Chapter 5

86 3 1
                                    

Alas kwatro y medya na ng umaga ng bigla akong magising mula sa kakaiba kong panaginip. alam ko hindi naman ako binangungot dahil hindi naman masama ang napanaginipan ko. Sa panaginip ko kasi, nasa parang tulay ako na may kasamang babae. Hindi ko ma visualize ng maayos yung itsura nya at hindi ko alam kung bakit malungkot ako sa panaginip ko. And then bigla bigla na lang syang nawala. Tapos hinanap ko sya. Pagdating ko sa dulo nung tulay, dun na ko nagising. Weird lang. Pangitain ba yun o mapaglaro lang talaga isip ko nung mga oras na yun? Anyway, hindi na importante yun. Buti na lang nagising na ko ng maaga. Buti na rin at nauna akong magising kesa kay Liza. Ako naman ngayon ang magpapakitang gilas sa pagluluto ng almusal. Pagbukas ko ng ref, dalawang itlog lang ang nandun tsaka dalawang bote ng malamig na tubig. Naalala ko bigla. Hindi pala to ang totoo kong bahay. Sa bahay kasi palaging may supply ang ref kaya easy process lang pag magluluto. Pero madalas kasi tamad kaming lahat sa pamilya na maghanda ng enggrandeng almusal kaya bibili na lang ng pandesal tapos pritong itlog, eh ok na kami. Kaya nga rin halos magmuka kaming barbarong patay gutom lahat nung naghanda si Liza ng masasarap na pagkain. Bibihira lang kasi kami mag ganun. Kumbaga parang once in a year. Sinubukan kong lumabas ng bahay, sakto may malapit na tindahan dito. Bumili na ko ng tatlo pang itlog at sampung pirasong hotdog na maliliit. Sakto rin may dumaan na nagtitinda ng pandesal. Bumili na rin ako. Medyo nanghihinayang lang ako dahil di ko mapapatikim kay Liza yung tipong masarap din na almusal. Common breakfast lang maihahanda ko. Di bale medyo marami rami naman to. Lahat naman ng klase ng pagkain eh nagiging masarap sa kahit sinong gutom. Habang nagluluto ako, nagsa soundtrip ako syempre. Pampa boost kasi ng energy para sakin ang pakikinig ng musika. Hindi kumpleto araw ko pag hindi ako nakakarinig ng musika. Paglingon ko sa likod ko para kunin yung plato na lalagyan ko ng pagkain, muntik na kong atakihin sa puso ng makita ko si Liza na nakatayo lang dun at pinapanood ako.

"Walangya ka!! Muntik na kong atakihin sa puso. Hindi ka man lang nagpaparamdam na nandyan ka na pala kanina pa." Sabi ko kay Liza.

"Haha napaka magugulatin mo naman. Eh ako nga nung nakaraang araw eh pinagmasdan nyo rin ako ng nanay mo habang nagluluto ako, eh hindi naman ako nagulat. Siguro ang lakas mo sa kape no" sabi nya sakin.

Hindi ko agad sya napansin dahil naka earphone ako habang nagluluto. Na ninja moves ako netong babaeng to. Buti maganda sya. Kung hindi baka nabuhusan ko na ng mainit na mantika. Swerte pa rin.

"Uy hindi ah. Isang beses lang ako nagkakape sa isang araw. Sa umaga lang para pampadagdag ng energy. Speaking of kape, Marunong ka ba magtimpla? Timpla ka naman para satin" sabi ko.

Nagsimula na kaming kumain ng almusal at mag ayos ng mga sarili namin. Naghanda na rin ako para sa pagpasok ko sa eskwela. Pero bago ako umalis eh pina alalahanan ko muna sya kung anu ang mga gagawin dito sa bahay. Wag kakausap at magpapasok ng hindi kilala. Sinabi ko rin sa kanya na uuwi ako sa tanghali na may dala na ring pagkain pagkagaling ko sa school. Sinabi ko na rin na aalis ako ulit para puntahan yung aalagaan kong bata. Muka namang wala syang reklamo sa mga paalala ko sa kanya. Muka namang maiiwanan ko sya ng maayos. Nagsimula na kong magpaalam at pumasok sa school ko. Parang groggy ako na ewan kakaisip ng mga gagawin ko pagpunta ko mamaya sa bahay nila mrs. Diaz. Habang naglalakad ako eh bigla na lang may sumakay sa likod ko. Syempre di ako handa at bigla akong sumalubsob. Maiinis na sana ako kaso...

"Hahaha hanggang ngayon lampa ka parin talaga. Highschool tayo lampa ka. Ngayong malapit na tayong maka graduate ng college eh lampa ka pa rin?" Sabi ni Maan.

si Maan pala yung lumundag sa likod ko. Parang na boost din bigla yung energy ko nung nakita ko sya. Si Maan kasi ang long time crush ko since High school and at the same time eh mag Bestfriend din kami. Magka sangga kami ni Maan sa lahat ng oras kaya wala nang pagtataka kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Siguro nga kung kami ang magkasintahan eh feel ko napaka perpekto na kasi ang gaan gaan ng loob namin sa isa't isa. Eh kaso hindi eh. Ang pangarap kong love story para saming dalawa eh walang katuparan. Napakatorpe ko kasi nun. Tapos kung kailang nagkalakas na ko ng loob para aminin sa kanya na gusto ko sya, dun na huli ang lahat. Nagka boyfriend na sya. Mag aapat na taon na sila nun at hanggang ngayon sila pa rin. Grabe panghihinayang ko. Ang tanga tanga ko kasi. Kung nalaman nya lang sana kung gaano ko sya ka gusto. Hindi sana kami hanggang mag bestfriend lang. Hindi ko na rin pinaalam sa kanya ang nararamdaman ko. Mahirap na baka magka ilangan pa. Friendship na nga lang ang pinanghahawakan ko para maging malapit sa kanya eh. Hindi ko na sisirain yun. At tsaka marami namang paraan para mahalin ang isang tao, hindi ko man sya pwedeng mahalin bilang kasintahan, pwede ko naman syang mahalin bilang isang kaibigan. Friendzoned lvl. Ultimate. Ay ke aga aga eh ang drama ng iniisip ko. Anyway, ayun nga at si Maan pala yung lumundag sa likod ko. Napangiti na lang ako at kinumusta sya.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon