Chapter 18
NAGISING nalang ako nang puro puti ang nasa paligid ko, amoy alcohol at masakit din ang ulo ko. I closed my eyes again dahil mukhang sumakit ang ulo ko pagkatama ng mata ko sa ilaw. I heard a screak from the door at alam kong may pumasok doon saka nalang akong nay narinig na mura.
It was my kuya Andrei's voice!
"I trusted her to you, Villafuerte! Pero anong ginawa mo?! Paano kung magka-amnesia ulit siya? Ha?! Ang gago mo! Ang gago-gago mo!"
"I'm sorry!"
"Sorry? You're sorry? Save it and get out! Leave!"
Sa boses palang ni kuya Andrei ay alam kong nagngangalit na siya sa galit. Who would not? Pakiramdam ko yata naalog ng sobra yung utak ko dahil sa pagkatama ng ulo ko sa sementong pader na iyon but i'm not mad. Naiintindihan ko siya.
"Let's all talk. Meet us tomorrow, Villafuerte. Same place." It was kuya Zenedic's voice. "I happened to know the truth, Villafuerte. And I will tell it to everyone. I won't let it pass, Villafuerte."
"What truth?" Some voices said in chorus. It was kuya Kiall and the Nontellave twins' voice.
"I will tell it outside not here. Paniguradong makakapatay kayo ng tao kapag malaman niyo." Galit na tonong sabi ni kuya Zenedic.
Napakapit ako ng mahigpit sa kumot ko. Hindi maaari. Sana hindi tulad ng nasa isip ko ang nasa isip nila na nalaman nila.
I heard many foot steps na naglalakad palayo at sunod nun ay ang tunog ng pagsara ng pintuan. Nagmulat ako ng mata ng masiguro kong wala ng tao sa paligid ko saka ko tiningnan ang pintuan kung saan sila lumabas.
Ilalayo na ba nila si Noah sa akin? Is this already the reality? Bumalik na ba kami? Gusto ko nalang sana manatili doon kung saan ako at si Noah lang. Noon isinusumpa ko ni kahit dalawang metro lang ang layo sa pagitan namin pero ngayon maka-tatlong hakbang lang yata ang layo niya sa akin ay gumuguho na ang puso ko. Ano pa kaya kapag inilayo talaga siya sa akin ng big time?
Nakarinig ako mg katok sa pintuan at nakita ko doon si mama at papa pati na sina tito Zeroah na asawa niya'y kapatid ni mama na si tita Pia at kasama din nila ang mama't papa ni kuya Kiall. They all smiled at me pagkakita nila sa akin.
"How are you, hija?"
Matipid akong ngumiti.
"I think i'm fine na, tita." Tumango-tango siya. "I'm glad to know that."
Lumapit naman sa akin si mama saka niya hinaplos-haplos ang aking buhok.
"Ma, si kuya Noah po?"
Natigil ang paghaplos niya sa aking buhok saka niya ako tiningnan ng diretso sa aking mga mata.
"He's busy right now, princess."
Tiningnan ko si papa pero nakatingin lang siya sa akin. Alam ko kahit na wala silang may sinasabi ay galit sila sa ginawa ni Noah. I'm sure, sinumbong ni Tyler lahat ng nangyari kahit ganoon si tyler, kahit hindi kami close ay protective din siyang pinsan sa akin. Simula nang nagkaalaman na magpinsan kami mukha na akong prinsesa dahil sa kanya-- sa kanila ni tanner. Sabi nila nina kuya, me and priscilla are their princess and those people who tried on hurting us shall wrath in hell.
And now priscilla is doing good with her husband. I think? Siguro minahal naman na siya ni Zion kahit pikot lang ang lahat.
"You're going home with us, Angelica."
Maayos akong umupo pero napangiwi rin nang biglang kumirot ang likuran ng aking ulo, dagdagan pa ng benda sa ulo ko na nagbibigay init sa aking noo.
BINABASA MO ANG
His Innocent Prisoner
RomanceReckless Barkada Series #2 "No one can have you aside from me, no one. Because from the very start you are mine, mine alone." - Noah Angelo Villafuerte UNEDITED VERSION! KINDLY BEAR WITH IT FOR THE MEAN TIME! HEHE! Copyright © 2017 by AngelisticFa...