Chapter 17

2.1K 43 0
                                    

Chapter 17

LUMIPAS ang mga araw ay walang kibuan pa rin kami ni Noah. Kapag gusto ko siyang kausapin ay palagi siyang umiiwas, kapag sinusubukan kong magpaliwanag dahil gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat ay umiiwas pa rin siya.

Napabuntong-hininga nalang ako saka ko binuksan ang takip ng kaserolang may ulam. Ito lang ang hindi nagbago, nilulutuan pa rin niya ako, siya pa rin ang naghuhugas ng pinggan.

Napailing nalang ako saka ako kumuha ng mangkok para sana maglagay ng ulam nang may kumuha nun sa kamay ko.

"You sit there. Ako na ang maghahain." Aniya.

Napangiti nalang ako. This is the first time he talk to me matapos ang pagtatampo niya sa akin.

"Mali iyong iniisip mo, Noah. Hindi ko binabali ang pangako ko sa'yo. Si Blue iyong kausaup ko, he's my--"

"Don't try mentioning that bastard's name again, Angelica. I'm doing my best here para mawala ang tampo ko sa'yo." Aniya na nagpairap sa akin. "Ang big time mo namang magtampo nakakainis."

Nilagay niya ang sandok sa lababo saka niya ako pinagtaasan ng kilay. I rolled my eyes at patabog na pumunta sa sala.

"I'll feed you." Aniya pagkalapag niya nang platera ng kanin saka mangkok ng ulam sa lamesa. "Bakit parang pakiramdam ko ay para akong bata?"

"You know.. you're my baby."

"Yucks! Ang chessy mo!"

"Just watch out. I have more chessy lines here." Aniya saka niya tinuro ang dibdib niya kung nasaan ang heart natin, natawa nalang ako. "Ang baduy mo!"

"You don't know how baduy I could be when it comes to you. This is my way of making you fall for me, Angelica."

Napangiti ako saka ko siya marahan na hinampas sa kanyang balikat pagkaupo niya sa aking tabi.

"You already made me fall for you and you caught me well, Noah."

Ngumiti lang siya saka niya ginulo ang aking buhok.

"You don't need to force yourself falling in love with me. I know, I have forced you so bad before but this time, I want to take everything slowly, step by step. Gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko. I took you recklessly and forcedly and i'm going to erase that in your mind, Angelica." aniya saka niya hinaplos ang aking pisngi. "I'm one of the best example of a reckless person, Angelica. And i'm afraid that I might hurt you with this kind of attitude."

Ngumiti lang ako.

"I love you."

And his pagtatampo ended just like that.

"Ate angelica!" Biglang tawag ng pangalan ko mula sa labas.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Noah.

"Familiar?" Natawa siya. "Yeah. Iyang si Tyler saka baneng siguro pareho ang takbo ng utak. Mahilig mambulabog sa atin kung saan kakain na tayo."

Tumawa lang ako saka ko siya pinagmasdan ng tumayo siya habang binubuksan ang pintuan.

"Ate bukas na pala ang binyag ni Tyrene. Napadaan lang ako rito para i-remind ka." Nakangiti niyang saad.

Tumayo ako.

"Bibigyan natin ng maliit na salo-salo ang binyag ng baby mo. I'm going to invite Noah's friends. Is it okay with you?"

Napakamot naman siya sa kanyang ulo.

"Po? Pero po kasi iyong budget ko..."

"Don't worry. Ako ang gagastos. In case na hindi mo alam pamangkin ko kasi iyang anak mo." Nakangiti kong sabi pero mas kumunot lang lalo ang noo niya. Si Noah naman ay hinawakan ako sa braso. "Totoo. Pamangkin ko si Tyrene, Tyler is my cousin."

His Innocent PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon