teka, bakit parang kilalang kilala niyo na isa't isa?"
Tumawa siyang mahina. "Actually madalas kaming magkita noong nakaraan. Like I told you, he's very comfortable to be with."
"Really.."
"Yup, he even asked me to choose something for you.." he then started the engine.
Napa-second look pa ako sa kanya. Siya 'yung pumili ng malaking bear? That's impossible.
"You mean, ikaw pumili noon?"
"What?" lumingon din siya sa akin. Tumawa siya ng malakas. "Don't tell me binigyan ka nga niya ng t-back Jo?! That's hilarious! HAHAHAHA!"
T-back? So t-back ang sinabi ni Karl na iregalo sa akin ni Toni? Nag-init ang pisngi ko. How dare him! Buti na lang hindi siya pinakinggan ni Toni at pinili pa rin kung anong naisip niyang magandang ibigay sa akin.
"Umalis na nga tayo." Hindi pa rin siya tumitigil katatawa. Naiirita na ako.
"Jorenn you're blushing! HAHAHA! T-back nga ang pinadala sa'yo? I can't believe it! It seems like Toni wanted to see you wearing-"
"Hindi nga!! Okay?! Hindi 'yon ang pinadala niya! Pwede ba, umuwi na tayo?!"
Nagulat siya marahil sa reaction ko kaya natahimik, pero bakas pa rin ang ngiti niya sa labi at mata niya.
"Woah, woah. Chillax babe." Sinimulan niya nang paandarin ang kotse, at saka muling nagsalita. "Akala ko talaga effective ang payo ko eh. I was wrong pala."
"Maraming namamatay sa maling akala."
"Ang sama mo."
"Nagsalita ang hindi."
"So are you gonna miss Toni?" he changed thw topic.
"Of course."
"Why didn't you mentioned him to me before?"
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...