Surpresa ang unang araw ng pag eensayo namin para sa gagawin naming pagtatanghal. Halos lahat kami ay napabilib sa ginawang pagsayaw ni Liza kasama si mr. Abalos. Hindi ko akalain na tataasan pa nya ang expectation ko sa kanya base sa pagpeperform. Talagang nasurpresa ako. Malaking bagay talaga ang mai aambag ni Liza sa pagtatanghal na to. Kaso nababahala ako. Hindi naman dahil sa ikikilos nya ako nababahala, kundi sa isang pangyayari na hindi ko akalain na mangyayari at isa pang bagay na ikina surpresa ko. Mukang nagustuhan ni Lloyd si Liza. Malaking pasakit to para sakin. Mapipilitan akong bantayan si Liza at ilayo sya kay Lloyd kung kinakailangan. Ayoko muna kasing may aali aligid kay Liza dahil nga sa tinatago nyang misteryo sa sarili nya. Ayokong dumating sa punto na kung sakaling mabuking sya, eh katakutan pa sya. Ayoko lang masaktan si Liza kaya gagawin ko ang dapat kong gawin para maprotektahan sya sa loob ng 100 days. Kung kailangang ilayo muna sya sa mga nagkaka interes sa kanya, eh gagawin ko.
Pagkatapos magsayaw ni Liza at ni mr. Abalos, nag ayos lang muna sila sandali at pagkatapos ay pinagpulong uli kami ni sir para mag usap usap ulit.
"Talagang confident na ko na magiging maganda at successful ang pagtatanghal na gagawin natin. Nadagdagan tayo ng isang mahusay na performer. Hindi ko akalain na ganito pala kagaling ang kaibigan mo Paulo. Liezle, aasahan ko na pagbubutihan mo pa lalo ang pagpeperform kahit sa pageensayo. Hangang hanga at tiwalang tiwala ako sa kakayahan mo kaya sana ay wag mong babaliwalain ang tiwala ko sayo. Hindi lang ako kay Liezle nagtitiwala. Kundi sa inyong lahat. Hasang hasa ang pagpili ko sa inyo kaya alam ko na kahit maganda ang gagawin nating pagtatanghal, eh gagandahan nyo pa lalo dahil naniniwala ako na outstanding stage performers kayo lahat. Ngayong full package na uli ang grupo, ipapaliwanag ko na kung ano ba talaga ang tema ng pagtatanghal natin. Nabanggit ko na magiging musical tayo ngayon pero hindi lang sya basta musical. Isa syang "Show Choir". Kung napapanood nyo ang foreign musical tv series na Glee, ganong tema ang gagayahin natin. Dun tayo kukuha ng idea pero tayo mismo ang magpoprovide ng sarili nating performance. May mga napili na kong mga kanta na gagamitin natin sa pagtatanghal pero mamaya pa ko mag a assign at magdedecide kung kanino ko dapat ipakanta ang mga napili kong pyesa. Wag kayong mag alala. Lahat kayo ay makakakanta. Lahat kayo ay magiging bida sa pagtatanghal natin." Paliwanag ni mr. Abalos.
"Mukang magiging interesado talaga ang pagtatanghal na gagawin natin ngayon sir." Sabi ni Phoebe.
"Di na ko makapag intay, gusto ko na magperform. Hehe ano kayang kanta ang maa assign sakin?" Sabi ni Joseph.
"Hoy!! Wag kang assuming. Di porket sinabi ni sir na lahat tayo ay makaka kanta at may assigned songs satin, hindi ibig sabihin nun eh mag sosolo ka." Sabi ni Becca.
"Hahaha oo nga Joe. Baka mamaya may ka duet ka pala, o trio, o kaya lahat tayo sa iisang kanta. Wag kang hambog." Sabi ni Charles.
"Tsss. Panira ng trip tong mga to." Sabi ni Joseph.
"Hahaha chill lang kuya Joe. Eh sir Abalos, Kailan po ba namin malalaman yung mga kanta at mga assignments namin?" Sabi ni Ginger.
"Later guys. Aayusin ko muna. For now, mag break muna kayo, bumalik na lang kayo dito sa auditorium after an hour at sasabihin ko na ang plano ko. Ok sige guys dismissed muna." Sabi ni sir Abalos.
"Yes!!! Break na!!!"
Nagkasabay pa kami ng sigaw ni Lloyd. Nagulat ako dahil nandito pa rin tong mokong na to. Mukang alam ko na talaga pakay nito eh. Talagang inintay nya na magkaroon ng breaktime para magkaroon sya ng chance para maka segwey kay Liza. Kaya biglang tuwa rin sya nung nalaman nyang breaktime na. Akala naman nya eh makakasegwey sya kay Liza. Eh nandito ako. How about no for that.
"Hoy dalawang patay gutom, kumalma kayo. Para kayong mga bata." Sabi ni Arianna.
"Hahahahaha. Mukang tama ka Paulo. Mukang hindi magiging pasakit sayo ang alaga mo. Mukang ikaw pa ata ang aalagaan nito eh. Mas matured pa ata umasta sayo. Hahaha." Sabi ni mr. Abalos.
BINABASA MO ANG
in Another Lifetime
Romance"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control and manipulate the fate of people." Mapapaglaruan ng tadhana ang buhay ni Paulo at Liza; Dalawang tao mula sa magkaibang panahon. Magkukru...