10- First Love

101 4 0
                                    

"Kalimutan mo muna 'yung offer ko sa'yo." Basag katahimikan ni Karl.

Kasalukuyan kaming naglalakad patungong canteen, pero bigla akong napahinto.

Hindi ko man alam kung paano, pero natapos na rin ang akala ko'y di na matatapos na dramahan kanina sa tapat ng restroom.

Akalain mong muntik na akong magtapat sa kanya ng feelings ko, pero napigilan pa. Buti na lang.. kundi, ngayon, hindi ko alam kung paano siya haharapin kung nangyari man ang nagbabadyang pagtatapat ko kanina.

"Offer?"

Inakbayan ako ni Karl upang maipagpatuloy ang paglalakad namin. "Yup."

Hinigpitan niya pa ang pagkakaakap sa leeg ko, pero sa daan pa rin siya nakatingin.

"About the 'best friend' thing. Sorry 'bout that. Masyado lang talaga akong mademand at isip bat-"

Naputol na ang sinasabi ni Karl dahil biglang tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ng pantalon ko.

Tumingin ako kay Karl na humihingi ng dispensa, at dinukot ang cellphone.

Number lang ang nasa screen ng cellphone ko, pero sinagot ko pa rin.

Baka kung sinong may importanteng sasabihin..

"Hello?"

"Baby?"

And then suddenly, my world stopped. Parang biglang tumigil din ang oras, at dinig na dinig tuloy ang pabilis na pabilis na tibok ng puso ko.

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG

BABY daw, and term of endearment namin. Pero hindi lang doon kaya ko nakilala ang nasa kabilang linyakung hindi dahil sa malambing ngunit natural na boses ni Toni.

Ang hindi ko maintindihan, kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon, bahagya na ngang nanginginig na agad ang tuhod ko eh.

"Uy." tangi kong nasabi.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Sana kilala mo na 'ko."

Napatingin ako kay Karl. Nakataas ang kaliwang kilay niya habang nakatingin sa akin.

Nginitian ko lang siya't sumenyas na mauna na siya sa canteen, pero hindi siya natinag.

Iniwas ko na lang ang tingin ko at ibinalik ang atensyon sa kabilang linya.

"This is Toni," napangiti ako. "only 20% sure of it." pahabol biro ko.

Pero bigla naman ako nailang dahil katabi ko si Karl, while kausap si Toni.

At malamang, dinig ni Karl na si Toni nga ang nasa kabilang linya.

But anyways, so what? Anong mali doon?

Narinig kong natawa siyang muli, mas natural na tawa.

"That's good to hear. At least alam mo pa ang boses ko sa phone, ang boses ng BABY mo sa phone.

DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG DUG

Kabado akong- kunwari'y natawa.

"Eh malamang, kauusap lang natin kanina."

"Kanina ba 'yun? It felt like years ago. "

Alam mo 'yung bawat salita niya ay makayanig mundo na agad ang epekto sa akin? As in grabe ang tama sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang alam ko, naka-move on na ako sa pakiramdam na ganito kay Toni. Ang alam ko, tapos ko nang maranasan ang ganitong kaba kapag kausap ko siya, or whenever he's just around.

Bizarre Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon