Chapter 3

84 3 1
                                    

Im about to get my ass kicked. Kanina pa ko nag iisip ng matinong dahilan para makalusot ako sa parusang matatamo ko sa oras na makauwi na ko samin. Pero di ako makapag concentrate. Nakahiga ba naman sa balikat ko tong babaeng kasama ko tapos nakatingin pa yung ibang mga tao samin dun sa bus. Parang yung mga tingin nila eh may halong panghihinayang. Walangya, tingin pa lang nila sakin parang namimintas na eh. Iniisip nila siguro na GF ko tong babaeng to. Porket ba ganto itsura ko eh hindi na ko pwedeng magkaroon ng girlfriend o kahit katabi man lang na sobrang ganda, artistahin at mukang anghel na babae? Grabe namang diskriminasyon to. Di bale, babawian ko na lang tong mga to. Inggit lang tong mga to eh. Niyakap ko yung babae habang nakasandal sya sa balikat ko at simpleng ngiti rin ako. Ayun iniwasan na nila ako ng tingin. Hehe mga inggetero. Eto na at nakarating na kami sa subdivision namin. Dinadahan dahan ko pa ang lakad ko para magkaroon pa ng sapat na oras para makapag isip ng dahilan. Nasa kanto na ko ng street namin at parang ang sama na ng aura na nararamdaman ko. Nade debuffs mga good vibes. Nararamdaman ko na bagsik ni ermat. Pagsapit ko samin, nakita pa lang ako ng nanay ko sa bintana, kumaripas na sya ng takbo sakin. Magdadahilan na sana agad ako pero bigla syang yumakap sakin at umiyak.

"Jusko salamat naman at nakauwi ka anak, akala ko may masama nang nangyari sayo" sabi ng nanay ko.

Bigla na lang nawala ang kaba ko. Parang lumutang yung pakiramdam ko. Himala hindi ako nagulpe. Tapos binitawan nya ko. Ang sarap lang ng feeling. Sabay kinausap ako nung babae.

"Sobrang nag alala talaga ang nanay mo sayo"

"Hehe oo nga eh. Pero akala ko gugulpihin nya ko" sabi ko naman.

"Ginoo. Yung nanay mo oh may dalang..." sabi nung babae sakin.

Hindi na nya natapos yung sinasabi nya ng biglang walang signal signal eh hinampas ako ng nanay ko ng walis tambo sa pwet ko.

"Walang hiya kang bata ka. Magdamag mo kaming pinag alala ng ama mo pati mga kapatid mo. Tumawag pa kami sa school mo. Pumunta pa kami sa prisinto para lang magkaroon kami ng chansang mahanap ka. Hindi ka ba marunong tumawag o magtext man lang ha!!? Bumalik ka rito hoy!!!" Sabi ng nanay ko.

Pinaulanan ako ng hampas ng walis tambo sa katawan. Ang sakit sakit kaya napapatakbo na lang ako para makaiwas. Akala ko safe na ko. Na "wow mali" ata ako. Nakakahiya sa mga kapitbahay pati sa babaeng kasama ko. Bente uno anyos na ko, pinapalo pa rin ng magulang. Tsk.

"Naaaaayyy!!! Teka hayaan nyo ko magpaliwanag!! May maayos akong dahilan kung bakit di ako nakauwe!!! Naaayyy ayoko na pooo!!! Masakeeettt!!!" Pagmamakaawa ko.

Alam ko hindi to matatapos kaya nag isip agad ako ng paraan habang nagni ninja moves ako sa nanay ko. Pumasok ako ng mabilis sa bahay at pumwesto sa may bandang kwarto. Babambuhin pa lang ako ng nanay ko, eh pinangharang ko na sa kanya yung 16k pesos na nakuha ko. Parang asong napakalma dahil sa buto yung nanay ko at nagtaka.

"Saan mo nakuha yan anak? Bat ka may ganyang kalaking pera?" Tanong ng nanay ko sakin.

Kitang kita sa mukha nya ang pagtataka at pagkagulat. At dun na rin ako nagkaroon ng chansang magpaliwanag. Sinabi ko sa kanya na may niligtas akong batang mayaman mula sa disgrasya at binigyan ako ng reward nung magulang nung bata. Iniba ko ng konti ang storya. Ayokong malaman ng nanay ko na may raket ako ngayon sa loob ng tatlong buwan. Totally classified ang trabaho ko na yun. At dinahilan ko na rin na dahil di ako nakauwi eh dahil may ginawa ang grupo namin sa eskwelahan na thesis at kailangang matapos agad. Sobrang busy kaya di ako nakapag text o nakatawag. Nag brown out pa nung kinagabihan dahil umulan ng malakas kaya pinagpatuloy na namin ng umaga kaya naman hapon na rin ako nakauwi. Buti gumana ang utak ko bigla para makapagbigay ng sapat na alibi sa nanay ko. Alam ko hindi nya matatanggap pag sinabi ko sa kanya yung totoo. Mag dedemand yon ng sobra. Sa tatay ko naman mukang walang problema. Tinanong lang ako bigla nung sumunod sya sa kwarto.pinagsabihan lang din ako ng konte. Malakas naman kasi ako sa tatay ko. Kita rin naman sa kanya na nag alala sya pero hindi naman ako ginugulpe ng tatay ko kaya parang nagulat lang sya nung nakita nya ko kanina na kumakaripas ng takbo papunta sa kwarto habang hinahabol ako ng nanay ko ng walis tambo. Epic diba.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon