Chapter 19
"ANGELICA..."
Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan at ganon nalang ang pagtahip ng galit sa aking dibdib nang makita ko si kuya Andrei at ang half-brother ko saka ang mga pinsan ko sa likuran nito.
"Anong ginagawa niyo rito? Kulang pa ba ang ginawa ninyo, kuya?"
"Angelica, gumanti lang naman ako para sa'yo." Ani kuya Andrei na nagpahalakhak sa akin. "Pagkatapos? Ano? Napasaya ka ba ng ginawa mo? Hindi mo naman kailangang gumanti e! Mahal ko iyong tao! At kung nakaalala ako nang mga panahong iyon ay siguro kusa ko pang ibinuka ang mga hita ko."
"Angelica!"
"Ano? Nakakadiri bang pakinggan? Atleast siya hindi katulad mo, ninyo na kaliwa't kanan ang mga babae ninyo! Sino ngayon ang mas demonyo sa inyo, kuya?"
Napapikit siya saka namumula ang mga mata niyang tumingin sa akin. Namumula ang kanyang mga mata na para bang nagpipigil ng luha. Tinapik ni kuya Zenedic ang balikat ni kuya Andrei.
"We just want the best for you." ani kuya Zenedic.
"Really?" pagak akong tumawa. "If you really want the best for me.. give me my Noah. He is the best for me, kuya." Bumuntong-hininga ako. "Maiintindihan ko sana kayo pero mali kayo e. Sumobra na kasi kayo, kuya! Paano kung napatay niyo siya? Na-coma siya kuya ng dahil sa inyo! Paano nalang kung hindi na siya magising? Paano na ako? Paano na ang baby namin?" Galit na galit kong sigaw sa kanila saka ako napahawak sa aking tiyan at tumingin ulit sa mga pinsan ko at sa half-brother ko.
I almost lost my baby because of what happened yesterday at ngayon nasa hospital pa rin ako para obserbahan. Mahina daw kasi ang kapit ng bata and I hate my family for this.
"Angelica.." Ani kuya Kiall.
"Puro pangalan ko nalang ba ang maririnig ko mula sa inyo? Ibalik niyo si Noah sa akin. Siguraduhin niyo lang na humihinga siya. Siguraduhin niyo lang.." Iyak ko.
"Pero angelica.." Sinamaan ko ng tingin si kuya Kiall. "Pero ano? Doctor ka diba? Gawin mo ang lahat para mabuhay siya.. kaibigan ka niya diba? Kaya pagalingin mo siya.. para nalang sana sa pagkakaibigan niyo at para sa magiging pamangkin ninyo." nanghihina kong sabi saka nalang napasapo sa aking mukha at kasunod nun ay ang pagyakap sa akin ni Tanner.
"We're sorry, Angelica."
"You should be.."
Matapos ang usapan namin ay bumisita rin sina papa at mama sa akin. I'm not mad kay mama pero nagtatampo ako kay papa, lumipas ang mga araw ay nagiging okay na rin kami ng baby ko at ngayong araw na ako lalabas ng hospital. Minsan ko na rin binisita si noah sa ICU at ganoon pa rin ang sitwasyon niya sa huling bisita ko sa kanya, wala pa ring malay. Pero ngayon hindi ko na alam kung ano ang nangyayari lalo pa sa nangyari kahapon na nakita kong nagkakagulo malapit sa ICU kung nasaan si Noah, I tried going there pero hinarangan lang ako ni kuya Kiall kaya ngayon mas tumindi pa ang galit ko sa kanya.
Napabuntong-hininga nalang ako saka ko tiningnan si Chloe. My half-brother's wife na mukhang may alitan na namamagitan sa mag-asawa. Hindi ko naman kaibigan si Chloe pero nang minsanan ako nitong binisita ay nagiging palagay na rin ako sa kanya. Siya lang kasi ang nakakausap ko nitong mga nakaraang araw. Buntis rin siya at sa hospital na ito kung saan pagmamay-ari namin siya nagpapa-check up para sa kanila ng baby niya.
"Sigurado ka bang ayaw mong umuwi? Kung bukas nalang tayo pumunta kay kuya Noah at magpahinga ka nalang muna ngayon." Ani Chloe. Umiling ako. "I want to see him now."
"Pero Angelica.."
"May itinatago ba kayo sa akin Chloe? Alam kong may nangyari kahapon doon! Bakit wala na ba siya?"
BINABASA MO ANG
His Innocent Prisoner
RomansaReckless Barkada Series #2 "No one can have you aside from me, no one. Because from the very start you are mine, mine alone." - Noah Angelo Villafuerte UNEDITED VERSION! KINDLY BEAR WITH IT FOR THE MEAN TIME! HEHE! Copyright © 2017 by AngelisticFa...