Chapter 9
NAKAHALUKIPKIP akong nagmamasid sa kakarating lang na si Noah, lasing itong nakaupo sa sofa habang ang dalawa nitong paa ay prenteng nakapatong babasaging lamesa, nakasandal ang ulo nito sa may backrest ng sofa habang ang mga mata'y nakapikit, may mga luha pa ito sa kanyang pisngi.
Napailing nalang ako saka ako umakyat sa taas para kumuha ng kumot, face towel at tuwalya. Pumunta din ako sa kwarto niya para kumuha ng t-shirt at pagkatapos ay bumaba na ako ulit. Pinatong ko naman sa glass table ang mga dala ko maliban sa face towel saka ako pumunta sa kusina para kumuha ng water basin. Kinusot ko muna ang facetowel gamit ang mabangong sabon saka ko na nilagyan ng tubig ang water basin.
"Para ako nito nag-aalaga ng bata." Natatawa kong sabi saka nalang ako lumabas ng kusina dala ang water basin at pumunta na sa sala, mukhang wala na itong malay sa paligid.
Lumuhod ako sa gilid niya saka ko pinatong sa babasaging lamesa ang water basin at inusod ang t-shirt at tuwalya sa gilid para hindi mabasa.
Tiningnan ko si kuya noah nang tinawag ako nito dahil akala ko nabalikan na siya ng ulirat pero nagsi-sleeptalk lang pala. Napailing nalang ako saka ko hinubad ang t-shirt niya at inumpisahan na siyang punasan.
Inuna ko muna ang mukha niya, ang noo niya, pagkatapos ay ang pisngi niya saka bumaba ang pagpupunas ko sa kanyang leeg, napangiwi nalang ako dahil sa amoy niya, amoy alak talaga siya.
Naoatingin ako sa lanyang mukha nang narinig kong umungol ito.
"Hmm angelica.." malambing at may bahid ng sakit nitong tuwiran. Ngumuti ako ng mapait saka ko hinaplos ang kanyang pisngi. "Naglasing ka, kahit na alam mong malaki ang tsanya na makakatakas ako."
Tumawa nalang ako ng pagak saka napailing.
Matapos ko siyang masuotan ng t-shirt ay madali ko nang niligpit ang pinagpunasan ko sa kanya. Matagal ko muna siyang tiningnan bago ko tiningnan ang cellphone niyang nakuha ko sa bulsa niya.
"Patawad kuya pero hindi mo mapipilit ang puso kong ibalik ang dati kong nararamdaman sa'yo lalo pa't wala akong may naaalala ni kahit isa." Malungkot akong bumuntong-hininga saka ko siya hinalikan sa kanyang noo. "Kahit sinusungitan kita ay napalapit ka na rin sa akin at ayokong masaktan ka. Alam kong masasaktan ka sa gagawin ko pero mas masasaktan ka pa kapag ipipilit mo pa ang sarili mo sa akin. Forget what we had before, kuya. Let go and heal yourself.. please.."
Hinaplos ko ang kanyang pisngi saka ako ngumiti ng mapait, nalulungkot ako. Mabait siya, inaalagaan niya ako at ni kahit minsan hindi ko man lang naramdaman ang takot, pakiramdam ko ligtas ako dahil nandiyan siya. Kailangan na mawala ako sa paningin niya dahil kung hindi patuloy lang siyang masasaktan at ayoko nun.
I smiled weakly and sighed.
"I'm sorry, kuya. Hanggang sa muli.."
Tumayo na ako saka tumalikod para pumunta sa may pintuan. Sinirado ko ito saka ko tiniype ang number ni hector para matawagan ko siya at hindi pa nga nakalipas ang ilang ring ay sinagot niya na ito.
"Hello, who's this?" Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. "Babe.."
"Angelica? Ikaw ba 'to? Bakit iba ang number mo?"
"Nakigamit lang ako.. sunduin mo ako dito. Bilisan mo, ite-text ko sa'yo ang address."
"Bakit? May mali ba diyan? May nangyari bang masama sa'yo?" Aniya na bakas sa boses niya ang pag-aalala. Napangiti nalang ako. "Wala naman.. miss lang kita. Bilisan mo ha?"
"Mabuti nalang at malapit lang ang naging business trip ko diyaan sa resort niyo. I'll be there mga isang oras kalahati. Aalis na ako." Napangiti ako. "Mag-ingat ka.."
BINABASA MO ANG
His Innocent Prisoner
RomansaReckless Barkada Series #2 "No one can have you aside from me, no one. Because from the very start you are mine, mine alone." - Noah Angelo Villafuerte UNEDITED VERSION! KINDLY BEAR WITH IT FOR THE MEAN TIME! HEHE! Copyright © 2017 by AngelisticFa...