Lost in Your Universe

1K 16 0
                                    

This is baneng and tyler's story.

Panimula

"HOY! Gising na! Punyeta! Natapos na ko't lahat sa paglalabada ay nandito ka pa din sa higaan! Wala kang kwenta! Naubusan na ka ng ilalakong tuyo at isda! Anong kakainin natin ngayon? Bato?!"

Nanghihina akong bumangon at hinarap siya. Masama ang pakiramdam ko, sobrang sumasakit ang ulo ko at siguro kahit pagtayo ay hindi ko magagawa.

"Nanay hindi ko po kayang tumayo.. sobrang masama po talaga ang pakiramdam ko."

"Masama?! Mas sasama pakiramdam mo pag magugutom tayo! Tayo! Mag trabaho ka! Akala mo't ikaw lang  nahihirapan dito?!"

Nanghihina akong nagpakawala ng buntong-hininga.

"Pero nanay, walong taong gulang palang po ako. Iba po iyong kayang gawin ko sa inyo, iba po iyong laka---" hindi ko natapos na sabi nang bigla niya akong sinampal.

"Aba't! Sumasagot kana?! Layas! Lumayas ka! Pabigat ka na nga lang sa buhay ko at pati ang pakainin ako ay hindi mo pa magawa?!"

Umiiyak akong napailing-iling. Hindi talaga niya ako mahal dahil kung mahal niiya  ako ay hindi niya iisiping pabigat ako.

"Sorry po, nanay. Sorry po, please huwag na po kayong magalit.. huwag naman po ganyan.. nanay..." hikbi ko na ikinaismid niya.

"Magtrabaho ka!"

Naiiyak nalang akong napatango at napapahid sa luha ko. Sa edad na walong taon ay natuto na akong magtrabaho, halos lahat naman ng bata dito sa lugar namin ay nagta-trabaho na pero sabi nila ako daw iyong bukod tanging mas madiskarte at tuso sa pagbebenta, hindi ko alam kung papaano nangyari ang sinasabi nila pero ang sabi kasi nila matalino daw ako dahil sa edad  kong ito ay marami na akong alam at kung mag isip ay pang-matanda na.

Napangisi nalang ako, hindi nga ako marunong mag ingles, tapos matalino? Marami akong nakikitang bata sa eskwelahan, sobrang galing nilang mag ingles samantalang ako walang maintindihan.

Napailing nalang ako saka ko tiningnan si nanay, nakapameywang pa din siya habang namumula na sa galit na nakatingin sa akin. Hinihintay niyang tumayo ako para magtrabaho.

Naiiyak akong tumayo pero mas masahol pa yata ako sa lantang gulay dahil bigla nanaman akong napaupo.

"Ang arte mo! Punyeta!" Galit na tili ni nanay.

Sa pintuan ay napatingin ako sa isang matandang lalaki na maraming balbas, ang asawa ng nanay ko. Pakamot-kamot pa ito sa likuran habang naglalakad papunta kay nanay.

"Ano ba naman yan, Kareng! Ang aga aga at parang nakalunok ka na ng ilang mikropono!"

Galit siyang tiningnan ni nanay.

"At ikaw na animal ka! May benta sa lipunan ng mga isda at ngayon? Anong oras na? Putanginang buhay naman 'to oh!" Ani nanay sabay bato ng hinahawakan niyang puting t-shirt kay uncle.

Napapikit nalang ako nang nakita kong naglakad si nanay papunta sa akin at alam ko na ang susunod na mangyayari; hahawakan niya ang kuwelyohan ng damit ko saka niya ako kakaladkarin palabas ng kubong bahay namin.

Napaupo ako sa buhanginan at kasunod non ay ang paglapat ng matigas na bagay sa aking katawan, tiningnan ko iyon at hindi ko napigilang mapasinghap nang  makita ko iyong kahoy na ginagawa naming panangga sa pintuan namin na gawa sa nipa.

Napatingin ako sa mga tao na nasa paligid, yung iba ay may karga-kargang banyera at mayroon ding iba na nagtsi-tsismisan lang, inilipat ko ang tingin sa dalampasigan at ang mga mangingisda doon na nakasakay sa kanilang bangka at yung iba na humihila ng lambat ay napapatingin din sa amin.

His Innocent PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon