Chapter 8

67 1 0
                                    

Naniniwala ako sa kasabihan na ang mundo ay nababalot ng malaking misteryo pero hindi naman sa literal na misteryo na gaya nitong naiisip ko. Babae na galing sa past, biglang mapupunta sa future? Sa pelikula lang posibleng mangyari ang mga ganitong eksena eh. Pero kahit anung paliwanag at pagkukumbinsi ko sa sarili ko na kalokohan lang tong naiisip ko, hindi ko pa rin maalis yung posibilidad na baka nga totoo at nangyari ang imposibleng bagay na gumugulo sa isip ko. Naghahati ang rason at dahilan sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Habang nagiisip isip ako ay patuloy kong hinanap si Liza at tumungo ako sa isang destinasyon na alam kong yun lang ang pupuntahan nya. Dali dali akong sumakay ng jeep patungong pandacan. Muntik pa kong masalubsob pagpasok ko dahil sa kakamadali ko. Daig ko pa ang kinabahan. Nagtitinginan sakin ang mga tao at para bang iniisip nila na parang kriminal ako at nakapatay dahil hindi ako mapakali. Hindi ko kasi talaga magawang kumalma eh. Kailangan kong klaruhin ang gumugulo sa isip ko at magagawa ko lang yun pag nakita at nakausap ko na si Liza. Hindi pa man nakakalayo yung jeep na sinakyan ko, natanaw ko na si Liza na naglalakad sa kalye. Seryoso ba sya? Lalakarin nya mula rito hanggang pandacan? Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa at bumaba na ko sa jeep at tinawag sya.

"Paulo? Anung ginagawa mo rito? Bat mo ko sinundan?" Sabi ni Liza.

"Liza sandali lang. May gusto lang akong klaruhin" sabi ko sa kanya.

"Ahm..pasensya ka na. Alam ko mali ang ginawa ko na biglang pag aabandona sa bahay at hindi ko man lang nagawang magpaalam sayo ng pormal. Pero pinangako ko na babawi ako sayo." Sabi ni Liza.

"Hindi na importante yun Liz. May gusto lang akong klaruhin." Sabi ko.

"ahm..anu yun Paulo?" Sabi ni Liza.

sinimulan ko uli syang titigan at hinawakan ko ang mukha nya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkakaba. Hindi ako nagkakamali sa nakikita ko ngayon. Kamukang kamuka nya yung babaeng nasa litrato na nakita ko sa museum kanina. Para syang nabuhay na replica nung babaeng yun.

"Liza.....sino ka ba talaga? Anu ba talaga ang totoong pangalan mo? San ka ba talaga nanggaling?" Sabihin mo sakin na hindi ikaw yung babaeng nakita ko sa litrato sa museum kanina. Sabihin mo sakin na nababaliw lang ako. Ok lang sakin. Gusto ko lang klaruhin ang mga gumugulo sa isip ko." Sabi ko kay Liza.

Kung anu ano na pinagsasabi ko sa kanya dahil nga sa gulong gulo ang isip ko. At pati sya ay parang naguluhan din.

"Paulo? Anu ba nangyayari sayo. Kinakabahan ako sa kinikilos mo." Sabi ni Liza.

"Pasensya ka na pero please sagutin mo lang ang tanong ko. Sino ka ba talaga? Ano ba talaga ang pangalan mo?" Sabi ko kay Liza.

"L...Liza Flora y Cardinal ang buong pangalan ko Paulo. Bakit mo ba natatanong? Anu bang problema?" Sabi ni Liza.

Napanganga na naman ako sa mga narinig ko. Klarong klaro at direkta nyang sinabi sakin ang buo nyang pangalan. Pero pinipilit ko pa ring hindi makumbinse. Pero bigla kong naalala na may nakita akong balat malapit sa kanang kamay nung babae sa litrato. Hindi ko nagagawang pagmasdan ang buong katawan ni Liza dahil simula't sapul eh ilang ako na tignan sya at hindi naman ako manyak para gawin yun kaya hindi ko napapansin kung anu man ang meron sa katawan nya. Ang klarong klaro lang na napapansin ko sa kanya ay yung maganda nyang mukha kaya talagang gulat na gulat ako dahil kamukang kamuka nya yung babae sa litrato. Isang rason na lang ang kailangan ko para makumbinse ako sa kalokohang gumugulo sa isip ko. Pag may balat sya sa may bandang kamay, wala nang dapat ipag alangan pa. Nagpaalam ako kay Liza na kung pwedeng tignan ang kanang kamay nya. Pagkatingin ko, tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan ko dahil sa sobrang pagkagulat at bigla na lang akong nanlambot at napahandusay sa lupa dahil sa natuklasan ko.

"Paulo? Ayos ka lang? Anu bang nangyayari sayo ha? Parang hindi maganda ang kundisyon mo ngayon." Sabi ni Liza sakin.

"Liza..hindi ka pwedeng umuwi sa inyo." Sabi ko kay liza habang namumutla ako.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon