Chapter 4

3.6K 91 2
                                    

Chapter 4

"OKAY NA BA ANG LAHAT?" sigaw ni papa na ang sa tansya ko'y nasa hallway nitong bahay.

Tiningnan ko muna ang aking repleksyon na nasa salamin. I touched my undereye at medyo maitim ito, namamaga din ito siguro ng dahil sa may jetlag pa ako at wala pang tulog. Kakabalik ko lang kanina mula US at ngayon ay ganap na akong doctor tulad ng pinapangarap ko simula bata palang ako, magpapahinga muna ako and after a month mag a-apply ako ng residency sa hospital nina papa.

Tumingin ako ulit sa salamin saka ko sinuklay ang aking buhok at pagkatapos ay kinuha na ang sling bag ko't lumabas na ng kwarto.

Nakita ko naman si papa na nakatayo sa gilid ng hagdan habang buhat-buhat ang bunso namin. Nginitian ko naman ang kapatid kong apat na taong gulang.

"Hi baby Alli!!!"

Humagikhik naman ang baby brother ko.

"Hi ate!"

Kinurot ko lang ang matambok niyang pisngi saka ko nakangusong tiningnan si papa.

"Ilang araw ba tayo doon papa? Marami pa akong dapat aasikasuhin dito sa manila. You know that."

Humalakhak lang siya saka niya ginulo ang aking buhok. Napasimangot naman ako.

"Angelica, palagi mong iniistress ang sarili mo. Huwag mo ngang pagurin ang katawan mo dahil walang magagawa ang propesyon mo kapag rumatay ka ulit sa hospital." ngiting tipid niyang sabi.

Ngumiti nalang ako saka nalang umupo sa sofa na nasa tabi ng kinatatayuan ni papa.

Naalala ko nanaman kasi ang nangyari sa akin noon noong kinse anyos ako. Iyong nakidnap ako saka naaksidente na naging dahilan kung bakit ako nagka-post traumatic amnesia pero unti-unti din naman na bumabalik ang memorya ko. Sa halos walong taon ba naman na nakakasama ko ang pamilya ko siyempre makikilala ko din sila.

"Saan sina mama at kuya mo?" biglang untag sa akin ni papa.

Sasagot pa sana ako nung may biglang umakbay sa akin.

"I'm here pa.." nakangising sabi ni kuya. Napairap nalang ako at napatingin kay mommy na naka-shades pa.

"Ma? Seriously?"

Matamis lang siyang ngumiti saka niya inangkla ang braso niya sa kaliwang braso ni papa. Iyong kanang braso kasi ni papa ay bumubuhat kay alli. Malakas pa kasing bulas si papa. He's forty-five years old. Seventeen years old palang sila ni mama noon nung bumuo sila ng pamilya kaya parang magkakapatid lang kami kung titingnan.

Bubuhatin ko pa sana ang malaki kong back pack na naglalaman ng mga gamit ko nung inunahan na ako ni kuya na buhatin iyon.

"Ako na sis."

Nginitian ko lang siya saka pinasalamatan. Bumaba na kami saka na lumabas ng bahay at nagsisakay sa SUV ni papa.

"Kayo na muna bahala dito sa bahay ha?" sabi ni papa kina yaya pasing bago siya sumakay. Tumango naman sina yaya. "Opo sir, Makakaasa po kayo." sagot naman ni yaya at ngumiti lang ito.

Tumango lang si papa saka na niya pinaandar ang sasakyan. Napabuntong-hininga nalang ako saka napatingin sa labas ng bintana.

His Innocent PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon