Chapter 14

2.1K 47 8
                                    

Chapter 14

KUNOT-NOO akong lumabas ng kusina nang wala akong nakitang kahit anino man lang ni Noah. Hinahanap ko kasi si Noah dahil nagising nalang ako nang wala siya sa tabi ko, napakamot nalang ako sa aking batok nang hindi ko din siya nakita sa banyo.

Nasaan na ba ang taong iyon?

Napailing nalang ako saka ko binuksan ang bintana at saka ako sumulyap rito na nagbabakasakaling matanaw ko siya sa labas pero wala dahil mga taong nasa dalampasigan lang ang nakikita ko na may hinihilang lambat at iyong iba naman ay bumababa mula sa bangka.

Hinahanap ko nalang ang tsinelas ko saka ko inipit ang aking buhok at mabilis na lumabas ng bahay. Naglakad naman ako papunta sa dalampasigan at doon ko palang nakita si Noah na bumababa ng bangka sa kabilang dako, napangiti nalang ako.

Nangisda ba siya?

Lalapitan ko na sana siya nang may biglang lumapit sa akin na isang dalagitang nasa kinse pa yata ang edad. Napakaputi niya, chinita, matangos ang ilong at may magandang hugis na mukha. Ngumiti siya sa akin saka niya ibinaba ang buhat niyang baldeng may isda.

"Magandang araw po, Ate! Ako po pala si Vanessa, Baneng po tawag nila sa akin dito." Nakangiti niyang bati sa akin, ngumiti din ako saka tumango. "Magandang araw din, baneng." bati ko pabalik.

"Kayo po ba ang asawa ni kuya Noah?" Nakangiti niyang tanong. Mukha namang nabingi ako sa tanong niya saka napakunot ang aking noo. "Ano?"

"Asawa po kayo ni kuya Noah diba?" Napakamot ako sa aking  batok saka pilit na ngumiti. "Ah oo. Tama asawa niya ako." Nakangiwi kong sabi dahil parang naiilang ako.

Napapitlag ako nang may biglang umakbay sa akin at sabay halik nito sa tuktok ng aking ulo. Nakita ko namang ngumiti si Baneng.

"Ang sweet talaga ni kuya! Sana pareho nalang simo adtong linti nga laki nga nagpabusyad sa akon." Nakasimangot nitong sabi na nagpakunot ng aking noo.

I can't understand her kaya nilingon ko si Noah saka ko ulit tiningnan si Baneng.

"I'm sorry Baneng but I can't understand you."

Tumawa si Baneng saka humalakhak. "Englishera ka pala ate e." Natatawa niyang sabi. "Sabi ko po sana katulad nalang po ni kuya noah iyong taong nakabuntis sa akin. Porke't mayaman kasi ang gagong iyon e, iniwan ako! Aba!"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Seriously? Nabuntis ka?! Hala! Ang bata mo pa a!" Gulat kong sabi. Humigpit naman ang hawak ni Noah sa baywang ko kaya nilingon ko siya, ngumisi siya saka niya nilapit ang labi niya sa tenga ko. "Kung gago lang ako noon, siguro may anak na tayo ngayon." Napangiwi ako saka ko siya siniko at nginitian si Baneng.

Tumawa lang si Noah saka niya ako hinalikan sa noo.

"Sige na. Magkwentuhan na muna kayo ni Baneng, ako na ang bahalang magluto." aniya.

Magpo-protesta pa sana ako pero nang lumingon ako sa nakangiting Baneng ay hinayaan ko nalang si Noah. Kumaway lang si Noah sa akin nang medyo malayo na siya saka na siya tumalikod.

Hinarap ko naman si Baneng saka nalang napayakap sa sarili ko nang biglang humampas sa akin ang malumanay na hangin.

"Why did you let him touch you? Napakawalang respeto naman ng lalaking iyon! You're only fifteen at teka ilang taon na ba ang tatay ng baby mo?"

"Nagmahal kasi ako ate e, naging marupok. Akala ko kasi mahal niya ako pero katawan ko lang pala ang habol niya. Aba iyong gagong iyon ay binayaran ako ng one hundred thousand huwag lang magpakita sa kanya?!"

His Innocent PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon