Chapter 7

2.8K 64 2
                                    

Chapter 7

"ANO NANAMAN?" Inis kong pakli sa lalaking nagbibigay ng malaking inis sa buhay ko nitong mga nakaraan.

Nag-ngangalit pa din ang aking puso sa galit dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya ako inuuwi sa resort, hindi ko alam kung paano umuwi.

Tiningnan ko si Noah na prenteng nakaupo sa dining chair habang ang mga mata'y nakatitig sa akin. Pinagtaasa ko siya  ng aking kilay saka ko palihim na tiningnan ang suot nito. Naka-sando siyang puti habang naka- khaki shorts sa pang ibaba.  Napailing nalang ako saka bumaba ang aking tingin sa glass table, may pancake, baso saka tatlong platito sa lamesa.

"Umupo ka nga dito ng maayos angelica, kumain ka." aniya saka tinapik ang bakanteng space sa gilid niya.

Sinimangutan ko lang siya saka ako napatingin sa lalaking lumabas galing sa kusina. May dala siyang chocolate syrup saka freshmilk.

"Want some?"

Nginitian ko lang siya saka ako umiling at umupo sa harap ni Noah. Hindi ko ainunkd ang gusto niyang umupo sa kanyang tabi. Aba? Ano akala niya sa akin? Sunod-sunuran?

"You smiled.." narinig kong mahina komento ni Noah, tiningnan ko siya.

He's eyeing me, sinalubong ko naman ang kanyang tingin that made him uneasy, umiwas siya ng tingin saka niya ako binigyan ng pancake.

"Eat, angelica."

Bumuntong-hininga lang ako saka tumingin sa tv na nakasabit sa pader, may nag-flash na commercial ng napkin sa tv and that hit me, wala na pala akong damit. Puro damit lang ni kuya Noah ang suot ko dito, i even wore his boxer shorts at tinatali ko pa ito para lang magkasya sa akin.

Tiningnan ko si Noah at naglalagay ito ng freshmilk sa baso. Tumikhim ako.

"Kailan ba tayo aalis dito? Wala akong gamit dito. Ni pang hygeine at skin care ko, wala? Hello? I need those things!"

Tiningnan niya ako saka niya tinulak ang baso ng freshmilk papunta sa akin.

"Nasa sasakyan ko."

Naningkit naman ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Umuwi ko? You should have told me para nakasama ako, i miss family." Inis at malungkot kong pakli, tiningnan nya ako. "They're okay, Angelica." He sighed and looked at Zenedic who is now busy eating his pancake.

Nilingon kami nito pareho saka ito tumayo at umalis sa hapagkainan dala ang isang box ng freshmilk at pancake.

"Ipinagpaalam na kita sa mga magulang mo at pumayag sila. You'll be staying here with me, i'll make you remember me. Gagawin ko ang lahat-lahat, maalala mo lang ako. I suffered years of not having you in my arms, i suffered years of just watching you from afar. And maybe, now, can you just give your time? I'm asking you to give me your time, Angelica. Please?"

Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata, malungkot ito at parang nagmamakaawa. Bigla naman akong may naramamdaman na kung ano kaya napaiwas ako ng tingin saka ako napainom ng freshmilk.

"Okay." Mahina kong tugon, i heard his fork touching the platito, i looked at him and he's smiling. "Salamat."

Marahan lang akong tumango saka ko ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos namin magbreakfast ay agad naman na nilinis ni Noah at ng kaibigan niya na Zenedic pala ang pangalan ang pinagkainan namin. Ako na sana ang gagawa pero ayaw akong pahawakin ni kuya ng mga pinggan. Feeling ko isa akong seven years old sa mga pakikitungo niya sa akin.

"Angelica bakit ang sama ng loob mo sa akin?" Narinig kong biglang untag ni kuya Noah habang nakatingin sa papalayong kotse kung saan nakasakay si kuya Zenedic, nilingon ko siya saka ako humalukipkip.

His Innocent PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon