Maaga kaming nagising para sa lakad namin ni Liza ngayong linggo. Pero kahit may importante kaming lakad, hindi namin nakalimutang mag simba. Humingi kami sa Diyos ng gabay para sa gagawin namin ngayong araw. Pagkatapos naming magsimba, didiretso na sana kami dun uli sa motel na pinuntahan namin nun pero biglang nag ring yung cellphone ko. Si Arianna tumatawag.
"Goodmorning kuya Paulo! Im ready. Hehe wag mong sabihing kagigising mo pa lang!? Nakapagsimba na ko. Ready na ko para sa gala natin this Sunday. Nasaan ka na ba?" Sabi ni Arianna.
Napatahimik ako sandali. Lintek muntik ko na naman makalimutan na nag promise pala ako sa batang to na gagala kami ngayong linggo. Hindi na ko pwedeng humingi ng excuse sa kanya dahil pag ginawa ko ulit, sure malaking problema. Minsan naiisip ko rin kung nasa tama ba mga ginagawa kong desisyon eh. Napaka tricky naman kasi ng panahon. Bigla bigla na lang magsasalpak ng extrang activity sa schedule ko ng hindi ako aware.
"Ha.!? ay oo naman. Eto nga o kakasimba ko lang din. Actually papunta na ko dyan para sunduin ka. At tsaka nga pala may surprise ako sayo pagdating ko dyan." Sabi ko kay Arianna.
"Haha yun oh. Sige intayin kita. Bilisan mo. Surprise? Anu yan? Ay sige sige di na ko magtatanong. Baka matagalan ka pa eh. Basta surprise me na lang kuya. Haha bye. Bilisan mo ah." Sabi ni Arianna.
Binaba na nya agad ang telepono. Halatang excite na excite yung bata. Ngayon talaga hindi ako pwedeng mag alibi sa kanya. Kailangan ituloy tong gala na to. Kaso kasama ko si Liza. Hindi alam ni Arianna na si Liza ang surpresa ko. Payag kaya yung bata na sumama si Liza samin? Papayag kaya yung bata na may idagdag akong lakad bukod pa sa gala namin? Hay Bahala na.
"Ah eh...Liza. medyo may konting problema. Medyo maiiba plano natin ngayong araw." Sabi ko kay Liza.
"Ano ang problema Paulo? Bakit maiiba ang plano natin?" Sabi ni Liza.
"Ah eh kasi...yung alaga ko. Nag promise nga pala kasi ako dun na gagala kami ngayong linggo kasi hindi ko natupad yun nung biyernes eh. Eh hindi ko na pwedeng baliwalain yun. Yari ako pag ginawa ko yun." Sabi ko kay Liza.
"Ah eh..walang problema sakin Paulo. Mukang mas mahalaga rin naman yan eh. Tsaka ayos lang sakin kung sa susunod na araw na lang tayo lumakad." Sabi ni Liza.
"Ay hindi pwede. Pag pinatagal pa natin to, baka tuluyan na talagang mawala yung hinahanap natin. Ngayon din tayo tutuloy. Ako nang bahala. Pipilitin kong maisingit yung lakad natin sa gala namin ni Arianna." Sabi ko kay Liza.
Madali rin kaming pumunta sa mansyon nila Arianna. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung papayag si Arianna sa kundisyon ko. Hindi ko rin sigurado kung magkakasundo sila ni Liza. Pagdating namin sa bahay ni Arianna, Sinalubong agad ako nung bata. Aba naka ready na talaga sya. Halatang excited nga.
"Hello kuya. O tara na. Wag ka na pumasok sa loob. Nakapag paalam na ko kay aling Maria. Settled na lahat. Tara na please." Pangungulit ni Arianna.
"Sya ba yung alaga mo Paulo? Hehe ang cute naman nya." Biglang sabi ni Liza.
"Huh? Sino ka naman? Kuya Paulo sino sya?" Sabi ni Arianna.
"Ha.? Ah eh...sya nga pala yung sinasabi kong surprise sayo. Bale yung surprise na yun eh mukang di mo magugustuhan. Kaibigan ko nga pala. Sya si...." sabi ko kay Arianna.
"Surprise? Yan na yun? Oo nga tama ka dahil di naman ako natuwa. Pero wag ka mag alala dahil di naman din ako nainis..sya ba yung nagbigay ng relo na kinuha ko sayo? Sya ba si Maan? Ayieeeee. Hahaha" sabi ni Arianna.
"Ha..? Ah eh hindi ah. Sya si Liza. Hindi sya si Maan." Sabi ko kay Arianna.
"Sus...may Maan ka na, may Liza ka pa. Hindi ka naman gwapo pero napaka babaero mo." Sabi ni Arianna.
BINABASA MO ANG
in Another Lifetime
Romance"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control and manipulate the fate of people." Mapapaglaruan ng tadhana ang buhay ni Paulo at Liza; Dalawang tao mula sa magkaibang panahon. Magkukru...