"Jo."
"Mhm.."
"Jorenn."
Alam mo kasi 'yung puyat? Wala akong pakielam sa kung sino mang tumatawag sa akin ngayon. GUSTO. KO. MATULOG.
"Jorenn Fajardo!"
"Ano." Sagot kong nakapikit pa rin at pilit na tinatakpan ng unan ang mukha ko.
"Silly girl."
"Konting tulog pa pleaseee." pagmamakaawa kong hindi pa rin inaalis ang unan sa mukha ko.
"Bumangon ka na! Kapag hindi ka bumangon, magsisisi ka sa gagawin ko!"
Hindi ako natinag. Ano bang problema niya kasi?
"Isa!"
"Hindi ka talaga kikilos?!" may tono nang pagbabanta... "Dalawa!"
Padabog akong bumalikwas ng kama bago pa man umabot sa tatlo. Nakasibangot. Nakaismid. Nakapikit pa din.
"Good girl." ani Karl na unti-unti nangiti.
"Ano bang problema mo?! Day off naman ngayon ah! Pwede akong matulog kung gusto ko!" reklamo ko sa mukhang bumungad sa pagdilat ko. Wala akong pakielam kahit si Karl pa nga iyon, siya lang din ang inaasahan ko. Dahil kung sakaling si Thea ang umistorbo sa tulog ko, patay siya sa akin.
"Good Morning honey. Let's go have some fun for today!" he said cheerfully. Nakaupo na rin pala ang hayop sa kama ko't feel na feel ang role niyang boyfriend ko.
Dalawang linggo na nga pala ang lumipas. Ang bilis lang ng panahon. Sa dalawang linggo naming pagsasama, ngayon lang nangyari itong ginising niya ako sa pagtulog ko; ng day off. Nakakairita kaya. Ito na nga lang ang libreng oras para makatulog ng maayos eh.
Inumpisahan ko na rin inaasikaso yung mga papeles ko sa paglipat ko ng trabaho. Excited na ko sa pagtratrabaho sa airline. Ito na nga yung pinakahihintay ko.
Ngunit iyong bagay na iyon ay hindi ko pa nababanggit kay Karl. Will he mind? Hindi naman siguro. Pangarap ko iyon eh. At kung talagang mahal niya ako, no big deal ang pagreresign ko sa call center. Okay. I'll tell him this day. Not tomorrow, but later. I swear to myself, sasabihin ko na.
Natigil ang pagmumunimuni ko nang may sumampal sa akin. Kumurap ako.
"Ayos ka lang? Alam ko masarap talaga akong titigan, pero mukha naman kasi akong tangang nagsasalita- Aw Shit!!"
Hindi na ako nagdalawang isip, sinapak ko na siya't di na nag-alintanang dapuan ng makamandag kong kamao ang gwapong pagmumukha niya. Naiirita na ako sa kanya.
Kinapa ng kanang kamay niya ang kaliwang panga na natamaan ng sapak ko. Ngumiwi siya, "Anong problema mo, Asiong?!"
Pigil akong bumuntong hininga, "Lumabas ka muna ng kwarto ko please lang."
Natawa siya. "Did i just pissed you again that's why you hit me?"
Mukhang natuwa pa ang lintek na ito sa asar ko sa kanya. Hindi man lang nabwisit. Nakakainis!
"Huwag mo akong daanin sa ingles mo, pinalalayas kita ng kwarto ko. Labas." Matigas ang mukhang saad ko.
"Aw. Ang sungit ng baby ko. On one-"
"Don't you ever call me baby!" sigaw ko.
Halatang nagulat naman siya sa inasta ko't sa biglaang pagsigaw ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin at tila binabasa ang laman ng isip ko.
Kung nababasa niya nga'y patay ako. Si Jay ang naalala ko. He is the one and only man who calls me baby. Not that I'm still head over hills on him because I now have Karl, but I just can't imagine Karl calling me baby. I can't stand it. Feeling ko niloloko ko si Karl-
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...