Chapter 26

23 0 0
                                    

Naging tahimik at madilim ang buong paligid. Lahat ng tao sa loob ng auditorium ay nag aabang na sa mga susunod na mangyayari. Bago pa man magsimula ng tuluyan ang pagtatanghal, tumungo sa gitna ng entablado si mr. Abalos upang magbigay ng introduction upang ipakilala ang aming grupo at magbigay kaalaman tungkol sa gagawin naming pagtatanghal. Nasa gilid kami ng stage kaya kitang kita namin ang dami ng tao. Nung una, talagang kinakabahan ako pero simula nung pinalakas ni Liza ang loob ko, hindi na ko kinabahan at tuloy tuloy na ang pagkagaan ng loob ko dahil nakahawak pa ng mahigpit si Liza sa kamay ko. Pagkatapos ng intro ni mr. Abalos, unti unting lumiwanag ang entablado at nagsimula nang tumugtog ang orchestra. Narinig na rin namin ang malakas na palakpak ng mga tao, lalo kaming ginanahan dahil dun. Nang tumugtog na ang orchestra, senyales na iyon para itanghal na namin ang unang parte ng palabas. Ang unang kanta na itatampok namin lahat. Maayos naming nasimulan ang kantang "WE ARE YOUNG". Isa isa kaming pumasok sa stage ayon sa inensayo namin. Tumatayo ang balahibo ko hindi dahil sa kinakabahan ako., kundi dahil sa sobrang excite ko at saya dahil sa mga palakpak ng tao. Nakita ko rin na pumapalakpak ang pamilya ko pati sila Arianna at aling Maria. Todo bigay kaming lahat sa opening song namin. Pagkatapos nun, dali dali kaming umalis pabalik ng backstage upang magpalit at maghanda sa susunod na palabas. Naging maganda at maayos ang mga sumunod naming performance. Halos sa tuwing lalabas na kami papunta sa entablado, nagsisitayuan sa palakpak at wagayway ng mga banner ang mga tao. Hindi ako makapaniwala na ganito pala talaga kami sa mga tao rito sa campus. Pakiramdam ko ay mga artista kami. Sa normal na pamumuhay kasi, pag nasa campus lang ako, parang yung mga kakilala ko lang din ang nakakakilala sakin pero nagulat na lang ako ng may nakikita akong banner na nakasulat ay ang pangalan ko at ang galing galing ko raw pero hindi ko naman kilala ang may hawak. Hindi lang naman din ako ang may ganun, halos lahat ata kami ay may kanya kanyang banner kaya nagagalak kami at lalo kaming ginaganahan para mag perform sa entablado. Matagumpay ang mga naunang kanta na itinanghal namin. Pagkatapos naming itanghal ang kantang "SMOOTH CRIMINAL" na kaming mga lalaki lang sa grupo ang nagtanghal at talagang pumatok sa mga tao, naiwan akong mag isa sa gitna ng stage. Hindi na ko bumalik ng backstage dahil nakadamit na ko agad ng tuxedo. Ito na rin kasi ang damit na suot ko para sa solo kong kanta na itatanghal ko na sa mga oras na iyon. Nag simulang maging malumanay ang ilaw sa buong paligid. Tumugtog na ng napakalamig na himig ang orchestra at lumabas na ang mga babae naming kasamahan upang mag interpretative dance sa kakantahin ko. Lahat ng babaeng kasamahan ko ay lumabas mula sa stage pero hindi ko nakita si Liza. Nagtaka tuloy ako kasi hindi naman ganito ang inensayo namin. Napatingin pa ko kay mr. Abalos sa gilid ng stage pero nakangiti lang sya at parang may sorpresang tinatago. Napa isip ako nung una pero hindi ko rin agad inintindi ang bagay na iyon dahil nasa gitna ako ng pagtatanghal.

Sinimulan ko ang aking kanta na ipinamagatang "SO CLOSE" ni Jon Mclaughlin. Maayos ko itong sinimulan. Tahimik ang buong paligid habang kinakanta ko ito. Isina puso ko ang kanta kaya nakanta ko ito ng maayos. Habang kumakanta ako, naiisip ko ang mga nakaraan. Naisip ko bigla si Maan. Bigla ko syang naalala sa gitna ng pagkanta ko. Kung tutuusin kasi, nakaka relate ako sa mensahe ng kanta ko dahil parang ako nga talaga ang nasa mensahe ng kanta. Sobrang malapit nga kami ni Maan sa isa't isa pero napakalayo naman ng puso ko sa kanya, ni hindi ko nga magawang masabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman noon. Pero bago pa man matapos ang kanta ko, Nagulat na lang ako dahil biglang nagbabago ang naa alala ko. Imbis na si Maan ang maalala ko, nagiging si Liza. Lahat ng mga masasayang nangyari sa amin ni Maan ay nagbabago dahil imbis na si Maan ang kasama ko, nagiging si Liza ang naaalala ko na kasama ko. At tuluyan nang nabalot ni Liza ang isipan ko habang kumakanta ako. Bigla akong nagtaka sa mga oras na yun dahil hindi ko bigla maalis sa isip ko si Liza. Hindi ko napansin na natapos na pala akong kumanta at napatingin na lang ako sa mga nagsisi palakpakan na mga tao. Napangiti na lang ako dahil natuwa sila sa pagkanta ko pero umalis ako ng entablado na may halong pagtataka. Pagtalikod ko, biglang pumalakpak uli ang mga tao. Nagtaka na naman uli ako dahil dun. Pagharap ko, alam ko na hindi na ako ang pinapalakpakan nila dahil wala na sa akin ang spotlight. Sinundan ko kung saan nakatutok ang liwanag ng spotlight, nakatutok ito sa kabilang parte ng entablado. Nasilaw ako nung una at tinakpan ko ng panyo ang mata ko pero nung maayos ang paningin ko at nakita ko kung sino ang taong tinututukan ng liwanag, bigla akong napatigil sa kinatatayuan ko at nabitawan ko ang hawak kong panyo. Hindi ako nakagalaw dahil sa nakita ko. Napakaganda ni Liza ng lumabas sya sa entablado. Naka gown sya na bulaklakin at may parang korona rin sya na bulaklak. Parang yung gown ng isang hollywood singer na si Shania Twain mula sa music video nya na "You've got away". Pero para sakin, mas dinaig nya ang itsura ng singer na yun. Mas maganda si Liza. Hindi ko mapili ang pinaka magandang salita para mailarawan sya dahil halos lahat ng pinakamaganda at maaaring ilarawan sa kanya ay bagay at tama. Para syang maamong diwata, anghel na bumaba sa lupa, babaeng hindi marunong gumawa ng kasalanan, babaeng pinakamaganda sa buong mundo at......babaeng hindi maiiwasang mahalin, kalingain at pahalagahan habang buhay. Hindi ko talaga maihakbang ang mga binti ko nung nakita ko si Liza. Pakiramdam ko ay magko collapse ako sa sandaling ihakbang ko ang mga paa ko. Nung napatingin sakin si Liza habang papunta sya sa harapan ng entablado, nginitian nya ko at kinindatan. Dahil dun, napalunok ako ng malalim at bumilis talaga ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis, napahawak na ko sa dibdib ko. Muntik na kong tumumba dahil dun. Buti na lang at sumakto ang pagkakataon dahil hinila ako ni mr. Abalos papasok sa likod ng kurtina sa gilid ng stage.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon