Chapter 18

38 1 0
                                    

Dahil sa maaga kaming pinauwi ni mr. Abalos, hindi ako nakaligtas sa pagde demand ni Arianna na mamasyal muna kami. Hindi ko naman rin sya pwedeng tanggihan kasi parang wala rin syang gaanong nagawa sa auditorium kanina. Pinanood nya lang kami at naawa naman ako sa kalagayan nya kahit papaano kaya dahil dun, pumayag na ko na ipasyal muna sya. Dinala muna namin sya ni Liza sa Parke bago kami umuwi, marami rami rin kaming ginawa doon. Para nga tuloy kaming bumalik ni Liza sa pagkabata dahil kay Arianna. Naglaro ng bato bato pik, naghabulan, tapos kumain din kami ng mga tuhog tuhog na mga pagkain gaya ng fishballs at kwek kwek. Kahit napakakulit at pinerwisyo ako nitong batang to, hindi ko talaga magawang pabayaan o baliwalain. Hindi dahil sa sumasahod ako dahil sa pag aalaga sa kanya kundi dahil na rin sa naging importante na rin sya sakin. Nung napansin ko na mukang mag gagabi na, dun na ko nagdesisyon na magyayang umuwi pero bago pa man kami umalis sa parke, nagyaya si Arianna na mag picture kaming tatlo. Hindi raw kasi namin nagawang mag picture nung nasa Star City kaming tatlo kaya gusto nya sana bago kami umuwi ngayon, eh meron na kaming litrato. Sang ayon din naman ako sa hiling nung bata kaya pinagbigyan ko. Gusto pa wacky pose. Di ko na tinanggihan kaya sige picture lang ng picture. Pagkatapos nun, tuluyan na naming inihatid si Arianna sa kanila. Sa sobrang pagod eh nakatulog na rin ang bata. Nakayakap pa kay Liza eh. Muka tuloy silang mag ina. Kahit napaka matured na mag isip nitong batang to, di pa rin talaga mawawala sa kanya ang habit ng pagiging bata. Paano ba naman kasi, naka chupon pa sa hinlalaki nya. Napatawa na lang ako sa itsura nya eh. Natutuwa rin ang mga iba naming kasamang pasahero sa itsura ni Arianna at Liza. Nakikita ko pa na yung ibang pasahero eh sinasabi na sobrang ganda ni Liza. Parang artista daw. Nakaka proud din minsan maging kaibigan si Liza eh. Parang ang swerte ko na may kaibigan ako na sobrang ganda. Bibihira kasi magkaroon ng magandang kaibigan ang mga tulad kong di naman gwapo. Napaka rude mang sabihin pero yun ang totoo. Pagdating namin sa mansyon nila Arianna, Ipinakarga na namin sya kay aling Maria. Nagpasalamat si aling Maria sa amin ni Liza dahil daw hindi namin pinabayaan ang bata. Papatuluyin pa sana kami ni aling Maria sa loob kaso baka gabihin kami lalo kaya nagpasya na kaming wag nang tumuloy. Nagpasalamat na lang kami kay Aling Maria at nagsimula na kaming umuwi. Pagod na pagod na ko kaya madaling madali na rin ako sa pag uwi. Habang naglalakad kami ni Liza, Nagsimula syang magkwento tungkol sa mga nangyari sa amin ngayong araw. Hindi talaga mawawala ang parte na magkukwento sya eh. Kahit pagod na ko, todo kinig pa rin ako sa kanya.

"Ang saya ulit ng araw na to no Paulo." Sabi ni Liza.

"Hmmm...sakin sakto lang. Medyo naperwisyo pa nga ako dahil sa pagbuntot sayo ni Lloyd."

"Huh? Bakit naman?" Sabi ni Liza.

"Ha? Ah eh kasi ano eh. Ang kulit nya eh. Parang aso na buntot ng buntot sayo."

"Masama ba yun?" Sabi ni Liza.

"Anu ka ba? Obvious na obvious eh gusto ka nung mokong na yun eh. Kaya ganun yun kung maka buntot sayo."

"Huh? May gusto sya sakin? Agad? Ang bilis naman. Eh kanina lang nya ko nakilala eh." Sabi ni Liza.

"Mukang alam ko na ang dahilan kung bakit hindi mo pa naranasang magkaroon ng lovelife. Hindi ka marunong bumasa ng mga galawan ng mga may kumukunsunada sayo. Hay naku Liza... sabagay nasa modern days ka. Ganito na kasi kalakaran sa pag ibig ngayon. Madalas ganito, kakakilala mo pa lang, nagugustuhan mo na agad. Kung dati sa panahon nyo eh personality ang matimbang, ngayon yung itsura na. Kaya yung karamihan, konting kindat lang, may FOREVER na sila na nag naglalast lang ng 3 months. O mas masaklap pa nga eh meron, 3 weeks lang. Marami nang hindi nagpapahalaga sa pag ibig ngayon. Konti na lang ang nagbibigay value sa love."

"Parang ang lalim ng pinaghugutan mo ng sinabi mo Paulo ah. Pero hindi ko pa rin maintindihan eh." Sabi ni Liza.

"Hay naku Liza... ang main point ko, wag mo masyadong i entertain si Lloyd. Mahirap na baka mahulog ang loob mo sa kanya. Malaking problema yun. Kaibigan ko rin yun kaya kilala ko yun."

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon