Chapter 12

51 1 0
                                    

Maaga akong nagising para maghanda ng almusal para samin ni Liza. Pero gaya ng dati, naunahan na naman nya kong maghanda ng almusal. Nakakatuwa dahil kahit wala kaming sapat na supply ng pagkain sa ref, eh nagawa nya pa ring makapaghanda.

"Ayos ah. Naunahan mo na naman ako sa paghahanda ng almusal." Sabi ko.

"Eh kasi ang himbing ng tulog mo eh. Nakangiti ka pa nga habang natutulog. Mukang maganda ata panaginip mo ah. Hehe" sabi ni Liza.

"Ha? Hindi ako nanaginip. Talagang smiley face lang ako pag natutulog. Cute ko noh. Hehe." Sabi ko.

"Tara kain na tayo. Luto na yung almusal oh." Sabi ni Liza.

Langya. Medyo basag ako dun ah. Nagsimula kaming kumain ni Liza at pagkatapos ay nag ayos na ko ng sarili ko para sa pagpasok ko. Bago ako umalis, itinuro ko kay Liza kung paano gamitin yung DVD player para mapanood nya uli yung palabas na pinanood namin kagabi. Tinuruan ko para meron pa syang mapaglilibangan bukod sa pagtatahi. Kawawa naman kasi. Sana lang hindi nya makalimutan ang mga itinuro ko sa kanya.

"Oh ayan ganun lang ang pag gamit nyan ah. Na gets mo na?" Sabi ko.

"Ah eh..medyo. hehe salamat Paulo ah." Sabi ni Liza.

"Haha walang problema. Basta pag natapos kang manood, wag paulit ulit ah. Para di sayang sa kuryente." Sabi ko.

"Haha sige ho amo. Wag po kayong mag alala." Sabi ni Liza.

"Amo amo ka na namang nalalaman dyan. Hehe sige na Liz. Alis na ko. Ingat ka dyan ah. Mamaya pag uwi ko galing kela Arianna, pag aaralan na natin yung relo mo ok. Sige Bye." Sabi ko.

"Sige Paulo. Ingat sa lakad ngayong araw." Sabi ni Liza.

Masiglang masigla akong pumasok sa eskwelahan. Napakaganda kasi ng panahon tapos parang walang masamang aura sa paligid ko. Kahit ang dami kong task na gagawin ngayon, parang hindi na ko katulad nung mga nakaraang araw na palaging nag iisip. Feel ko kasi ngayon, kahit anong gawin ko, maganda ang magiging feedback sakin. Excited pa ko agad makauwi mamaya dahil pag aaralan ko na yung relo ni Liza. Magkakaroon na ko ng mahabang oras para dun. Goodvibes all the way. Parang magandang panimula para sakin ang week na to. Pagdating ko sa Campus, nakita ko si Maan na nag iisa. Syempre nilapitan ko kaagad pero parang hindi maganda ang aura nya.

"Goodmorning Maan. Hehe kumusta?" Sabi ko.

"Goodmorning mo mukha mo. May atraso ka pa sakin." Sabi ni Maan.

"Ha? Ay...kung tungkol ba sa nangyari sakin nung sabado. Pasensya ka na Maan kung hindi na kita binalikan ah. Sorry." Sabi ko.

"Bat di ka man lang nag effort bumalik dun? Alam mo namang ikaw lang ang rason kung bat ako sumama dun kasi wala akong ka close sa mga bagong kasamahan natin sa theater group eh. Tapos iniwan mo pa ko. Para tuloy akong loner dun." Sabi ni Maan.

"Nye? Hindi ka man lang nag effort na makisama sa mga bagong ka grupo natin? Grabe naman to. Hindi naman ako boyfriend mo na nandyan palagi para sayo noh." Sabi ko.

"Oo nga hindi nga. Pero Best Friend naman kita. Kaya syempre ikaw agad ang pangalawang maiisipan kong lapitan once na malungkot ako at wala si Joey." Sabi ni Maan.

"Wow ah. Talagang 2nd option lang ako eh noh. Pero sige iintindihin ko na lang yun. Pero dapat naman nag effort ka na makisama sa mga bagong kasamahan natin sa theater para naman may iba kang kaibigan bukod sakin." Sabi ko.

"Kaya ko naman yun eh. Pero dahil sa ginawa mong pang iwan sakin dun. Na depress na ko. Sa tingin mo ba nasa mood pa kong maki belong sa mga taong hindi ko ka close? Common sense naman." Sabi ni Maan.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon