Nagsimula na ang araw na pinaka iintay naming lahat. Walang pinalagpas na oras si mr. Abalos at talagang binatak nya agad kami sa pag eensayo, inuna nya kami sa mga steps and formation na gagawin namin para sa mga kantang may kahalong sayaw. Sinabihan nya kami na kahit individual practice na lang ang gawin namin sa pagkanta at sa biyernes nya kami papakantahin ng actual at ija judge kung tama na ba ang pagkanta sa kantang na assigned sa amin. Nandito na rin sa auditorium ang ibang miyembro ng orchestra dahil nag eensayo na rin sila sa mga piyesa na tutugtugin at itatanghal din namin. Kalahating araw pa lang ang lumilipas pero batak na kaming lahat. Pero hindi namin nararamdaman ang pagod dahil nag e enjoy kaming lahat sa mga ginagawa namin. Kung ako ay nag eenjoy na, mas lalo naman si Liza. Habang nag eensayo kami ay pinagmamasdan ko sya. Kitang kita ko sa kanya ang saya at pagiging dedicated sa mga ginagawa nya. Alam ko ito ang hilig nya kaya minsan parang gusto kong maluha na ewan. Kasi kahit ako ay parang nabibilib sa sarili ko dahil nabigyan ko sya ng pagkakataong magawa ulit ang hilig nya kahit nandito sya sa modernong panahon. Dahil dun, parang gusto ko na ngayon na palaging gumawa ng ikasasaya nya kaya pangako ko sa sarili ko na habang hindi pa namin nalalamang dalawa kung ano ang kahihinatnan sya sa pang isang daang araw nya rito sa modernong panahon, hindi ako magsasawang gumawa ng mga bagay na ikasasaya nya. Sumapit ang tanghali at oras na para sa lunch break. Sa aming lahat, ako lang ang may excuse na magtagal ng break dahil nga tuwing tanghali ay susunduin ko pa si Arianna at dadalhin ko rin sa auditorium. Ito kasi ang pangako ko sa bata at kay mrs. Diaz. Na isasama ko sya sa pag eensayo ko. Multi tasking ang gagawin ko. Kung kaya kong maisingit ang pagrereview sa kanya at pag eensayo eh pipilitin ko. Inako ko ang ganung responsibilidad dahil alam ko namang kaya ko eh. Pagbalik namin sa pag eensayo, natuwa ako kahit papaano dahil kahit makulit si Arianna, hindi naging pasaway sakin dahil naiintindihan nya rin siguro ang kalagayan ko. Nakakatuwa nga syang tignan eh. Habang nagsasayaw kami ay nagbabasa sya ng mga libro at nagsasagot na ng mga assignments nya. Nilapitan ko pa nga sya at nagtanong pa ko kung may maitutulong ba ko sa kanya. Ang sabi ba naman sakin ay wag ko raw syang istorbohin dahil kaya nya na raw ang mga assignments nya. Gusto nya daw agad matapos para makapanood sa practice namin kaya ayaw nya magpa istorbo. Bumalik na lang daw ako sa pag eensayo para mamaster ko daw agad ang mga gagawin ko. Mukang sya pa tuloy ang parang naging boss sa aming dalawa. Pilya pero nakakatuwa rin kahit papaano. Lumipas ang buong araw ng pag eensayo pero hindi kami nakaramdam ng pagod dahil sa sobrang saya. Parang ayaw pa nga naming magsi uwi dahil enjoy na enjoy kaming lahat sa ginagawa namin. Pagkatapos kaming pauwiin ni mr. Abalos, diretso naming inihatid ni Liza si Arianna sa kanila. Pagkatapos nun ay dumiretso na rin kami pauwi. Pag uwi namin ni Liza, akala ko dun na nagtatapos ang araw ng pag eensayo. Hindi pa pala. Pagkatapos naming kumain, dumiretso ako sa terrace at nagpahinga pero si Liza ay dumiretso na sa kwarto at dun nag ensayo ng kakantahin nya. Habang nagpapahinga ako, natatawa na lang ako mag isa eh. Ibang klase ang dedication ni Liza sa gagawin naming pagtatanghal. Iba talaga pag mahal mo ang ginagawa mo. Hindi ka basta basta maaawat. Dahil sa ginagawa ni Liza na pag eensayo sa kwarto nya, nainggit na rin ako at napagaya. Pa simple na rin akong nag voice lesson sa terrace at kumanta pero hindi ko magawang makapag concentrate dahil sa mga tahol ng aso sa labas. Dahil dun eh bigla akong tinamad at nagdesisyon na matulog na lang habang nagsasoundtrip sa boses ni Liza.
Nagdaan ang tatlong araw na halos ganun ang daloy ng ginagawa namin. Pero may pagbabago. Akala ko magiging maginhawa ang mga araw ko gaya nung lunes pero hindi pala dahil nung martes, nagsimula nang magparamdam ang mokong. Nagulat na lang ako ng bigla kong mapansin si Lloyd na nanonood sa auditorium. Tinanong ko pa sya kung bat sya nasa auditorium at bakit sya wala sa klase nya. Ang dahilan nya ay vacant time nya daw kaya gusto nyang mamalagi sa auditorium at panuorin si Liza. Sinabi ko na hindi pwedeng manood pero ayaw nya magpa awat. Nagsumbong na rin ako kay mr. Abalos tungkol sa ginagawang panonood ni Lloyd sa pag eensayo namin pero imbis na pagbawalan nya, pumayag pa sya. Lalo akong nayamot. Nagpaka immature na nga ako sandali at nagsumbong pero wala namang nangyari. Parang napahiya lang ako. Sa tuwing nababakante si Liza, palagi syang nilalapitan ni Lloyd. Nagpapapansin na lang ako at nang iistorbo sa kanila para lang magulo ang usapan nila. Hanggang huwebes ako nayayamot sa pagbuntot ni Lloyd kay Liza pero wala akong magawa. Pagsapit ng biyernes, dito na kami inisa isa ni mr. Abalos para iparinig sa kanya ang mga kantang kailangan naming kantahin. Bawat isa ay nagpakitang gilas na agad sa pagkanta kahit hindi pa naman ito ang araw ng pagtatanghal. Nakakabilib talaga ang iba kong kasamahan sa theater club. Talagang magagaling silang lahat. Ibang klase talaga pumili ng performer si mr. Abalos. Nung halos lahat ay natapos na, ako naman na ngayon ang sumunod na kumanta. Nakakatuwa dahil naririnig ko sa mga iba kong ka grupo na gustong gusto na nila uli akong marinig kumanta. Sinimulan kong kantahin ang kantang "SO CLOSE ni JON MCLAUGHLIN". Ang kantang na assigned sa akin. Nung una maganda ang daloy ng pag kanta ko pero dahil sa nakikita kong nag uusap si Liza at Lloyd, Hindi ako nakapag concentrate at na distract ako. Dahil dun ay pumiyok ako bigla. Nagulat ang lahat dahil sa nangyari. Ngayon lang daw kasi nila ako narinig na pumiyok. Kinabahan pa nga si mr. Abalos at tinanong kung may problema ba ko. Sabi ko na lang wala at na distract lang ako. Hindi ko tinapos ang kanta ko. Pagbaba ko ng stage, lumapit pa sakin si Liza at tinanong kung ayos lang ba ko. Sa sobrang inis ko, hindi ko pinansin ang tanong nya at patuloy akong umupo sa pwesto ko. Pagkatapos kong kumanta, si Liza na ang sumunod sa akin na kumanta. Ipinag pahuli sya ni mr. Abalos dahil gusto nya na masurpresa uli sa gagawin ni Liza. Nagsimulang kumanta si Liza, lahat sila ay manghang mangha sa boses nya. Aaminin ko na kahit ako ay namamangha rin, walang pagkakataon na hindi ako namangha sa boses nya pero dahil nga sa nangyari kanina lang, hindi ko ma appreciate ngayon ang pagkanta nya dahil sa inis ko. Habang kumakanta si Liza, narinig ko na nag uusap si Becca at Rosa.
BINABASA MO ANG
in Another Lifetime
Romance"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control and manipulate the fate of people." Mapapaglaruan ng tadhana ang buhay ni Paulo at Liza; Dalawang tao mula sa magkaibang panahon. Magkukru...