Chapter 20 - In the Island

3.3K 167 14
                                    

Dedicated to @AshyDiaz.

**************************************************************************************************************************************************************************************


Chapter Twenty - In the Island

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata.

Tinignan ko ang clock na nasa table ko. It was already 10 am in morning.

Napasarap tulog ko ah.

Nag-unat muna ako bago tuluyang lisanin ang higaan ko. Dumiritso ako sa kusina at binuksan ang ref.

"Tsk... Wala na pala akong pagkaen. Looks like I need to buy. " I said sabay sara sa ref.

Bago lumabas ay naligo muna ako at nagbihis.

I tied my hair at nagsuot ng cap.

Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng sariwang hangin at tila mga punong sumasayaw.

Indeed, this place is peaceful.

At dahil sa hindi uso ang sasakyan dito, kinuha ko ang bike ko at nagsimulang magpadyak papunta sa bayan. Siguro nagtataka kayo kung asan ako ngayon. Nandito parin naman ako sa Pilipinas. Ngunit nasa isang isla ako.

Habang nagbabike ako ay nakarinig ako ng isang batang umiiyak.

I looked around to find where it came from.

At gaya ng narinig ko, nakita ko ang isang bata na nasa edad na limang taon sa paanan ng malaking puno. Umiiyak ito at may sugat sa tuhod.

Bumaba ako sa bike ko at nilapitan siya.

"Are you somehow lost?" I asked.

Tumingala siya at tinignan ako ngunit hindi sumagot. Iyak parin ito ng iyak.

"Nawawala ka ba? Nasaan bahay niyo?" I asked again and this time tumango siya. "Saan bahay niyo? Ihahatid kita doon." Wika ko ulit ngunit umiyak lang siya.

Damn... Hindi ko pedeng iwan ang batang ito dito.

Bumuntong hininga ako at binuhat yong bata.

"Tahan na. Hahanapin natin bahay niyo okay?" Pagtahan ko sa bata at pinahiran ang luha niya. Tumango ulit siya at kumapit sa akin. Pinaupo ko siya sa unahan sa bike."Wag masyado malikot para hindi ka malaglag okay?" I said at mukhang naintindihan naman niya ako.

Ilang minute ang nakalipas ay nakarating na kami sa bayan.

Ngunit tila may kakaiba akong nararamdaman. Iba ang tingin sa akin ng mga tao sa paligid and before I knew ay bigla akong napahinto ng may humarang sa dadaanan ko - tatlong lalaki na may dalang baril.

Kalmado akong bumaba sa bike ko at inalalayan yong batang kasama ko.

"What do you want with me?" I asked. Damn, kakambal ko na nga ata ang gulo. Tsk.

"Ibigay mo yang bata sa amin." Wika nung lalaki na nasa gitna. Bigla namang nagtago sa likod ko yng bata.

"I'm sorry, but this kid is rather afraid to you. Kaya hindi ko siya pede ibigay sa inyo." I replied at biglang mas pumangit ang mukha nong mga lalaki.

Hindi sila umimik at isa-isang nagkasa ng mga baril nila then point it towards me.

"Buhay mo o yong bata?" Anito. Lahat ng tao sa paligid namin ay dumistansya at tila ayaw na makialam. I didn't know na ganito sa isla na ito. Tsk.

DESTINY : BLACKROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon