9- "I want us to be..."

90 3 0
                                    

Hindi na namin nahatid si Toni sa destinasyon niya, dahil nakakatawa mang isipin, nanay niya ang sumundo sa kanya.

Bagkus, ako na lamang ang hinatid ni Karl sa bahay. Hinatid niya ako kahit sobrang nagkakailangan kami, at ramdam na ramdam iyon sa loob ng kotse ni Karl.

Mabuti na lamang at tahimik kami sa loob ng kotse, dahil kung hanggang sa loob ay nag-iiringan kami... Baka 'di ko na mapigilang bumaba sa kotse at mamasahe na lang.

Pagdating sa trabaho, nagdirediretso na agad ako sa cubicle ko. Ayoko na sanang magtagpo pa ang kahit na anino naming dalawa ni Karl. Ayoko muna. Masyado nang sira ang araw ko sa kanya, i've had enough.

Hindi ko malaman kung anong problema niya, bakit niya ako ginaganito? Kung ganitong paulit-ulit na away-bati kami, at mukhang naggagaguhan lang kami, mas mabuti nang umiwas na ako ng tuluyan nang matigil na ang lokohan. Nakakapagod din kasing palagi ko siyang iniintindi, samantalang wala namang namamagitan sa aming dalawa. Masyado ko lang pinapaasa ang sarili ko, nagmumukha akong namumulubi ng pagmamahal mula sa kanya.

"Jo-"

Napatingin ako, si Karl. Si Karl na naman. Hindi niya atang sadyang tawagin ang pangalan ko, dahil bigla siyang tumalikod at nagkamot ng batok.

Mukhang nakalimutan niyang may malaking pader sa pagitan namin ngayon.

Binalewala ko iyon, at tumuloy na sa upuan ko. Ilang minuto lang ay naging busy na rin ako sa telepono, kaya't nakalimutan ko na rin ang dinidibdib ko.

**

"Huwag mong sabihing galit na naman kayo, Renn?" bati sa akin ni Jheng nang makapasok kami ng banyo.

Ngumiti lang ako ng tipid. God knows, sobrang sawang sawa na akong magkwento ng pinag-aawayan lagi namin ni Yap. Isa pa, ayokong ipahalata masyado na affected ako, dahil una sa lahat, walang nakaaalam na mahal ko si Yap- sa kabila ng lahat.

"Alam mo, para kayong mga bata. Isa na talaga ang may problema sa inyo kung bakit lagi kayong nagkakaaway. Hindi na normal 'yan sa magkaibigan eh."

Bumuntong-hininga ako. "I know."

Binuksan ko ang gripo, at naghugas ng kamay.

"Pero Renn, feeling ko si Karl ang may problema sa inyong dalawa eh. May sayad na yata yung lalaking iyon."

Tumingin ako kay Jheng mula sa salaming kaharap naming dalawa. "Ayoko muna sanang pag-usapan si Karl."

Tinatamad akong magkwento. Tinatamad akong ikwentong kagabi, muntik na akong mamatay, sinagip ako ni Karl. Tapos kaninang umaga lang, nasa bahay siya, doon natulog at ipinagluto ako ng almusal. At nang samahan niya akong mamili, doon na muling nagsimula ang asaran at kung ano pa man.

Napatingin sa akin ng bigla si Jheng with her apologetic eyes. "Sorry."

"Okay lang."

Tumalikod na si Jheng para lumabas ng pinto. "I'll see you at the canteen."

Tumango ako.

Nang makalabas na si Jheng, tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Nakita ko ang isang Jorenn na stressed, walang kabuhay-buhay at malalalim na ang mga eyebags.

Hindi kasi ako makatulog kaninang hapon nang makarating na ako sa bahay mula sa pamimili. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga eksenang nag-aaway kami ni Karl sa harap mismo ni Toni.

Sabi na talaga eh, sana hindi na lang ako sinamahan ni Karl sa pamimili ko. Ito tuloy ang kinalabasan.

Pinatuyo ko muna ang mga basang kamay ko't naisipan ko na ring lumabas na agad ng restroom.

Bizarre Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon