Pinagplanuhan ng mga kasamahan ko kung ano ang gagawin namin. Medyo nagulat ako sa kakaibang trip ng mga kasamahan ko. Kinabahan pa nga ako dahil ako ang pronta sa gagawin namin. Hindi naman ako makatangge dahil una sa lahat, ako naman talaga ang may pakay kaya ako talaga ang pronta. Hindi na ko nagreklamo sa naisipan nilang plano. Inisip ko na lang na paraan din ito para magkabati na kami ni Liza. Pag sapit ng lunch break, kinausap na rin nila Charles, Rodrigo at Tom ang iba naming kasamahan. Isa isa silang lumapit sa mga kasamahan namin at ibinulong ang aming plano para hindi mahalata at malaman ni Liza ang gagawin naming sorpresa para sa kanya. Nakisama sila sa gagawin naming sorpresa para kay Liza. Nalaman din ni mr. Abalos ang gagawin namin at syempre, sumang ayon sya agad. Bago pa man magsimula ang plano, nagmadali agad akong sunduin si Arianna sa kanila. Wala akong sinayang na oras. Pagkasundo ko kay Arianna, dali dali agad kaming umalis pabalik sa campus. Tinanong ako ni Arianna kung bakit nagmamadali ako. Sinabi ko na rin sa kanya ang rason at kung ano ang gagawin ko. Na excite ang bata sa sinabi ko at gusto nya ring sumali sa plano. Pumayag na rin akong sumali sya kahit hindi ko pa naisip kung ano ang gagawin nya. Pagdating namin sa auditorium, hinarang na agad kami ni mr. Abalos sa pinto. Dumiretso kami sa likod ng auditorium papunta sa backstage. Sinabi nya sakin na buti ay dumating daw agad ako dahil sakto ay kakapasok lang nila Liza sa loob. Pagkatingin ko sa stage, nakita ko roon si Liza na nag aabang sa ilalim ng spotlight. Wala syang kaalam alam sa mga mangyayari pero naantig ako sa itsura nya. Para syang anghel na bumaba sa lupa dahil sa liwanag ng spotlight sa stage. Napatitig lang ako sa kanya at dahil nawala ako sa ulirat, bigla na lang sinuot sakin ni mr. Abalos ang gitara at tinulak ako papasok ng stage. Nagulat naman ako dahil biglaan ang mga pangyayari. Nagulat din si Liza sa bigla kong paglabas ng stage at tinanong nya ko kung ano gagawin ko. Napalingon ako sa mga kasama ko at lahat sila ay napakamot ng ulo. Sinenyasan na ko ni mr. Abalos na simulan ko na ang pagkanta. Nung mga oras na yun, hindi na ko nag isip ng kung anu ano. Tinalikuran ko lahat. Ang pagka kaba ko, ang pride ko, lahat lahat ay kinalimutan ko at sinimulan kong tumipa sa gitara. Sinimulan kong tugtugin ang kantang "SORRY NA, PWEDE BA" pero iniba ko ng konti ang liriko. Pansin na pansin ang pagkanginig ko sa tuhod dahil habang kumakanta ako, nakatitig lang sakin si Liza pero nung napapansin ko na paunti unti syang ngumingiti, bigla akong nabubuhayan ng loob. Unti unti akong lumapit sa kanya. Kasabay nun ay pumasok na rin sa stage ang iba naming mga ka grupo. Pila pila sila habang hawak hawak ang karatula na may nakasulat na "Sorry na, pwede ba?". Napaluha si Liza sa mga nangyayari pero hindi ako nabagabag dahil kahit na lumuha sya, nakangiti pa rin syang nakikinig sakin habang kumakanta ako. Pagkatapos ko kumanta, biglang nag abot ng bulaklak sakin si Arianna at sinabi nyang ibigay ko raw kay Liza. Wala akong naisip na pwedeng gawin ni Arianna sa plano namin pero natuwa naman ako dahil napakaganda ng naisip nyang gawin. Bago ko pa man iabot ang bulaklak kay Liza, nilubos ko ang pagkakataon. Kahit medyo kinakabahan ako, Sinabi ko na sa kanya lahat lahat ang mga gusto kong sabihin.
"Liza. Patawarin mo ko sa nagawa ko sayo. Na realize ko na mali pala talaga ang nagawa ko. Napaka tanga ko para gawin yun. Pero nagawa ko lang naman talaga yun dahil gusto kitang protektahan. Pero sa tingin ko tama ka. Hindi pagpoprotekta ang ginawa ko sayo kundi pangsasakal. Hinayaan ko pang dumating sa puntong magagalit ka sakin para lang maintindihan ko. Sana mapatawad mo ko sa nagawa ko. Maiintindihan ko kung hindi mo pa ko mapapatawad sa ngayon pero sana bigyan mo ko ng pagkakataong patunayan sayo na totoo ang paghingi ko ng tawad at sana rin hindi magtagal ang sama ng loob mo sakin."
Pagkatapos kong magsalita. Lumuha lang sya at yumuko. Hindi sya nagsalita. Bigla akong nalungkot. Parang na blangko ang utak ko dahil sa ginawa ni Liza. Napayuko na lang din ako at tinalikuran ko sya. Napansin ko rin ang lungkot sa mukha ng mga kasamahan ko. Tuluyan na sana akong aalis pero nagulat ako bigla ng hawakan ni Liza ang kamay ko.
"Hindi pa ko nagsasalita, aalis ka na?" Sabi ni Liza.
"L..Liza?"
"Papatawarin kita pero sa isang kundisyon.......bilhan mo ko ng sorbetes pag uwi natin." Sabi ni Liza.
BINABASA MO ANG
in Another Lifetime
Romansa"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control and manipulate the fate of people." Mapapaglaruan ng tadhana ang buhay ni Paulo at Liza; Dalawang tao mula sa magkaibang panahon. Magkukru...