Chapter 5
NAPAMURA ako nung biglang nalaglag ang basong hawak ko dahil sa gulat nung may lumagabog sa kung saan. Mabuti nalang at plastic na baso ang ginamit ko dahil kung hindi naglinis ako ng wala sa oras.
May gising pa? O baka magnanakaw lang?
Pinulot ko ang baso saka ako lumabas ng kusina. May nakita naman akong baseball bat sa gilid ng hagdan kaya agad ko iyong kinuha at lumapit sa may pintuan.
Sumilip ako sa pinanggalingan ng lagabog na iyon at doon ay may nakita akong taong nakahandusay sa sahig. Mabilis komg kinapkap ang switch sa may gilid at nakahinga ako ng maluwag nung nakita ko ang panganay na anak nina tita na nakahandusay sa sahig. Agad ko siyang nilapitan saka nalang ako napangiwi nung naamoy ko ang alak sa kanya at sigarilyo.
Hindi ba niya alam na pinapadali niya ang buhay sa ginagawa niya?
Napailing nalang ako saka ko tinapik-tapik ang kanyang pisngi. Dumilat naman ang isa niyang mata saka siya natawa na parang baliw.
"Tangina! Nababaliw na yata ako. Totoo ka ba Angelica?"
Napakamot naman ako sa aking batok.
"Kuya? Lasing ka lang hindi ka baliw kaya please lang po, tumayo na po kayo diyan ang laki niyo pong tao para buhatin ko."
Biglang dumilat ang dalawa niyang mata at parang bigla siyang nahismasmasan sa kalasingan. Umupo siya bigla at wala pasabi niya akong niyakap.
"Oh my Angelica, nasa tabi nga kita."
Natawa naman ako. "Sige na kuya. Tumayo ka na. Malamig dito.. ihahatid kita sa kwarto mo."
Tumayo naman siya at inalalayan ko naman. Nakita ko naman siyang napangisi saka niya ako inakbayan.
"Damn it! You don't know how much I wanted this.. getting so close to you. Smelling your beautiful scent." aniya saka pa niya sininghot-singhot ang buhok ko.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil ganito naman talaga ang mga taong lasing diba? Nagsasabi ng kung ano-ano.
Pagkadating namin sa taas ay napakamot naman ako sa batok ko. Ang bigat niya na kasi at hindi ko pa alam kung nasaan banda ang kwarto niya.
"Where is your room kuya?"
Minulat naman niya ang mata niya saka siya pagewang-gewang na humiwalay sa akin. Nag-inat naman ako saka ko siya sinundan sa pinakadulo at nung hahawakan na sana niya ang doorknob ay bigla siyang na out of balance kaya ako naman ay tinakbo ang pagitan namin saka ko siya ulit inalalayan na tumayo.
Binuksan ko ang kwarto at kinapkap ko sa may pader ang switch ng ilaw. I switched on the lights pero hindi ito umilaw.
Sira? Napabuntong-hininga nalang ako saka ko sinipa ang pintuan para bumukas ito ng maigi at may munting ilaw na pumasok. Naaninag ko naman ang kama kaya pinahiga ko siya doon saka ako nakahinga ng sobrang luwag.
Aalis na sana ako nung bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko.
"I missed you." aniya.
Kumunot naman ang noo ko. Ngumiti lang siya saka siya nagreklamo na mainit daw. Napailing nalang ako saka hinanap ang remote ng aircon.
Pinaandar ko ito saka nalang natawa nung nakita kong para siyang gwapong sisiw dahil sa mabasa niyang damit. Napailing nalang ako saka pumasok sa banyo. May nakita naman akong face towel doon saka water basin. Matapos kong lagyan ng tubig ang water basin at sabunan ang face towel ay lumabas na ako ng banyo at binuksan ko iyon ng buo para umabot ang liwanag nito sa buong kwarto.
BINABASA MO ANG
His Innocent Prisoner
RomanceReckless Barkada Series #2 "No one can have you aside from me, no one. Because from the very start you are mine, mine alone." - Noah Angelo Villafuerte UNEDITED VERSION! KINDLY BEAR WITH IT FOR THE MEAN TIME! HEHE! Copyright © 2017 by AngelisticFa...