Nag ayos muna ako ng aking sarili bago ako magtangkang humarap kay Liza. Pagkatapos nun, dumiretso agad ako sa kwarto nya. Mahinhin akong kumatok sa kwarto nya dahil sa kadahilanang nahihiya pa ako sa ginawa ko. Kahit pinupuno ko ang sarili ko ng lakas ng loob nung mga oras na yun para lang humingi ng tawad sa kanya, nandun pa rin yung pakiramdam ng konsensya at pagkahiya kaya hindi ko rin magawang maging komportable. Pero hindi ko na muna iisipin ang mga nararamdaman ko. Ang mahalaga ngayon ay ang makahingi ako ng tawad sa kanya at mapatawad nya rin sana ako. Patuloy akong kumatok sa kwarto nya pero parang walang tao sa loob. Nakutuban na ko na parang wala si Liza sa kwarto nya kaya dire diretso na kong pumasok sa loob. Hindi nga ako nagkamali. Hindi ko sya nakita sa kwarto nya. Dahil dun, bigla akong nag alala. Hinalughog ko ang buong bahay pero hindi ko sya nakita. Pumasok tuloy sa isip ko na baka naglayas sya dahil sa sama ng loob sakin. Dali dali akong tumawag kay mr. Abalos dahil sa labis na pag aalala. Hindi rin ako mapakali nung mga oras na iyon.
"Hello Mr. Abalos..."
"Oh Paulo...napatawag ka. Eh teka, nasaan ka na ba? Anung oras na oh. Bakit wala ka pa rito sa auditorium?" Sabi ni mr. Abalos.
"Ahm..kasi po na late na ko ng gising dahil nalasing ako."
"Ah oo nga pala..sabog na sabog ka nga pala kagabi." Sabi ni mr. Abalos.
"Oo nga po eh...ay ano ba tong pinagsasasabi ko...sir may problema. Nawawala po kasi si Liza. Wala po sya rito sa bahay pagkagising ko. Baka po lumayas sya."
"Ano? Si Liza lumayas? Hahahaha grabe ka talaga mag alala. Wala lang sa bahay nyo, eh lumayas na agad? Hahaha nandito na sya sa auditorium. Nagpapractice na kami. Ikaw na nga lang ang wala dito eh." Sabi ni mr. Abalos.
"Po?"
"Kanina pa nandito si Liza. Hindi ka na daw nya inistorbo dahil sa sobrang pagkahilo mo kaya pinabayaan ka na lang nya muna magpahinga at nauna na sya rito. Hindi na kita sinita dahil alam ko na ako naman ang may dahilan kung bat ka nalasing. Pasensya ka na kung hinanap kita bigla. Ulyanin na talaga ako. Sige magpahinga ka muna kung may hangover ka pa. Excuse ka na for today." Sabi ni mr. Abalos.
"Ah eh hindi sir. Aattend ako ngayon sa practice. Napaka unfair naman sa grupo kung pagbibigyan nyo ko na magpahinga."
"Ah ganun ba. O sige ikaw ang bahala. Pero bilisan mo na kung pupunta ka at baka tanghaliin ka pa lalo." Sabi ni mr. Abalos.
Biglang kumalma ang kalooban ko. Akala ko kasi talagang lumayas na si Liza. Nauna lang pala sya sakin na umalis papunta sa campus. Pero kahit na nawala ang pag aalala ko, hindi nagbago ang pagkalungkot ko. Kahit sinabi ni sir na hindi ako ginising ni Liza dahil sa masama ang kundisyon ko, sa tingin ko ay dahil ayaw nya lang talaga akong lapitan sa mga oras na to kaya hindi nya man lang ako ginising. Haayy naku. Tama na nga tong pagiging pessimist ko. Kakasabi ko lang kanina sa sarili ko na magiging positibo na ko eh. Loko loko rin talaga ako minsan. Wala na talaga akong oras na sinayang. Dumiretso na agad ako papunta sa campus. Pagdating ko sa auditorium, Nakita ko agad si Liza na pursigidong nag eensayo. Kinumusta ako ng lahat ng mga kagrupo ko maliban kay Liza. Nagkatinginan lang kami pero iniwasan nya agad ako ng tingin. Para bang hindi nya ko nakita. Dahil dun, parang nahiya ako ng tuluyan kay Liza. Hindi ko tuloy agad nagawang humingi ng tawad sa kanya. Lumapit ako kay mr. Abalos dahil bigla nya kong tinawag. Mukang may sasabihin sya sakin.
"Kahit papaano eh nagbunga ang kalokohan mo. Medyo pumabor sayo kahit papaano." Sabi ni mr. Abalos.
"Anung ibig nyong sabihin sir?"
"Tuluyan nang iniwasan ni Liza si Lloyd. Sinabihan nya ko na ayaw nya munang makita si Lloyd kaya hindi ko muna sya pinapapasok dito sa auditorium. Ano masaya ka na?" Sabi ni mr. Abalos.
BINABASA MO ANG
in Another Lifetime
Romance"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control and manipulate the fate of people." Mapapaglaruan ng tadhana ang buhay ni Paulo at Liza; Dalawang tao mula sa magkaibang panahon. Magkukru...