Chapter 6

3.2K 69 0
                                    

Chapter 6

HINDI mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa conversation namin ng boyfriend ko, ilang taon ko na siyang ka-relasyon pero ni kahit kailan hindi man lang nagbago yung trato niya sa akin. Mabilis pa din naman siyang nag-reply, he still compliments me and never failed sa pag-update sa akin sa mga bagay-bagay tungkol sa kanya.

Napasinghap ako nang may biglang humablot ng cellphone ko mula sa aking pagkakahawak at kahit hindi ko pa man tingnan ay alam ko na kung sino iyon.

Matalim ko siyang tinapunan ng tingin at pinag-taasan lang niya ako ng kilay, nakaupo na siya sa tabi ko at kukunin ko pa sana ang cellphone ko mula sa kanya nung bigla niya itong inilayo. Nagulo ko nalang ang aking buhok dahil sa sobrang pagkainis.

Halos sa isang linggo na nandito ako sa bakasyong ito ay puro nalang inis at pagka-irita ang nararamdaman ko at ng dahil iyon sa taong nasa aking tabi. Hindi na niya ako tinigilan simula nung umagang ginising niya ako sa kwarto at nagsabi ng kung ano-ano. Sobra pa siya sa tatay ko kung makapagtanong at makealam sa mga gamit ko, nakakairita.

Sinubukan ko ukit na agawin sa kanya ang cellphone ko pero bigla siyang tumayo, kunot na kunot ang kanyang noo habang ang mga mata niya'y nag-aalab sa kung anong emsyon habang nakatingin sa cellphone ko.

"I love you. I can't wait to you see you." Inis niyang sabi na mukhang binabasa ang text message sa akin ng boyfriend ko na ikinasinghap ko. "What the hell? Ibalik mo nga 'yan!" hindi makapaniwala kong bulyaw sa kanya.

Malamig niya akong tiningnan kaya napaatras ako, his teeth greeted saka nalang niya ipinasok sa kanyang bulsa ang aking cellphone.

"You promised me before.. you told me that you'll never have a change of heart, you told me that your heart belongs to only.. me."

Naguguluhan ko siyang tiningnan, he took a step towards me that made me took a step backward. Nanlalamig ako sa klase ng mga titig niya sa akin, like he's so ready to cage me or chain me para lang hindi ako mawala sa kanyang paningin.

Napailing nalang ako saka ko itinuro ang kanyang bulsa. "Papasok na ako, ibalik mo nalang sa akin 'yan kung tapos ka na sa pangengealam." Inis kong turan at tatalikod na sana nang bigla nalang niya akong pwersahang hinawakan sa braso at hinila sa kung saan.

Tumigil kami sa tapat ng isang kotse saka niya ako marahas na binitawan, binuksan niya ang pintuan ng kotse and he eyed me coldly.

"Pasok.." he sternly said. Umiling ako. "Ano bang nangyayari sa'yo? Alam mo nakaka-putangina ka na ha?! Nung nakaraan ka pa, a? Ano bang problema mo? Ano bang gusto mo? Baliw ka ba?"

He just ignored me and forcedly dragged me inside the car, he slammed door and turned his way to the other door of his car kung nasaan yung driver seat. He looked at me through the front mirror and I saw him sighed and started the engine.

Hindi na ako nagsalita at hindi na ako nagtanong. Alam ko naman na wala siyang balak gawin na masama sa akin. Kahit nakakatakot siyang tao alam ko naman na mabait siya iyon nga lang hindi ko gusto ang pagiging nagger at possessive niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Kung makaasta siya ay para ko siyang nobyo na hindi naman. Akala ko nga may asawa na siya. He's almost forty years old pero katulad ng kapatid ko.. wala din itong kasintahan.

Napahalukipkip nalang ako at pinagmasdan ang bawat punong nadadaanan namin. Hanggang sa naging pamilyar na ang bawat dinadaanan namin. Napatuwid ako ng upo saka ko nalang nakita ang mababang kalsada na madalas bahain.

Papunta ito sa rest house namin!

Lumiko ang kotseng sinasakyan namin sa isang kakahuyan at kasunod na noon ay ang malaking puting bahay namin na tinatawag naming rest house. Huminto ang kotse sa garahe kaya mabilis naman akong bumaba at parang bata na tumakbo sa may dalampasigan. Oo, ang resthouse kasi namin ay malapit sa dagat.

His Innocent PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon