Chapter 10
SILAW ng araw ang gumising sa akin na nanggagaling sa mga maliliit na singaw mula sa bubong na nipa. Naniningkit ang mga mata kong umupo habang hilot-hilot ko ang akinh sentido, natigilan ako nang napagtanto kong wala ako sa bahay kaya pakurap-kurap kong inilibot ang aking tingin sa paligid nang naalala ko nalang na nasa isang kubo pala ako, mas lalo pang kumunot ang akig noo nang nakita ko ang katabi kong nakabalot ng kumot, napatingin ako sa sarili ko at wala akong damit ni kahit isa.
Bigla akong napaupo ng maayos saka ko inalala lahat ng nangyari kagabi at para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang naalala ko ang kahayupang nagawa ko kagabi. Madali kong pinulot ang aking mga damit na nasa sahig saka ko iyon madaling isinuot.
Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang balikat ni Angelica, hindi siya kumikibo kaya madali ko siyang pinaharap sa akin.
Parang papatayin ko ang sarili ko nang nakita ko ang hitsura ni angelica, tahimik siyang lumuluha habang yakap-yakap ang kanyang sarili. Kumuyom ang aking kamao saka ako napasabunot sa aking sarili. Tiningnan niya ako saka siya napapangiwi nang umupo siya at saka niya ako binigyan ng mapait na ngiti.
"Ano masaya ka na?" Aniya na bakas ang puot sa bawat salita."Kuya?" She said sarcastically.
Bigla nalang tumulo ng sunod-sunod ang aking mga luha saka ko siya biglang niyakap at hinalikan sa kanyang noo, napapitlag naman siya dahil doon.
"Oh god.. i'm sorry. What have i done.." I cried and wiped her tears. "Angelica, hindi ko sasabihin na hindi ko sinasadya dahil alam kong ginusto ko ang nangyari kagabi, i'm sorry."
Tinapi niya ang kamay ko saka niya ako pagak na nginitian.
"Ginahasa mo ako.."
Napayuko nalang ako saka ko nalang nakita ang luha ko na tumutulo sa banig.
"I'm sorry. I'm sorry, baby.." Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi saka ko siya tiningnan ng diretso sa kanyang mga mata. "Ipinangako kong po-protektahan kita pero ako mismo ang nakasakit sa'yo. Hindi kita naproktehan mula sa sarili ko. Ang gago ko.."
Tiningnan niya ako saka niya akong biglang niyakap na ikinagulat ko.
"Natatakot ako kuya. Alam mo bang takot ako sa'yo? Lalo pa sa ginawa mo sa akin.." aniya.
Hahaplusin ko na sana ang likuran niya para patahanin siya ng bigla niya akong tinulak at sinampal saka niya ako biglang pinagsusuntok, walang tigil lang siya sa pagsuntok sa akin hanggang sa pagod na pagod niyang ibinaba ang nakakuyom niyang kamao at naluluha niya akong tiningnan ng diretso sa mga mata ko.
"Ikaw sana ang magiging sandalan ko pero ikaw pa ang naging tinik sa buhay ko." aniya saka siya napasapo sa mukha niya at umiyak.
Tahimik lang ako habang pipakinggan ko ang bawat hikbi niya hanggang sa nakaisip ako ng kahibangan.
"Ipakulong mo ako, angelica.."
SERYOSO ko siyang tiningnan nang sinabi niyang ipakulong ko siya. Oo, gusto ko pero ayokong magkasiraan ang magandang samahan ng pamilya namin, ang samahan ng mga nanay at tatay namin, ang pagkakaibigan niya at ng kapatid ko. Nang dahil lang sa gusto ko ay maraming masisira.
Umiling ako at kumuyom pa lalo ang dalawa kong kamao na naging dahilan upang magsilabasan na ang ugat sa mga kamay ko.
"Maraming masisira, maraming magugulo kapag ginawa ko iyon."
Kumuyom ang kamao ko saka sana ako tatayo nang pinigilan niya ako. Namilog ang mata ko nang hinubad niya ang t-shirt niya saka niya isinuot sa akin, hinalikan niya ako sa noo saka niya binitawan ang aking kamay.
"Papanagutan ko ang ginawa ko sa'yo, lalo pa't kung may..." Napabuga ako sa hangin nang hindi niya natuloy ang sasabihin niya kaya tagis bagang kong dinugtungan ang sasabihin niya sana. "Kung may mabuo? Hindi na kailangan, kaya ko ang sarili ko." Sabi ko saka na ako tumayo.
Nilingon ko siya bago ko buksan ang pintuan.
"Hayaan mo nalang ako, pabayaan mo nalang ako. Huwag mo nang ipilit pa ang sarili mo sa akin. Maawa ka, kinuha mo na ang lahat sa akin kaya pakiusap lubayan mo na ako."
Tumayo siya kaya napaangat ang ulo ko dahil mataas siya ng ilang dangkal sa akin.
"Sa tingin mo mapapabayaan pa kita matapos nito? Mas lalo lang akong didikit sa'yo." Napasinghap ako sinabi niya. "Plano mo ba ito? Ito ba ang plano mo para makuha ang gusto mo?"
Natawa ako ng pagak saka napahawak sa aking sentido.
"Huwag mo naman akong ikulong sa piling mo, villafuerte. Wala akong may ginawang masama sayo! Wala!" Iyak ko at tatakbo na sana palabas ng bigla niya akong hilahin sa kanya at bigla niya akong binuhat. "Papakasalan kita angelica sa ayaw at sa gusto mo."
Sinamaan ko siya ng tingin saka ko pinunasan ang luha ko.
"Binibigyan mo lang ako ng dahilan para kamuhian ka pa lalo. Ginahasa mo ako! Pagkatapos ngayon ay ikakasal mo ako sa'yo? E putangina ka pala e!" tagis bagang niya akong tiningnan. "Huwag mo akong galitin angelica dahil hindi ako magdadalawang isip na gahasain ka ulit dumikit ka lang sa akin."
"Baliw ka na.." Ngumisi siya. "Oo sa'yo."
"Edi wow!" inis kong sabi.
Napailing nalang siya saka siya lumabas habang buhat-buhat ako. May nakita akong bisikleta at lumapit kami doon saka niya ako pinaupo sa likuran, napangiwi ako saka ko siya sinuntok.
"Putangina a! Ang sakit!"
Kumunot ang noo niya saka niya nilapit ang mukha niya sa akin.
"Palamura ka pala? Itigil mo iyan. Hindi maganda sa'yo." Natawa ako. "Tigilan mo na din ako dahil hindi ako maganda sa'yo. Nakagawa ka nga ng mali ng dahil sa akin.."
"Lahat ng mali gagawin ko makuha lang kita."
Binuhat niya ako ulit saka siya nagumpisa nalang na maglakad.
"Alam kong masakit bumukaka dun sa bike, hindi din makapaglalakad kaya bubuhatin nalang kita."
"Galit pa rin ako sa'yo.." Bumuntong-hininga siya. "Alam na alam ko.."
Nakarating kami sa resthouse saka niya ako hinatid sa aking kwarto. Napapangiwi pa ako kapag gumagalaw ako kaya nag-aalala niya lang akong tinitingnan.
"Gusto mo bang tumawag ako ng doctor?" Tanong niya saka niya hinaplos ang noo ko. "Mainit ka.."
Tiningnan ko lang siya saka ako umiling.
"Ang gusto ko lang ay umuwi na."
"Nasa manila na sila angelica. Umuwi sila kaninang umaga, may problema kasi sa kompanya ninyo.. nanakawan kayo ng isang taong pinagkatiwalaan ninyo."
Kumunot ang noo ko saka ko sinubukang tumayo pero napaupo ako ulit dahil sa sakit nang nasa pagitan ng hita ko. Kanina hindi pa naman ako nakaramdam ng sakit pero ngayon pakiramdam ko'y napunit ang kaibuturan ko. Anong klaseng ano ang mayroon siya? Napabuntong-hininga ako saka humiga.
"Kailangan ako ngayon sa hospital namin.. kailangan kong tulungan sina mama."
"Andon ang kuya mo at tinawagan ko na din ang secretary ko para tulungan sina mama't papa mo sa problema nila sa kompanya ninyo."
"Umuwi na tayo sa maynila. Kung ayaw mo ay wala akong pakialam. Hindi na ako takot sa'yo, nakuha mo na ako kaya wala na akong pakialam pa sa gagawin mo." Umupo siya sa gilid ko saka niya ako hinalikan sa noo ko. "Matulog ka na, Angelica. Magpahinga ka. Hindi mo kakayanin kapag malaman mo kung sino ang nagnakaw sa kompanya ninyo. Ilang milyon ang nawala, Angelica."
Hindi na ako sumagot saka nalang ako pumikit. Nasira ang buhay ko nang dahil kay kuya Noah at ngayon mukhang masisira pa ang kompanyang mahal ng mga magulang ko ng dahil lang sa isang taong ayaw nilang ipaalam sa akin. Alam ko na bago pa kami pumunta dito para sa isang bakasyon ay may problema na, ayaw nga lang nilang sabihin pero hindi na ako bata pa para intindihan pa nila.
"Sleepwell, Angelica. I'm sorry for taking your innocence away from you... I'm so sorry." Huling narinig ko bago ako nalunod sa aking mga alaala.

BINABASA MO ANG
His Innocent Prisoner
RomantikReckless Barkada Series #2 "No one can have you aside from me, no one. Because from the very start you are mine, mine alone." - Noah Angelo Villafuerte UNEDITED VERSION! KINDLY BEAR WITH IT FOR THE MEAN TIME! HEHE! Copyright © 2017 by AngelisticFa...