Chapter 16
I GROANED when I felt a cold air hitting my skin sabay kong naamoy ang isang mabangong pagkain, tumagilid ako habang nakapikit pa rin ang aking mata saka ko nalang nakapkapan na wala na si angelica sa aking tabi.
Mabilis naman akong napaupo at tiningnan ang paligid nitong kwarto, wala si Angelica. Mabilis kong pinulot ang aking damit na nagkalat sa papag, isinuot ko ito saka ako napasabunot sa aking buhok. Baka iniwan na niya ako! Bakit na kasi hindi ako nakapagpigil! Damn!
Madali kong sinuot ang aking tsinelas saka lumabas ng kwarto saka ko lang na-realize na galing sa kusina ang amoy na naamoy ko mula sa kwarto. Napangiti nalang ako saka nakahinga ng maluwag.
Pagkapunta ko ng kusina ay naabutan ko si Angelica na nasa harap ng kalan, nagluluto. Pinasadahan ko siya ng tingin mula sa ulo niya hanggang talampakan and I grinned mischievously nang nakita kong nakasuot lang siya ng manipis na kulay pulang night dress na hapit ang kanyang baywang. I can see the shape of her butt na bumabakat sa suot niyang night dress.
Naipilig ko nalang ang aking ulo dahil sa pangmamanyak ko nanaman sa kanya sa isipan ko saka ako bumuntong-hininga at lumapit sa kanya. Nilingon niya ako ng naramdaman niya ang aking presensya, she smiled that made me smile too. Niyakap ko siya mula sa kanyang likura nang tumuon nanaman ang atensyon niya sa kanyang niluluto. Ang sarap niya palang tingnan na nagluluto.
"Gusto kong nakikita kang nagluluto dahil ang sexy mong tingnan pero kahit gusto ko, I still forbid you doing and washing the dishes. Nagka-phobia na yata ako noong nakita kitang nakabulagta sa sahig ng kusina ninyo noong elementary ka." Nababahala kong sabi na ikinahalakhak niya. "Ang paranoid mo. Alam mo ba iyon? Gusto lang naman kitang paglutuan."
Tumawa lang ako sa sinabi niya. Kung ang mga ginagawa niya sa akin ngayon ay nang dahil lang sa pangako niya ay masaya na ako at naiintidihan ko. Alam ko naman na labag sa kalooban niya ang nangyari sa amin kagabi, alam kong napilitan lang siya pero masaya na ako.
Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya na nagpahalakhak sa kanya. Natawa na rin ako. I just want to feel her, gusto kong damhin ang bawat sandali kasama siya.
"I told you not to cook. Ako dapat ang nagluluto para sa'yo." She chuckled. "Kapag maging mag-asawa tayo ayaw naman kitang alilain. Magmumukhang masama ako niyan." She joked.
Napangiti ako. Ilang beses ko na ring iniisip ang magiging kapalaran namin ni angelica. Ilang beses ko nang pinangarap ang makasama siya, ang maging asawa siya, ang maging ina ng mga anak ko. I want her in my life, badly. Pero hindi pa pwede sa ngayon, marami pa akong aayusin, marami pa akong babaliliin para maging masaya kami.
Pinatay na ni angelica ang apoy ng natapos na siyang magluto kaya humiwalay na ako sa kanya and took a step backward para makagalaw siya. Napangisi nalang ako ng maamoy ko ang kakaibang aroma ng niluto niyang bulalo.
Bulalo for breakfast, huh? Maaga pa yata talaga siyang gumising para makapagluto. Kaagad naman akong kumuha ng dalawang pinggan saka kustara at nilagay sa lamesa sa may sala, saka ko na rin inunahan si Angelica sa paghain ng bulalo.
"Mapapaso ka." sita ko sa kanya ng pinipilit niya sa aking kunin ang mangkok ng bulalo. She just sighed. "Masasanay ako nito. Ayokong masanay, baka kapag nasanay na ako't wala ka na sa tabi ko."
Ngiting tipid lang ang iginawad ko sa kanya saka ko inilapag sa ibabaw ng lamesa ang mangkok na bulalong hawak ko.
Nilagyan ko ng kanin ang pinggan niya gaya ng ginagawa ko palagi. Nagpasalamat lang siya at tinanguan ko lang siya. Humigop naman ako ng sabaw at isusubo ko na sana ang kanin ng marahas na bumukas ang pintuan na dahilan upang mawasak ito.
BINABASA MO ANG
His Innocent Prisoner
RomantizmReckless Barkada Series #2 "No one can have you aside from me, no one. Because from the very start you are mine, mine alone." - Noah Angelo Villafuerte UNEDITED VERSION! KINDLY BEAR WITH IT FOR THE MEAN TIME! HEHE! Copyright © 2017 by AngelisticFa...