Parang magugunaw ang mundo ko dahil sa nangyari samin ni Maan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang umabot sa ganung sitwasyon ang lahat. Alam ko mali ako nung simula pa lang. Dapat hindi ako nagsinungaling sa kanya. Pero kahit sabihin ko rin naman kasi ang totoo, siguro sa ganito pa rin hahantong ang lahat. Hindi nya paniniwalaan ang totoong nangyayari sakin ngayon. Ang totoong dahilan kung bakit kasa kasama ko si Liza. Naguguluhan ako sa mga oras na iyon at hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak. Napakasakit dahil nagtanim ng sama ng loob yung taong sobrang importante sakin. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang lahat. Pakiramdam ko sa mga oras na yun, parang bibigay ang puso ko. Pakiramdam ko rin parang mababaliw ako.
Habang nag iisa ako sa terrace, napatigil ako sa pag iyak dahil bigla bigla ko na lang napansin na may isang baso ng ice cream dun sa maliit na mesa malapit sakin. Nung una nagtaka ako kung bat may ice cream dun. Tapos bigla ko na lang narinig na may tumutugtog ng gitara. Nagulat ako dahil si Liza ang nakita kong tumutugtog. Nagulat din ako dahil bigla syang kumanta.
"Girls in white dresses with blue satin sashes, snowflakes that stay on my nose and eyelashes. Silver white winters that melt into springs, these are a few of my favorite things. When the Dog Bites, When the bee stings, when Im feeling sad, I simply remember my favorite things, and then I dont feel...so bad."
"L....Liza?"
"Ahm...pasensya na kung naistorbo kita.Gusto ko lang sanang pakalmahin ang kalooban mo kasi....alam ko sobrang lungkot mo Paulo. Patawarin mo ko. Alam ko na ako ang dahilan kung bakit ka malungkot ngayon. Dahil sakin kaya nag away kayo ni Maan. Wala man lang akong nagawa para patunayan na wala naman talagang nangyayari sa ating dalawa. Talagang nagiging sobrang perwisyo na ko sa buhay mo Paulo. Pasensya ka na kung ito lang talaga ang kaya kong gawin. Alam ko hindi sapat ito para sumaya ka o para maging maayos ang lahat. Sadyang hindi ko lang din talaga alam ang gagawin ko para makabawi sayo. Patawad talaga Paulo." Sabi ni Liza.
"Hindi Liza. Wala kang ginawang masama. Hindi mo naman kagustuhan ang mga nangyari eh. Biglaan ang lahat. Wag mong sisihin ang sarili mo. Dapat nga ako ang mag sorry sayo dahil sinigawan kita kanina. Sorry ah. Hindi ko sinasadya na masigawan ka. Sobrang sama lang talaga kasi ng loob ko."
"Naiintindihan naman kita kung bat mo nagawa yon Paulo. Alam ko sobrang nasaktan ka sa nangyari sa inyo ni Maan." Sabi ni Liza.
"Wala namang ugnayan na namamagitan saming dalawa ni Maan maliban sa pagiging matalik na magkaibigan namin. Pero sobra sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa nyang pagtalikod sa pinagsamahan namin. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko."
"Kasi Mahal mo sya." Sabi ni Liza.
"Huh?"
"Kasi kahit matalik na magkaibigan lang ang turingan nyo, alam ko na mahal mo sya. Diba na kwento mo sakin kung gaano mo sya gusto. Nagkagusto ka sa kanya noon pero itinigil mo na dahil may nobyo na sya. Sabi mo tanggap mo na. Pero ngayong tinitignan kita. Napag isip isip ko na hanggang ngayon, gusto mo pa rin sya. Hindi lang bilang isang kaibigan. Kaya napagtanto ko sa isip ko Paulo na mahal mo si Maan." Sabi ni Liza.
Napatahimik ako sandali dahil sa sinabi ni Liza. Napayuko ako at napaluha ng konti. Pagkatapos nun ay nagsimula na kong magsalita ulit.
"Nung araw na nagka nobyo si Maan, masakit para sakin na hindi ko naamin sa kanya ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit napaka duwag ko. Pinanghihinayangan ko iyon kaya walang araw na lumipas na hindi ko pinapangarap na sana magkaroon ako uli ng pagkakataon para maamin ko na ng tuluyan ang nararamdaman ko para sa kanya. Sumagi rin sa isip ko at hiniling na sana maghiwalay na agad sila ng nobyo nya. Nagdaan ang mga araw, buwan at taon pero hindi nangyari ang hiling ko. Na realize ko rin na mali pala ang ginagawa kong paraan ng paghihintay sa kanya. Na realize ko na dapat itigil ko na ang kalokohan na ginagawa ko sa sarili ko. Mukang hindi naman na mangyayari ang kagustuhan ko.Nakikita ko rin na masaya na sya sa piling ng nobyo nya. na realize ko na kailangan ko nang tanggapin yun at maging masaya na lang para sa kanya. Inisip ko na lang na basta masaya sya, Ok na sakin yun. Ayoko nang sirain ang masaya nyang buhay. Kaya itinigil ko na ang pag iilusyon ko. Tinanggap ko na talagang hanggang magkaibigan na lang kami. Pero alam mo Liza sa totoo lang, simula noon hanggang ngayon, mahal na mahal na mahal na mahal ko pa rin sya. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Sa totoo lang. Nagpapanggap lang naman ako eh. Na ok ako. Na masaya ako dahil masaya sya. Pero hindi. Araw araw nasasaktan ako pag nakikita ko sila ng nobyo nyang masaya pero pinipilit ko lang maging masaya para sa kanya bilang isa nyang matalik na kaibigan. Yun lang naman kasi ang papel ko sa buhay nya eh. Ayokong masira yung samahan na yon kaya kahit nahihirapan na ko, ayos lang sakin basta makita ko lang syang masaya. Ayoko nang magsinungaling sa sarili ko Liza. Ayoko nang magpanggap na hindi ako nasasaktan. Pasensya ka na kung nasasabi ko sayo lahat ng ito. Gusto ko lang kasi ilabas ang totoo kong nararamdaman. Hirap na rin akong magkimkim."
BINABASA MO ANG
in Another Lifetime
Romance"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control and manipulate the fate of people." Mapapaglaruan ng tadhana ang buhay ni Paulo at Liza; Dalawang tao mula sa magkaibang panahon. Magkukru...