Feb 14, 2014 (Friday)
Valentines Day. Ang araw kung saan ay masaya ang mga magkasintahan dahil ito mismo ang araw nila. Kanya kanyang bigayan ng bulaklak, tsokolate, kahit panghaharana sa iba't-ibang classroom dito samin ay meron. Malalakas ang loob ng mga estudyante dito maiexpress lamang nila ang kani-kanilang feelings para sa gusto nila. Meanwhile, kung ako ang hihingian ng opinyon, napakaswerte ko pa rin dahil kahit papaano ay naging birthday ko ang Valentines Day. Wala man akong girlfriend na makakapiling ngayong araw na 'to, ayos din naman kasi may handa at regalo sa akin ang mga kaibigan at pamilya ko. Pero sumasagi rin sa isip ko na, kailan kaya dadating ang araw na ise-celebrate ko rin ang araw na to hindi dahil birthday ko kundi, dahil sa kasama ko yung taong mahal ko? Dadating din yun. Makikilala ko rin kung sino sya balang araw. Pero sa ngayon, susulitin ko muna ang kaarawan ko. Yung tipong ako ang binibigyan imbes na ako ang nagbibigay.
End of the week ang Valentines Day kaya after class, marami akong sapat na oras para magsaya. Pero syempre, hindi ko kinalimutang magpasalamat sa Diyos kaya naisipan kong pumunta sa simbahan sa Bayan para magpasalamat sa bagong taon na dinagdag nya sa buhay ko. Pinagdasal ko rin na sana mahanap ko na yung babaeng mamahalin ko habang buhay, kahit yun lang sapat na regalo na. Napakatorpe ko kasi kaya hirap ako makahanap ng babae. Nainlove na ako ng totoo, dalawang beses pa lang sa tala ng buhay ko. Pareho pang sawi. Hindi naman sa pinagdadasal ko na sana yung babae mismo ang lumapit sakin. Gusto ko lang na sana makilala ko na sya. Yung may sign, kumbaga. And I swear this time I mean it, na gagawin ko ang lahat just to keep her happy in any possible way I could. Mamahalin ko sya ng totoo, at itatrato ko sya in a way girl should be treated. Ika nga nila, mahiyain ang torpe pero tunay magmahal. Totoo yun at patutunayan ko yun but when that time comes, hindi na ko mahihiya. Pinagdasal ko rin na kung may kabayaran, okay lang sakin. If I had to do something good para bigyan ako ni God ng sign, gagawin ko. Pero parang mali ata yung dasal kong yun. Kasi dapat pag gagawa ka ng kabutihan, dapat bukal sa loob mo. Pero bukal naman lahat sa loob ko. What I mean is, I will do more good things para maawa si God sakin. Napaka desperado ko. Sorry naman po God.
Paglabas ko ng simbahan, may batang babaeng sumusunod sakin. Hindi sya mukang mahirap kasi napaka pormal ng damit nya pero mukang mataray. Syempre di na ko nag atubiling magtanong kasi parang obvious naman na nawawala tong batang to. Tinanong ko sya.
"Neng bat mo ko sinusundan? Nawawala ka ba? San ang mga magulang mo?"
Bigla ba naman akong dinuro. Aba matinde.
"Oo nawawala ako, naligaw ako eh. Ihatid mo ko samin"
Tama nga hinala ko. Mukhang maldita tong batang 'to. Sinubukan ko uling tanungin. Pataray pang sinabi yung pangalan nya. Arianna daw ang pangalan nya. Nasa bandang walong taong gulang ang edad pero ang ugali ay parang nasa singkwenta'y anyos na. Pero wala akong choice. Bata, tapos nawawala. Kailangan kong tulungan. Ang kaso, napaisip din ako. Paano kung modus 'to? Paano kung dalhin ako nito sa condo tapos ipagulpi ako sa mga amo nyang sindikato. Ayokong magaya dun sa artistang lalake na nagulpi sa condo. And at the same time, naalala ko bigla yung dasal ko. Gagawin ko lahat ng kabutihang bagay maipakita lang sakin ni God yung sign na gusto ko. Kung isa 'to sa mga kailangan kong gawin para i-lead ako sa sign na yun. Well, Sige na nga. Kung anu-ano pa iniisip ko. Weirdo talaga.
Pagdating namin dun sa lugar kung saan sya nakatira, napanganga na lang ako sa laki ng bahay nung bata. Ma -ala mansyon. Sobrang elegante. Sobrang laki. Sobrang ganda.
"Hoy bata, dito na ba bahay mo? Sure ka bahay mo 'to?" Sabi ko sa kanya.
"Oo yan bahay ko. At wag mo kong tawaging - hoy. Sinabi ko naman na Arianna nga pangalan ko diba." Umirap na sinabi ng bata.
BINABASA MO ANG
in Another Lifetime
Romansa"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control and manipulate the fate of people." Mapapaglaruan ng tadhana ang buhay ni Paulo at Liza; Dalawang tao mula sa magkaibang panahon. Magkukru...