Chapter 2

88 2 0
                                    

16,000 pesos. Hanggang ngayon Hindi ako makapaniwalang may 16k ako. At magkakaroon pa ko sa mga susunod na dalawang buwan para lang bantayan ang isang bata. Pinantayan ko bigla ang sahod ng isang regular call center agent. Birthday ko nga talaga. Siguro eto na ata yung blessing na bigay sakin ni God for this day. Salamat po God and I will promise I will never let you down. Sa sobrang aliw ko sa mga blessings na natamo ko ngayong araw, nawala na naman ako sa ulirat at di ko na alam kung san ako napadpad. Alas nueve na ng gabi. Baka hinahanap na ko ng magulang ko. Birthday ko pa naman ngayon. Baka naghanda pa sila. 126 inbox message!? 7 missed calls!? Naku po hinahanap na nga nila ako pero di ko alam kung san ako napadpad. Parang kalye sa balete tong napuntahan ko. Di ko rin alam kung nasa village pa ba ko nila mrs. Diaz. Hindi ako kinakabahan sa lugar na napuntahan ko kundi sa kilabot ng nanay ko. Masisigawan na naman ako nun sigurado. Mabuting makapag focus na at hanapin ang tamang daan pauwi. Mahirap na baka mapagdiskitahan ako. May malaking pera pa naman sa bag ko. Habang naglalakad ako, halos malaglag ang puso ko sa gulat dahil sa pesteng kidlat at kulog na sunod sunod. Medyo iba din ang ihip ng hangin tapos biglang nagbuo mga ulap sa langit. Kinabahan na talaga ako...dahil mukang uulan!! Wala akong payong. Mababasa mga pera ko.

Eto na nga at naabutan na ko ng ulan, sabi nga nila wag ka daw masyadong magsasaya dahil lahat ng saya, may kapantay na lungkot, inis o galit. Swerte na may kapantay na kamalasan. Eh pero ayokong isipin. Optimistic mode muna ako. Habang tumatakbo na ko at sumisimpleng sumisilong sa mga puno. May nakita akong babae sa gitna ng kalye, naka damit ng saya. Bigla na talaga akong kinilabutan ng totoo. Naulan tapos may babaeng naglalakad ng mabagal sa gitna ng kalye tapos makaluma pa ang damit? Multo!! Pero di ko magawang gumalaw. Parang na stun ako sa takot. At bigla syang lumapit sakin.

"Ginoo? Nasan ako?"

Dahil sa parang matamlay at nakakatakot na boses nya, Hindi ko na napigilang sumigaw ng malakas. Dun na lang uli ako natakot ng matinde. Tapos bigla bigla rin syang sumigaw ng malakas at biglang nahimatay. Teka? Natakot din? Mukang hindi sya multo. Nagkamali ata ako. Nakakahiya napasigaw pa ko ng malakas. Now what? Anung gagawin ko? ako na nasa gitna ng ulan na may kasamang babae na nahimatay. Cornered na naman ako sa isang sitwasyon. Syempre anu pa nga bang gagawin ko. Binuhat ko yung babae at tuloy tuloy na lumakad. Di ko alam kung san ako dadalhin ng paglalakad ko. Buti na lang nakasapit kami sa kalye na pa syudad na. Tumila na rin yung ulan. Bagong problema, san ko dadalhin tong babaeng to. Hindi ko naman pwedeng dalhin to samin. Alam ko na magiging resulta at iisipin ng mga magulang ko pati na rin nung mga usisera naming kapitbahay. Di rin nagtagal at nakaisip ako ng paraan. Buti syudad na to at madaming motel. Dun ko na lang sya iiwanan at pagpapalipasin ng gabi. Sakto may pera naman ako dito. Di na problema yun. Pagpasok namin sa motel, Naghanap agad ako ng babaeng housekeeper para tulungan yung babae na mapalitan ng damit.

"Oh eto susi sa room 301. Hmmm mukang inabot kayo ng ulan ng syota mo sa daan ah. Nilasing mo ba bata? Haha alam ko na yang stratehiyang ganyan. Siguraduhin mo lang na gumamit ng proteksyon para malinis ang trabaho mo sa syota mo ah. enjoy your valentines day moment sa syota mo"

ang sarap lang kutusan ng panot na Front office Attendant na to eh. Porket ganto itsura ko, hindi sumagi sa isip kong mansamantala ng babae. Pagpasok ko sa kwarto, Nakahiga na yung babae. Naipwesto na sya ng maayos nung babaeng housekeeper. Nilapitan ko sya sa kama at tinitigan dahil hindi ko pa nakita ng maayos ang mukha nya. Napatulala na naman ako. Ang ganda ganda nya. Mukang kasing edad ko pero Parang anghel. Ang ganda ng labi, ang puti at ang kinis ng balat. Parang ayokong ialis ang paningin ko sa kanya. Muntik na naman akong makalimot pero bigla kong naalala na kailangan ko ng umuwi. Gabing gabi na. Siguradong gulpi na ko sa magulang ko. Pero nung patayo na ko sa kama, biglang hinawakan nung babae yung kamay ko.

"Ginoo, wag mo kong iwan. Wag mo kong iwan" sabi nya habang nakapikit.

Napatitig na naman ako sa kanya. Naawa na lang ako bigla. Kay gandang babae ba naman tapos makikiusap na samahan sya. Makakatanggi pa ba ko? Pumayag ako na wag muna syang iwan pero hindi ako nag isip ng kahit anong motibo. Babantayan ko lang sya hanggang sa maging ok sya. Hinimas ko ang noo nya. Muka ngang nagkasakit dahil sa ulan kanina. Kumuha na ko ng basang bimpo at nilagay sa ulo nya para bumaba ang lagnat. Buong gabi ko lang sya binantayan at tinitigan. Tinatancha kung anung oras sya magiging ok. Nakadalawang beses na kong nakatulong sa kapwa ko ngayong araw pero this time, walang kapalit pero ganun naman talaga diba. Ang tunay na kabutihan, hindi humihingi ng kapalit at ayun ang nake credit ni God. Kaya wala na rin akong reklamo. Babantayan ko na lang yung magandang babae hanggang sa maging ok sya.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon