"Antonio?!"
Sa halip na ang mga bisita ko ang masurpresa sa ginawa kong dekorasyon sa bahay ay ako ang nagulat sa iniluwa ng pinto.
Si Toni? Eh ngayon ngayon lang nagtext siya, nangangamusta. Tapos heto at nasa harap ko na siya!
He gave me a wide eyed stare throughout my body.
Ni hindi nga maayos ang itsura ko ngayon eh! Nakarollers ang buong buhok ko; (just imagine how much i look stupid) wearing sleeveless blouse at short-shorts.
Hindi man ito ang unang pagkakataong nakita ako ni Toni na lantad ang balat ko ay bigla akong nailang. Naaalala kong kahit gaano niya pinupuri ang legs ko ay ayaw niya akong nakikitang ganito ang suot ko.
Yari.
.
.
.
.
.
.
.
Eh teka nga. Bakit naman yari? Eh ano nga pala naman sa kanya ngayon? Wala na kami diba? Bakit heto akong natataranta sa kung anong sasabihin niya sa itsura ko ngayon.
"More like disappointed?" Anitong nagpabalik sa huwisyo ko. Ngumitisiyangmapait, akala niya nga siguro'y dismayado ako. Pero hindi kaya! Natuwa nga ako eh. At saka paano niya ba nalaman kung saan nakatayo ang bahay na 'to? Paano-
Sinampal ko ang sarili ko sa loob loob ko. Pwede naman siguro akong magtanong diba? Hindi niya naman kasi maririnig ang mga tanong sa utak ko habang nakikipagtitigan lang ako sa kanya buong magdamag.
"Hindi!" Tanggi ko agad. Ngumiti akong pilit kahit wagas na naman makatibok ang puso ko. "Nagulat lang ako sa'yo, kakakamusta mo lang sa text eh, 'tas eto ngayon nasa pinto ka na..."
Napakamot siya sa ulo niya't, yumuko. "Eh.. "
"Tara sa loob. Sa loob ka na mag-explain." Biro ko sa kanya.
"May hinihintay ka palang bisita. Kung alam ko lang eh.." aniya nang makapasok ng tuluyan sa bahay. Napansin niya siguro 'yung mga palamuting nakasabit ngayon sa dingding namin.
"Eh kung nagtatanong ka muna kaya bago pumunta, hindi 'yung parang kabuteng-"
"Sorry na." putol niya..
Ngumiti ako. "Ayos lang, ano ka ba." tinapik ko siya sa braso niya.
"Oy, namiss ko 'yun Renn."
"Haha. Baliw ka."
"Ate!!" tinig ni Thea na nanggaling sa kusina.
I was just about to answer, pero lumabas na siya agad galing kusina.
"Sila mommy na ya-"
And then I saw her forehead wrinkled. Nagpalit palit ang tingin niya sa amin ni Toni.
Hindi niya pa naman nakikita sa personal, pero nakita niya na sa pictures at nakausap na through phone.Namumukhaan niya kaya?
At ito nga ang unang pagkikita nila ni Thea at Toni. Kinakabahan ako sa magiging reaction ni Thea.
"Uhm, Thea, right?" si Toni.
Muling nagbigay sa akin ng makahulugang tingin si Thea saka siya tumingin ulit kay Toni.
Tumango siya't, halatang pilit na ngumiti."Hi."
Hindi ko alam kung dahil nahihiya, o dahil sa inis si Thea kay Toni, ayon na nga sa mga salita kani-kanina lang ni Thea.
BINABASA MO ANG
Bizarre Love Affair
Teen FictionCan't Cupid just let ONLY LOVE be between Jorenn and Karl? no yelling and screaming? They were high school friends, but since then, away-bati-away-bati na silang dalawa. Hanggang ngayong nagtratabaho na sila, walang humpay pa rin ang bangayan nila s...