"Honey im home!!".
Simpleng banat ako pag uwi ko sa bahay. Alam ko naman hindi reklamador si Liza at alam ko naman wala lang sa kanya kung sisigaw ako ng ganun. Nag feeling lang ako na kunwari may asawa ako hehe. Pero pagpasok ko ng bahay, naabutan ko syang tulog na sa sofa habang nakapwesto malapit sa kanya yung walis tambo at pandakot. Talagang pinanindigan nya ang paglilinis buong maghapon. Hindi man lang nagawang maglibang. Impressed na talaga ako. Kaso naaawa rin ako. Wala man lang sya kasama. Hinayaan ko na lang sya matulog pero tinuloy ko pa rin ang pagluluto. Hindi ko na sya inistorbo dahil mukang pagod. Pagkatapos ko magluto, sinimulan ko na kumain at pagkatapos, tinabihan ko na sya ng kakainin nya kung sakaling magising sya. Sayang di pa rin nya nakita kung paano ako magluto pero di bale. Ang importante eh ok lang sya nung nakauwi ako. Matitikman naman nya yung luto ko sa oras na magising sya. Kinumutan ko na lang sya at nagsimula na rin akong magpahinga. Habang nakahiga ako sa kama. Medyo nakonsensya naman ako. Ako na lalake eh nasa kwarto tapos yung babae eh nasa sofa. Kailangan ko pairalin ang pagiging gentleman kaya.... naglatag na lang ako dun sa sahig sa may sala para malapit ako sa kanya at nababantayan ko sya. Hindi ko sya kayang buhatin paakyat dun sa taas sa kwarto. Patpatin lang ako. Baka madisgrasya pa kami.
Pagkagising ko ng alas kwatro y medya ng umaga, nakita ko sya sa may bandang kusina na kumakain nung niluto ko. Muntik na ko humagalpak sa tawa dahil sa itsura nya. Nawala ang poise nya dahil talagang lapang ang ginawa nyang pagkain dun sa niluto kong sinigang. Nagulat na lang sya nung nakita nya kong nakatingin sa kanya.
"Paulo! Kanina ka pa ba dyan? Ah eh pasensya ka na. Nagugutom na kasi ako. Nakalimutan ko na kumain kagabi. Ni hindi mo man lang ako ginising nung pag uwi mo." Sabi ni Liza sakin.
"Hehe ok lang Liz. Eh kasi parang pagod na pagod ka na kagabi kaya hindi na kita ginising. Sayang hindi mo napanuod kung paano ko niluto yang special sinigang ko. Masarap ba?" Sabi ko sa kanya.
"Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klase ng sinigang. Ibang iba sya sa sinigang na lagi kong kinakain. Ang sarap ng pagkakaluto mo Paulo." Papuri ni Liza sakin.
Lumaki na naman ang ulo ko. Hindi ko talaga maiwasang maging mayabang ng konti pag pinupuri ang luto ko. Eh kasi dun lang naman talaga ako experto eh.
"Haha. Thank you thank you. Syempre expert cook ata toh" pagyayabang ko kay Liza.
"Hehe galing mo nga talaga magluto. Sa susunod papanuorin na talaga kita para malaman ko kung paano mo niluto itong sinigang mo." Sabi ni Liza.
"Hehe sure. Willing ako na ituro sayo ang specialty ko. Ah nga pala maiba ako. Bakit puro paglilinis lang ata ginawa mo kahapon? Sabi ko naman sayo manood ka ng telebisyon eh." Sabi ko kay Liza.
"Ha? Ah eh kasi....hindi ko alam kung paano gamitin yung baretang may butones na binigay mo sakin eh. Hindi naman kasi ganyan ang telebisyon samin." Sabi ni Liza.
Napakamot na lang ako ng ulo at gusto ko na namang matawa. Baretang may butones daw yung remote. Hahaha. Pero pinigilan ko na lang. Naaawa ako eh. Pero naisip ko na mabuti na rin pala na hindi nya natutunang buksan yung TV. Mahirap na pag nanuod pa sya. Baka mabuang na naman sa mga makikita nyang happenings sa TV.
"Ah ganun ba? O sige anu na lang ba gusto mong libangan maliban sa paglilinis? Magpo provide ako mamayang tanghali pag uwi ko rito para hindi ka naman maboring." Sabi ko kay Liza.
"Hmmmmm. Gusto ko magburda. Gagawa na lang sana ako ng damit kaso nabilihan mo na ko kaya magbuburda na lang ako. Ayos lang ba yun?" Sabi ni Liza.
"Sure walang problema. Sige bibilhan kita pag uwi ko mamayang tanghali." Sabi ko kay Liza.
Matiwasay naman ang naging klase ko ngayong araw na ito. Walang espesyal na nangyari pero wala rin namang problemang nangyari. Dumaan muna ako sa palengke para maghanap ng mga gagamitin ni Liza sa paglilibangan nya. Bumili na lang ako ng mga gamit pang Cross stitch. Parang pagbuburda rin naman to eh. Pag uwi ko sa bahay, itinuro ko sa kanya kung paano gawin ang cross stitch. Na engganyo sya dahil parang first time nya gagawin yun. Nakampante na ko dahil mukang malilibang naman sya habang wala ako. Nagpaalam na ulit ako sa kanya para pumunta naman sa mansyon nila mrs. Diaz. Duty mode naman ako para kay Arianna. Pagdating ko sa kanila, sinalubong agad ako nung bata.

BINABASA MO ANG
in Another Lifetime
Romance"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control and manipulate the fate of people." Mapapaglaruan ng tadhana ang buhay ni Paulo at Liza; Dalawang tao mula sa magkaibang panahon. Magkukru...