16- Pogi Points

87 3 1
                                    

Enjoy Reading!

**

Minulat ko nang unti-unti ang mga talukap ng mata ko, pero nasilaw ako at napapikit nang muli. Gising na ako, pero nakikiramdam pa lamang sa paligid. Ang sarap ng tulog ko, ang sarap ng panaginip ko. 

Naramdaman kong nagvibrate sa likod ko ang cellphone ko. Panigurado, kung kasama ko sa bahay si mommy, tatalakan na naman ako noon at sasabihing napakaburara ko't dinaganan ko na naman cellphone ko.

Muli kong pinilit na idilat ang mga mata ko nang mahawakan ang cellphone ko upang tignan iyon. 

May nagtext. Galing kay Karl. "Good Morning Sleepy head Jo. :* " 

Aba, first time nagtext ang mokong ng ganitong oras at sakto pang kagigising ko lang. Napangiti ako, hinalikan ang cellphone ko at ipinatong iyon sa dibdib ko, sa bandang kaliwa. 

May narinig akong bahagyang tumawa sa likod ng tenga ko na iginagitla ko. Pagkalingon ko'y nakangiting Karl ang bumungad sa akin. 

"So ganoon ka kadesperadang halikan ako?" 

"Karl!" Sambit ko nang maalala ang mga nangyari kagabi. 'Yung mga cheesiness na pagtatapat niya sa akin, 'yung pag-aagawan nami ng kumot etchetera etchetera. Doon ko lang din naramdaman ang braso niyang nakaakap sa beywang ko, pati ang isang braso niyang nakaunan pala sa akin. Nahiya tuloy ako sa itsura ko ngayon. Itsura ng bagong gising. Mamaya may panis na laway ako sa pisngi, o kaya sandamakmak na muta sa mga mata ko.

Pero sa kabila ng mga agam agam ko, kinikilig ako.

Super kilig. 

"May pakiss kiss ka pa sa phone mo. Palagay mo mararamdaman ko 'yun? Eh kung i-kiss mo na lang ako sa personal Jo?" aniyang todo ang ngiti at tinataas baba pa ang kilay niya. 

Ang sarap sapakin, masyado ako pinapahiya nito eh. Alam niya nang nagulat akong nakita niya 'yung ginawa ko, kailangan pa ba akong tuksuhin? Inirapan ko siya, at tumalikod ng padabog. "Tch. Ewan ko sa'yo." 

Hinila ako ni Karl papalapit lalo sa kanya kahit nakatalikod ako, pati mga braso ko, nabihag ng mahahabang braso niya. 

"Good morning honey. I missed you."

Aniya. Ako naman, mamatay matay sa kilig! 

"Good morning din Yap." 

"Ohh, that's too formal. Can't you be sweet just this once?" reklamo ni Karl. 

Ngumiti ako. Ito na nga ang pinakamasarap na tulog ko at gising ko sa tanang buhay ko. Akala ko, paggising ko, mawawala nang lahat. Akalain mong hindi ko lang pala imahinasyon ang lahat at totoong mahal pala talaga ako ni Karl. Hindi naman sa hindi naniniwala, this isn't just what I have expected. 

Ang saya saya ko. Ilang beses ko na bang pinaulit-ulit na masaya ako? Basta masaya ako. Masayang masaya.

Umikot ako sa kanya na hindi pa rin tinatanggal ang pagkakaakap sa akin ni Karl. Binawi naman ni Karl ang isang braso niyang gamit kong unan at ipinatong iyon sa ulo ko't hinaplos haplos ang buhok ko. 

"Good morning sweety, I love you! I even dreamed of you!" sabi ko habang nakangiti at hawak ang magkabilang pisngi ni Karl. 

Inalis niya ang mga ngiti sa labi at mata niya, saka nagsalita. "You weren't even in my dreams.." 

So kailangan sabihin pa? Sampalin ko 'to eh. "Ohh. Who then?" 

"You don't wanna know." 

"Sino nga eh?" Pa-mysterious effect pa. Peste. 

Bizarre Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon