Chapter 31

24 1 0
                                    

Tatlong araw rin akong naghanda para sa plano kong panliligaw kay Liza. Alam ko mukang medyo matagal ang preparasyon na iyon para lang sa panliligaw. Eh hindi naman kasi ako yung tipo ng taong malakas ang loob para direktang aminin ang nararamdaman ko para sa isang taong gusto ko. Medyo sumalto rin ako sa pangako ko na aaminin ko na rin agad agad ang nararamdaman ko kay Liza dahil halos mag iisang linggo na ang nakakaraan eh hindi ko pa rin nagagawa ang bagay na iyon. Nauubos na ang oras. Pero ngayon ay sinisigurado ko na ang lahat. Na ngayon ay aaminin ko na ang tunay kong nararamdaman para kay Liza. Wala nang urungan ito. Sabak na kung sabak.

"Paulo? Tapos nang maluto ang almusal. Tara na at kumain na tayo." Sabi ni Liza.

"Waaaaa..!!! Anak ng tokwa. Kumatok ka naman Liza. Nagulat ako bigla sayo."

Biglang pumasok si Liza sa kwarto ko ng hindi inaasahan. Bigla akong nagulat ng sobra dahil nag eensayo ako sa harap ng salamin ng mga sasabihin ko sa kanya sa oras na simulan ko na ang plano ko. Muntik ko tuloy mabasag ang salamin sa sobrang gulat ko.

"Ay pasensya ka na. Napansin ko kasi na bukas ang pintuan ng kwarto mo kaya hindi na ko kumatok. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ko." Sabi ni Liza.

"Jusko..muntik na ko atakihin sa puso ng dahil sayo. Sige sige ok na. Lalabas na ko."

"Sige.. pasensya na ulit ah. Ahm nga pala Paulo..sino ang kausap mo kanina? Parang naririnig kasi kitang nagsasalita eh." Sabi ni Liza.

"Ha!? Ah eh wala...ahm...nagpa practice lang ako ng speech para sa activity namin ngayon sa klase. Hehe."

"Ah ganun ba..sige intayin na lang kita sa mesa ah. Pasensya na ulit sa istorbo." Sabi ni Liza.

"Hehe eh wala yun. Sige na...ahm Liza..."

"Bakit Paulo?" Sabi ni Liza.

"Ang ganda mo ngayon."

"Hehe nambola pa. Salamat. Sige na at bilisan mo na dyan." Sabi ni Liza.

Sumimple na ko ng "the moves" kay Liza. Natuwa naman ako at ngumiti sya sa banat ko. Pagkatapos nyang umalis, huminga ako ng malalim para magpakalma. Pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kinakabahan ako. Kundi dahil sa sobrang pagka excite ko na maamin na agad agad ang nararamdaman ko kay Liza. Nung pumasok sya sa kwarto ko, nagulat man ako sa biglaang presensya nya, eh parang na boost up naman ang lakas ko dahil sa maganda nyang aura. Talagang napaka ganda nya. Walang araw na hindi sya maganda. Kahit hindi sya mag effort na mag ayos ay palagi syang maganda. Naisip ko tuloy na nasasabi ko ba sa utak ko ang lahat ng ito dahil inlove na ko sa kanya? Napangiti na lang ako at hindi ko na itinanggi ang bagay na iyon.

Maaga akong umalis ng bahay para pumasok sa eskwela. Pero ang totoo, eh wala akong balak pumasok dahil paghahandaan ko nga ang plano kong sorpresa para kay Liza. Dumiretso muna ako sa faculty room para hanapin si mr. Abalos. Nakita ko rin naman agad sya at kinumusta nya rin agad si Liza. Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa. Dali dali rin akong humingi ng pabor na kung pwede ay sunduin nya si Liza sa amin at ipasyal muna. Nagtaka si mr. Abalos sa hinihingi kong pabor. Kahit madaling madali na ko, hindi ko naiwasang magpaliwanag sa kanya dahil siguradong hindi sya papayag kung walang maayos na dahilan. Nagpaliwanag ako sa kanya ng maayos ngunit may halong konting pag sisinungaling. Ayoko nang malaman pa nya na balak ko nang ligawan si Liza. Buti na lang at napapayag ko sya sa hiling ko. Tutal naman daw ay wala syang ginagawa, pabibigyan nya raw ako sa munti kong hiling. Pagkatapos kong magawa ang pakay ko kay mr. Abalos, dali dali naman akong dumiretso sa bahay nila Arianna. Pagkadating ko, handang handa na agad ang bata. Wala talaga akong sinayang na oras. Nagpaalam agad ako kay Aling Maria upang isama si Arianna sa pagbili ko ng mga kakailanganin ko. Pumayag naman ang matanda at pagkatapos nun, dali dali agad kaming umalis ni Arianna upang mamili. Naging gastador ako nung mga oras na iyon. Talagang namili kami ni Arianna ng mga kakailanganin naming disenyo para sa plano ko. Namili na rin kami ng masasarap at sosyal na pagkain. Wala na kong panahon para magluto pa kaya napag isipan ko na lang na bumili at initin na lang mamaya. Katanggap tanggap naman para initin ang mga pagkain na binili ko dahil sosyal yun. Pagkatapos naming mamili ng mga kakailanganin namin, dumiretso agad ako sa bahay. Sinigurado ko muna kung wala na si Liza sa bahay. Nung sigurado na ko, mabilis kong ginawa ang mga kailangan kong gawin kasama si Arianna. Nilinis namin at inayos ang terrace na kung saan eh dun kami kakain ni Liza mamaya. Ginaya namin ang concept na nakita namin ni Arianna sa internet. Medyo nahihiya ako dahil nagpapatulong pa ko sa bata pagdating sa mga bagay na ganito. Pero at the same time, eh natutuwa ako dahil masaya rin si Arianna sa ginagawa namin. Nung matapos na kami, inihatid ko na agad si Arianna sa kanila bago sumapit ang gabi. Saktong alas singko y medya ng hapon eh naihatid ko na sya sa kanila. Bago pa man ako umalis, pina alalahanan ako nung alaga ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon