Chapter 20

29 1 0
                                        

Habang papauwi, kinuwento ko ang lahat lahat kay mr. Abalos. Kinuwento ko simula sa kung paano ko nakilala si Liza at kung paano ako namuhay ng kasama sya. Kinuwento ko rin sa kanya ang buong detalye kung paano napunta si Liza sa panahon ngayon. Hindi ako yung tipo ng talagang ma kwento pero dahil sa pagiging curious ni mr. Abalos, nag enjoy ako sa pagkukwento. Dahil din sa mga nasabi ko sa kanya, talagang pinanindigan nya ang pangako nya na tutulungan nya kong protektahan si Liza kahit anong mangyari. Natuwa naman ako dahil sa sinabi nyang yon. Naisip ko tuloy na kahit papaano, hindi na ko gaanong mag aalala kay Liza dahil may karamay na ko para protektahan sya. Pero syempre, ako pa rin dapat ang unang responsable kay Liza dahil ako ang mas madalas nyang kasama. At pinangako ko rin naman sa sarili ko na poprotektahan ko rin sya kahit anong mangyari. Hindi magbabago yon hanggang sa pang isandaang araw nya dito sa modernong panahon, at kung ano man ang mangyari pagdating nung araw na yon, kung kailangan nya pa rin ako, nandito pa rin ako para sa kanya.

Pagsapit namin sa bahay, napansin ko na parang naging kabado si mr. Abalos. Papasok na sana ako sa loob pero dahil sa biglang pagka kaba ni sir, napahinto kaming dalawa sa harap ng pinto.

"Sir? Anong problema?"

"Ah eh wala Paulo. Medyo kinakabahan lang ako na nae excite. Parang hindi pa rin kasi ako makapaniwala eh." Sabi ni mr. Abalos.

"Hehe naiintindihan ko po. Ganyan din ako ng una. Hindi ko agad ma sink in sa sarili ko na totoo ang mga ganitong pangyayari. Kaya sige sir take time. Sabihan nyo lang ako kung papasok na tayo sa loob. Wag nyo lang tagalan ang paghahanda ah. Haha."

"Timang ka. Hahaha oh sige ready na ko. Gosh I can't believe this. Ang makita for the time ang isang famous and mysterious theater actress of all time. Nasasabik na ko." Sabi ni mr. Abalos.

"Sir. Halos mag iisang linggo nyo nang nakikita si Liza. Tigilan nyo na nga ang pagsabi nyo ng first time ng paulit ulit. Kayo ang nagmumukang timang eh."

"Peste kang bata ka. Kaya ko sinasabing first time, eh kasi hindi ko naman alam na si Liza si Liezle at ngayon ko lang sya kikilalanin bilang Liza Cardinal. Wag kang panira ng momentum ah." Sabi ni mr. Abalos.

"Hahaha chill lang sir. Eh kanina nyo pa kasi paulit ulit na sinasabi eh. Naririndi na ko eh."

"Intindihin mo na lang nga ako. Isa pang reklamo mo, detention ka sa lunes." Sabi ni mr. Abalos.

"Sige sir subukan nyo kong i detention, hindi ko bubuksan tong pinto. Hindi nyo makikita si Liza. Hahaha."

"Pasaway ka talaga kahit kailan!!!" Sabi ni mr. Abalos.

"Oh Paulo! Nandito ka na pala. Ay kasama mo pala si mr. Abalos. Magandang hapon ho. Kanina pa ba kayo nandyan? May naririnig kasi akong ingay eh. Kayo bang dalawa yun?" Sabi ni Liza.

Napatigil kami ni mr. Abalos sa daldalan namin. Napakamot na lang ako ng ulo sa kakulitan ko pero si mr. Abalos, nanigas na lang bigla. Hindi sya kumilos at parang nakakita sya ng multo pagkatitig nya kay Liza.

"Ahm. Mr. Abalos? May problema po ba?" Sabi ni Liza.

"Bless my soul. Ikaw nga. Ikaw nga si Liza Cardinal." Sabi ni mr. Abalos.

"Po?" Sabi ni Liza.

Napatingin sakin ng may halong pagtataka si Liza. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya sa mga sinabi ni mr. Abalos.

"Liza..alam na ni sir. Alam na nya ang tunay mong katauhan. Naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat lahat kaya wala kang dapat ipag alala."

Nung narinig ni Liza ang mga sinabi ko. Bigla na lang syang lumuha ng dahil sa tuwa. Siguro kaya sya naluha sa tuwa ay dahil kahit papaano ay hindi na nya kailangang magpanggap uli sa isa pang tao. Mahirap din kasi sa kalooban kapag inililihim mo ang tunay mong sarili. Kaya naiintindihan ko kung bat naluha si Liza.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon