Chapter 16

44 1 0
                                    

March 1., Saturday. Alas kwatro pa lang ng madaling araw at himbing na himbing pa ko sa pagkakatulog. Sarap na sarap pa ko sa pagkakayakap ko sa napaka lambot kong unan. Napagod ba naman kasi ako kahapon ng biyernes dahil sa sunod sunod na make up quiz dahil nga sa magiging excuse kaming mga member ng theater club sa mga klase namin. Pinagod ng mga quiz ang utak ko. Pagkatapos nun, lalo pa kong napagod dahil sa pagtu tutor ko at pagbabantay kay Arianna. Parang mame mental breakdown ako kahapon. Tapos pag uwi ko pa ng bahay, sasalubungin pa ko ng ngiti ni Liza na ayaw ko biglang pagmasdan dahil pag nakikita ko syang ngumingiti, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ayoko nitong nararamdaman ko pag nakikita ko ang ngiti nya. Dahil dun, lalo akong na stress. Mabilisan akong kumain ng hapunan pag uwi ko. Nagpahinga lang ako sandali pagkakain at pagkatapos nun ay dumiretso na ko sa higaan. Pakiramdam ko ay napahiga ako sa ulap dahil ang sarap sa pakiramdam na hihiga ka sa napakalambot na kama lalo na pag pagod ka. Wala pa atang 30 minutos eh napahimbing na ko ng tulog dahil sa sobrang pagod ko. At yun na nga., sabado ng madaling araw. Parang nasa kalagitnaan pa lang ako ng tulog ko ng nabulabog na ko dahil sa kalampag ni Liza.

"Waaaa anu meron? May sunog?"

"Hahaha wala. Gumising ka na. Diba ngayon ang ensayo natin para sa gaganapin na pagtatanghal?" Sabi ni Liza.

"Anu ka ba naman Liza. Ang aga aga pa eh. Wala pa ko sa kalahati ng tulog ko eh nambulabog ka na. Matulog ka muna ulit."

"Wag ka na magtakip ng unan Paulo. Alas kwatro na ng umaga. Diba sabi ng propesor nyo na alas syete ng umaga ang pagpupulong sa paaralan nyo. Baka mahuli tayo. Susunduin mo pa si Arianna diba. Kanina pa tunog ng tunog ang maliit mong telepono oh." Sabi ni Liza.

"Missed call galing kay Arianna? Waaaa!!! Anu ba!? Give me a break guys. Tignan mo mata ko Liza oh. Parang mata pa ng naka droga. Pagod na pagod pa ko eh."

"Sakripisyo ng konti Paulo. Diba gusto mo rin maging matagumpay ang pagtatanghal nyo. Kailangan mong magtiis. Kaya gising na. Baka mahuli tayo." Sabi ni Liza.

"Hay nakoooo!!! Sige na nga, ito na, tatayo na. Di mo naman kailangan gumamit ng takip ng kaldero para gisingin ako eh."

"Eh kanina pa kaya kita ginigising. Parang wala namang talab ang pag tapik ko sayo kaya gumawa na ko ng ingay gamit ang mga takip ng kaldero. Muntik na nga ako matawa nung nagulat ka pagkagising mo. Hihi pasensya na ah." Sabi ni Liza.

"Ang dami mong kalokohan eh noh. O sige na tatayo na ko. Maghanda ka na ng almusal natin."

"Hindi ako aalis dito sa kwarto mo hanggat di ka talaga tumatayo. Sabay tayong lalabas ng kwarto mo. Di mo ko maiisahan." Sabi ni Liza.

"Oo na tatayo na nga ako. Mag uunat lang ako sandali tapos lalabas na ko."

"Hindi mo ko maloloko. Mag unat ka na tapos lumabas na tayo at mag almusal." Sabi ni Liza.

"Bossy ah..Tsk sige na nga. Halika na. Ang kulit mo eh."

Hindi ko naisahan tong babaeng to. Pero seryoso? Bakit kailangan ba talaga maaga ang pagpapractice? Sabado naman. Wala namang pasok. Kahit alas otso na lang magsimula. Bakit alas syete pa? Sabog na sabog pa ko eh. Ang bilis naman ng oras. Parang saglitan lang ako pumikit tapos umaga na!? Napakaduga rin ng oras eh noh. Pag napagtripan ka talaga,wala kang palag eh. Gaya nitong magandang makulit na babaeng to. Napagtripan ng oras, ito napunta sa present days. Mas matindi pala to. Di ko na rin pala kailangang magreklamo. Hay nako wala na kong choice. Babawi na lang ako sa energy drink.

Nag almusal at nag ayos na kami ng sarili namin ni Liza. Pagkatapos, saktong alas sais eh pumunta na kami sa bahay nila mrs. Diaz para sunduin ang isa pang makulit na nilalang.

"Goodmorning ate Liza. Goodmorning kuya Paulo. Ang tagal nyo. Kanina pa ko nag iintay eh. Sabi nyo alas kwatro pa lang dapat ready na. Ang kukupad nyo." Sabi ni Arianna.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon