Chapter 20

2.7K 43 1
                                    

Chapter 20

"WE'RE so sorry, angelica."

Nakangiti siya sa akin habang nakasuot siya ng plain na puting damit. Marami pa rin siyang pasa at sugat sa mukha pagkatapos ay may arm band pa pero kahit ganoon ay ang gwapo pa rin niya sa paningin ko kung hindi lang sana niya ako napagtripan ngayon.

Sinamaan ko siya ng tingin nang lumapit siya sa akin para yakapin ako saka ko siya hinampas nang hinampas.

"I'm sorry, My lady."

"Edi wow! Kainin mo ang sorry mo! Walanghiya ka!"

"Aray! Aray! Aray!" Daing niya pero wala pa rin akong pakealam dahil inis na inis na ako.

Para akong tanga na iyak ng iyak pagkatapos ito lang pala. Nakakainis!

"Aray? Gago ka!"

"Angelica naman! Gusto mo ba akong humilata ulit ng matagal sa hospital? Huwag naman sana. Nakakamiss ka kaya."

Hinampas ko siya ulit saka ko siya niyakap at umiyak sa kanyang dibdib habang pinapatayo niya ako.

"Ang bad mo! Paano mo natiis gawin sakin 'to? Kailan ka pa nagising? Walanghiya ka talaga!"

"Nung nakaraan pa.." Aniya saka siya bumuntong-hininga at tumingin sa paligid namin. "Please, huwag mo naman ipaalam sa kanila na under ako." natatawa niyang sabi kaya nahampas ko nanaman siya saka rin ako tumingin sa paligid.

Napangiwi ako saka ako biglang nakaramdam ng hiya, feeling ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa aking mukha na naging dahilan ng pamumula ko.

"Under ka talaga! Ika-proud mo 'yan dapat!" Halakhak ni kuya Zenedic.

Ngumisi lang si Noah saka siya ulit lumuhod na nagpakunot ng aking noo.

"Anong gagawin mo? Hihingi ka ulit ng tawad sa kalokohang ginawa mo?"

Umiling siya saka niya ako biglang pinusasan.

"Ano ba? Pinagloloko mo ba ako?"

Ngumiti siya saka umiling sabay haplos niya sa tiyan ko na para bang ang buhay niya'y nakasalalay doon. He smiled saka niya ako tiningnan at doon ko lang napansin ang hawak niyang isang red velvet box.

Napaawang ang aking mga labi nang napagtanto ko ang nais niyang gawin.

"N-noah?"

"Since then, Angelica. Ikaw lang ang tanging minahal ko. Walang iba Angelica, ikaw lang talaga ang naging babae sa buhay ko. You stole my heart Angelica at kailangan mong makulong. You will be imprisoned in my heart at hindi ka pwedeng mag-piyansa and as a punishment you should and must marry me. It is a lifetime punishment and you can't say no." Ngumiti siya saka niya binuksan ang red velvet box. "Angelica? Will you be my willing prisoner and marry me as your punishment?"

Hinaplos ko ang pisngi niya saka ko inilibot ang tingin ko ulit sa paligid. And our parents are giving me their two thumbs up, my brothers are smiling and my cousins too. Noah's friends are chanting 'yes' na para bang ini-encourage nila ako na sumagot ng 'oo'.

Napabuntong-hininga nalang ako saka ko ulit tiningnan si Noah.

"Tumayo ka."

"Ha? Hindi ka ba muna sasagot ng 'oo'?"

"Kapag hindi ka tumayo hindi kita sasagutin." sabi ko at mabilis naman siyang tumayo kaya ngumisi ako saka ko siya sinampal na nagpasinghap sa mga magulang namin at ang nagbigay 'fun' sa mga barkada niya.

"Bud! Nakita mo 'yun? Si villafuerte nasampal!"

Napailing nalang ako sa mga naririnig ko saka ko kinuha sa kanya ang singsing at isinuot. Nginitian ko siya nang napakamot nalang siya sa batok niya.

His Innocent PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon