Chapter 15

47 1 0
                                    

Masayang masaya ako sa mga oras na iyon. Para bang nagbalik uli sa maayos ang lahat. Nagka ayos kami ni Maan sa di ko inaasahang sitwasyon. At tsaka naisali ko rin si Liza sa gaganapin naming musical performance dahil din sa di inaasahang sitwasyon. Napabilib nya talaga ako sa pagbirit nya nung nakita ko sya sa kusina na kumakanta. Akala ko nung una eh tamang pagkanta lang ang kaya nya. Naalala ko na nagtatanghal din pala sya sa theatro. Ngayon alam ko na kung bakit tinagurian syang isa sa mga pinakasikat noon sa larangan ng pagtatanghal. Sigurado na magiging maganda ang magagawa naming performance nito.

"Ahm Paulo? Anu ba nangyayari? Bakit mo ba ko sinama rito? Ano ba ang rason kung bakit mo ko pinakanta sa harap ng guro mo?" Sabi ni Liza.

Sa sobrang tuwa ko at pagkasabik nung mga oras na yun, nakalimutan ko nang sabihin kay Liza ang rason ng pagkaka bitbit ko sa kanya sa eskwelahan ko. Buti na lang tinanong nya ko tungkol dun.

"Ha?....ay oo nga pala. Muntik ko nang makalimutang sabihin sayo ang rason. Hmmm pero ano sa tingin mo? May idea ka ba sa nangyari? May idea ka ba kung bakit kita dinala rito at pinakanta sa harap ni sir Abalos? Hehe"

"Hmmm. Sa totoo lang wala eh. Hindi ko naman alam kung ano ang problema nyo ng guro mo. Makakatulong ba ang pagkanta ko sa problema nyo?" Sabi ni Liza.

"Alam mo, Napakaganda mo nga at tsaka talented ka pa. Pero yun nga lang, medyo ang hina ng kokote mo eh. Di mo pa na gets yun?"

"Hoy hindi mahina ang kokote ko ah! Matalino ako. Eh dahil sa hindi ko nga alam kung ano ba ang pinag uusapan nyo eh. Hmph" sabi ni Liza.

"Hahaha. Chill lang. Joke lang eh. Sorry ah. O sige na sasabihin ko na. Kaya kita sinama rito dahil nangangailangan kami ng bagong member para sa theater group namin dahil nga nakulangan kami kasi umalis na si Maan. Kailangan kasi namin ng lead singer na babae. Yung tipong hindi lang magaling kumanta. Yung bumibirit din syempre. Kaya napag utusan kami ni sir Abalos na maghanap kung sinong pwede naming ireto sa kanya bilang kapalit ni Maan kaya......."

"Hu...huwag mong sabihin na......" sabi ni Liza.

"Hehe. Oo. Ikaw ang nireto ko kaya pinakanta ka nya kanina at pumasa ka Liza. Kaya ibig sabihin nun, ikaw na ang isa sa mga Lead singer sa gagawin nating musical performance dito sa school. Pasensya ka na kung pinuwersa kita ah. Nagandahan kasi ako sa boses mo kanina eh. Di ko akalain na bumibirit ka pala. Kaya di ko pinaglagpas ang pagkakataon para ireto ka kay sir para maging Lead singer. Ayos lang ba sayo?"

Hindi nagsalita si Liza. Tinitigan nya lang ako pagkatapos kong sabihin sa kanya yun. Nung akala ko na hindi nagustuhan ni Liza ang mga sinabi ko, magso sorry na sana ako at sasabihin na lang kay sir Abalos na hindi pumayag si Liza. Pero nagulat na lang ako ng biglang lumundag si Liza sakin at niyakap ako habang nagsisisigaw at lumuluha dahil sa tuwa. Nung mga oras na yun, ako naman ang na stun dahil sa ginawa nya.

"Aaaaahhhhhh.... maraming maraming salamat Paulo. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya dahil sa ginawa mo. Akala ko hindi ko na magagawang magtanghal dahil sa mga nangyari sakin. Salamat sa Diyos at sayo dahil binigyan nyo ko uli ng pagkakataong magawa ang hilig ko. Maraming salamat Paulo." Sabi ni Liza.

"Hehe wala yun. Nagpapasalamat din ako dahil pumayag ka na tanggapin ang obligasyon na to. Alam ko kakayanin mo dahil alam ko ito ang hilig mo. Hehe wag ka na umiyak. Basa na tuloy damit ko. Basta pagbutihin natin ah. Hehe"

"Hehe oo kakayanin ko. Gagawin ko ang lahat para maging matagumpay ang pagtatanghal na gagawin natin." sabi ni Liza.

"Hehe yan...that's the spirit. Di na ko makapag intay mag start para mag rehearse sa gagawin natin. Let's do our best Liz."

"Ok sige!!!" Sabi ni Liza.

Pagkatapos nung masayang pangyayari na yun, hinatid ko na uli pabalik si Liza dun sa bahay namin. Kitang kita sa mukha ni Liza ang saya dahil sa mga pangyayari kanina. Alam ko na sabik na sabik na rin sya para simulan ang pag eensayo. Masasabi kong hilig nya talaga ang magtanghal sa entablado. Pagkahatid ko sa kanya, nagpaalam na rin ako para magtungo sa bahay nila Arianna. Nag alala rin ako medyo dahil iniisip ko na baka hindi pumayag si mrs. Diaz sa pakiusap ko. Pagdating ko sa mansyon, sinalubong agad ako ni aling Maria. Nagtaka ako nung una kasi kapag dumadating ako sa mansyon, si Arianna agad ang sumasalubong sakin. Dahil dun ay natanong ko tuloy kay aling Maria kung nasaan yung bata. Sinabi ni Aling Maria na hindi pa nakakauwi si Arianna dahil may activity daw sila sa school kaya medyo male late sya makauwi. Akala ko napa aga ako pero sakto lang pala ang dating ko. Medyo late pa nga ata kung tutuusin.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon