Chapter 28

28 0 0
                                    

Hindi ko inaasahan ang sagot na nalaman ko galing doon sa matanda. Nung una, nasa konklusyon ko naman ang pangyayaring iyon. Na balang araw, baka bumalik din si Liza sa panahon nya pagkatapos ng isandaang araw na pamamalagi nya rito. Pero ngayon, kung kailang napagtanto ko na na iyon nga ang mangyayari, eh parang hindi ko matanggap. Dahil ba sa nagugustuhan ko na si Liza kaya ako biglang nanlumo sa mga nalaman ko? Hindi ko talaga inasahan ang mga nalaman ko pero mas hindi ko naman inasahan ang biglang pagpapakita ni Maan. Bigla bigla na lang syang sumulpot sa harap ko ng hindi ko man lang namamalayan. Parang nung unang pagkakataon din na nakita ko si Liza. Bigla rin tuloy akong nalito kung sino ba ang unang bibigyan ko ng atensyon.

"Kumusta ka na Paulo?" Sabi ni Maan.

"M..mabuti. ay hindi mabuti....ay hindi ko alam. Naguguluhan ako."

"Bakit anong problema?" Sabi ni Maan.

"Ah eh...hindi ko alam kung paano ipapaliwanag eh."

Hindi ako mapakali nung mga oras na iyon. Parang madaling madali na ang katawan ko na mapalapit kay Liza pero sa kabila nun, ayoko rin naman na basta basta na lang iwanan si Maan dahil nakakawalang respeto yun para sa kanya.

"Ah ganun ba...hmmm. siguro huminahon ka muna. Wag ka mag alala. Diba sabi mo optimist ka, magiging ok din yan kung ano man yang problema mo. Mabuti pa, gawin natin ang dating gawi. Pag usapan natin yan. Parang sigurado ako na masusulusyunan natin yan eh." Sabi ni Maan.

"Maan..alam mo kasi, minsan may mga bagay o problema ako na parang ako lang mismo ang makakaresolba. Na kahit sabihin ko man sa mga kaibigan ko at humingi ako ng tulong, hindi magiging sapat ang mga yun. Pasensya ka na Maan pero sana maintindihan mo na kailangan kong maging pribado sa ngayon."

"Ah ganun ba....medyo nakakadismaya naman yan. Sayang at wala man lang akong pwedeng magawa. Di bale kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako. Bestfriend tayo diba. Hehe." Sabi ni Maan.

"Salamat Maan."

Medyo nagalak ako ng konti dahil walang nagbago sa samahan namin ni Maan. Nagkasamaan man kami ng loob nun, hindi rin iyon nagtagal dahil matatag ang samahan namin bilang matalik na magkaibigan. Nagpaalam na ako sa kanya para umalis. Aalis na sana ako pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat na lang ako ng bigla nyang ginawa yun.

"Teka Paulo. Sandali lang." Sabi ni Maan.

"Huh? Bakit Maan?"

"Pwede bang.....samahan mo muna ako kahit sandali lang. May gusto lang sana akong sabihin. Sandaling oras lang ang hinihingi ko. Pangako hindi ko uubusin ang oras mo." Sabi ni Maan.

Matagal tagal din ng huling nanghingi ng pakiusap si Maan sa akin. Nung tinitigan ko sya. Na realize ko na sa mga oras na yun, parang nakagawa na naman ako ng mali. Parang hindi kasi tama na iiwan ko na lang sya bigla sa kawalan dahil nagmamadali ako sa isang bagay. Importante ang mga nalaman ko pero na realize ko rin na hindi ko naman basta basta masasabi kay Liza ang lahat ng ganun ganun na lang. Ayoko rin masira ang kasiyahan na nadarama ni Liza sa mga oras na ito kaya napag isip isip ko rin na hindi ko na lang muna sasabihin sa kanya ang lahat. Pumayag ako na samahan sandali si Maan at makipag usap sandali. Pakiramdam ko kasi bigla na mas kailangan ako ng kaibigan ko dahil parang may dinaramdam sya.

Umupo kaming dalawa sa isang cottage at nakatitig kami pareho sa paglubog ng araw. Pareho kasi kaming may dinaramdam pero hindi ko alam kung ano ang problema nya. Hindi sya nagsasalita. Tinitigan ko sya habang nakatitig sya sa paglubog ng araw. Nung mga oras na yun, may naalala akong isang bagay na matagal kong pinangarap. Yung ganitong eksena na kung saan, nakatitig kami ni Maan sa paglubog ng araw at tsaka aaminin ko ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Pinangarap ko na sana balang araw, mangyari ang ganung pangyayari sa pagitan naming dalawa. At ngayon, kung kailan parang malapit na iyon sa katotohanan, bigla ko rin naisip na parang malabo nang mangyari ang ganun.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon