Chapter 12

2.3K 46 0
                                    

Chapter 12

FOR THESE past few days, wala na akong iba pang nakikita kung hindi ang kisame, ang apat na sulok ng pader, ang kama, side table, couch at pintuan ng banyo lang. Para akong isang preso na bawal lumabas dahil kung magtatangka ka parang mas masahol pa sa parusa ng batas ang ihahatol sa'yo.

Simula kasi nang nangyari sa akin, sa amin ay hindi na ako pinayagan na lumabas pa ng kwarto ko, hinahatiran nalang niya ako ng pagkain at kung wala siya dito at nasa maynila siya ay mayroong isang matanda ang palaging naghahatid ng pagkain sa kwarto ko. Kasalanan ko naman kung bakit naging ganito lalo ang sitwasyon ko dahil nagtangka nanaman akong umalis sa ikalawang pagkakataon, mukhang nawalan na yata talaga ng pasensya si Noah sa akin.

Pero putangina lang? Siya ang may kasalanan sa akin so bakit ngayon ako pa ang may parusa? Nakakaputangina talaga! Bwesit!

Hindi na din kasi ako nagtangka pang humingi ng tulong sa matanda para makalabas dito, hindi naman siya kukunin ni Noah kung malubag ang loob niya sa mga katulad ko. Alam kong hawak siya sa leeg ni Noah kaya ayaw ko nang may mapahamak pa ng dahil sa akin. Lalo pa ngayon na naaalala ko na kung ano ang klaseng sideline ang mayroon si Noah. Yes, I remember some things pero hindi buo at alam kong napakalaki ng kulang.

"Angelica hija, nandirito na ang pagkain mo. Kunin mo na at ng magkakain ka."

Napatangin ako kaagad sa pintuan ng kwarto ko pagkarinig ko ng boses ni aling olinaria. Napabuntong-hininga ako saka ako naglakad papunta sa pintuan at binuksan ito.

Nginitian niya ako saka niya inabot sa akin ang food tray na mayroong sinangag, scrambled egg at san marino tuna na nasa maliit na bowl na. Napangiti ako, natatandaan pa rin pala ni Noah na ito ang paborito kong kainin tuwing umaga. Kinuha ko naman kay aling Olinaria ang food tray saka ko siya nginitian.

"Maraming salamat po." Malumanay kong bigkas. Tiningnan lang niya ako saka siya ngumiti ng kaunti. "Mabait na bata si Noah, hija. At kung nakakaalala ka lang e siguro alam na alam mo ang bagay na iyon."

Hilaw naman akong ngumiti, dahil alam ko. Alam ko iyon pero hindi ko lang talaga matanggap ang ginawa niya sa akin. Sinira niya ang puri ko at mukhang sisirain pa niya ang relasyon ko kay Hector.

"Manang, hindi ko lang matanggap na maging ganito ang kapalaran ko sa kanya. Paano ang pangarap ko?" Nanghihinayang kong sabi. Ngumiti siya ulit sa pangatlong beses saka niya pinisil ang aking pisngi. "Hindi naman niya kukunin ang pangarap mo. Pansamantala lang ito. Pinoprotektahan ka lang niya sa isang taong maglalagay sa'yo sa kapahamakan."

Umiling-iling ako.

"Hindi nga niya ako naprotektahan mula sa sarili niya!"

Bumuntong-hininga siya.

"Iyan lang ang tanging mali niya kaya ngayon ginagawa niya ang lahat para makabawi sa'yo." Humakbang siya palikod saka siya naglakad papunta sa hagdanan. Nasa ikalawang hakbang na siya nang nilingon niya ako. "Kumain ka na. Magpakalakas ka."

Napapikit nalang ako saka na sinirado ang pintuan ng kwarto ko at umupo sa kama saka ko ipinatong ang food tray sa ibabaw nito.

Kinuha ko na ang kutsara saka tinidor and scooped a tablespoon of rice. Isusubo ko na sana ito nang biglang bumukas ang pintuan at naabutan ako ni noah na nakanganga, I closed my mouth. He cleared his throat.

"You.. dress up. We'll go somewhere."

Napasinghap ako saka ko binitawan ang kutsara't tinidor. Tumayo ako saka ko siya mataman na tiningnan, pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo at paa. He's wearing his black suit, a black slacks and a pair of black shoes pati neck tie ay black. Humalukipkip ako saka ko siya pinagtaasan ng kilay.

His Innocent PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon