Chapter 25

25 0 0
                                    

Pagkatilaok pa lang ng tandang, nagising na agad kami ni Liza. Alas kwatro pa lang ng umaga pero puno na kami ng energy. Ngayong araw na kasi gaganapin ang pagtatanghal namin. Kahit mamayang alas singko pa ng hapon ang pagtatanghal, handang handa na kami ni Liza. Hindi kami kinakabahan. Ang totoo nga niyan ay excited na kami at hindi na kami makapag intay. Kinundisyon na namin ni Liza ang aming mga sarili para sa pagsubok na kakaharapin namin ngayong araw. Seryosong seryoso si Liza sa pag eehersisyo. Tinanong ko tuloy siya kung bakit parang galit naman siya sa pag eehersisyo niya.

"Uy Liza..ayos ka lang?"

"Oo naman Paulo. Bakit mo natanong?" Sabi ni Liza.

"Eh kasi para kang mag aapply sa militar imbis na magtatanghal sa entablado eh."

"Grabe ka naman. Ganito lang talaga ako kaseryoso pag nag eehersisyo ako. Gusto ko kasi ay nasa tamang kundisyon ako bago magtanghal." Sabi ni Liza.

"Hmmm...kinukundisyon mo nga ba ang sarili mo....o baka hindi ka lang mapakali at kinakabahan ka kaya ganyan ka magkiki kilos?"

Napatigil si Liza sa ginagawa nya. Hindi siya nakapagsalita dahil sa mga narinig niya sakin at bigla na lang siyang napatingin sakin at ngumiti na parang nahihiya. Akala ko eh hindi siya kinakabahan. Hula ko lang naman yung sinabi ko pero totoo pala. Totoo pa lang kinakabahan siya kaya siya ganun kumilos sa pag eehersisyo namin.

"Hahahaha. Sabi na nga ba eh. Mag a alibi ka pa...eh kabado ka lang naman pala."

"Anu ka? Oo kinakabahan ako pero ginagawa ko rin naman talaga to para makundisyon ang katawan ko ah." Sabi ni Liza.

"Asuusss..hahaha o sige na nga. Pero Liz, hindi ka dapat kabahan. Nakalimutan mo na ba kung sino ka? Ikaw si Liza Flora Y Cardinal. One of the best philippine theater performers of all time. Hindi ka naman siguro kakabahan kung magaling ka diba. Ibalik mo yung dati mong aura. Alam ko naninibago ka dahil modernong pagtatanghal na ang gagawin mo. Pero alam ko rin na sabik na sabik ka na uli magtanghal kaya wag kang kabahan. Matagal tagal din tayong nag ensayo at naniniwala ako na kaya mo. Wag mong i pressure ang sarili mo. Chill lang. Hehe."

"Hahaha. Ikaw talaga. Ayan ang nagustuhan ko sayo eh. Lagi mong pinapalakas ang loob ko. Salamat Paulo ah." Sabi ni Liza.

"Ah...eh...walang problema. Hehe sige Liz. Mag almusal muna kaya tayo."

Bigla na naman akong nailang nung narinig ko yung mga huli nyang sinabi sakin. Naalala ko na naman bigla yung sinabi sakin ni Lloyd tungkol sa nararamdaman sakin ni Liza. Masarap pakinggan na gusto pala ako ni Liza pero naiilang talaga ako dahil nagpapanggap pa ko na hindi ko alam ang bagay na iyon. Matapos naming mag almusal, nagpasya na kaming pumunta ni Liza sa Auditorium sa campus para tumulong sa preparasyon. Pagdating namin doon, namangha ako dahil biglang nag iba ang itsura ng auditorium. Napaka classic ng pagkaka aayos ng mga dekorasyon. Sabayan pa ng pagtugtog ng mga miyembro ng orchestra. Pakiramdam ko ay nasa broadway ako. Habang pinagmamasdan namin ang buong paligid, nilapitan kami bigla ni mr. Abalos.

"Oh ano pang ginagawa nyo dito? Dapat kinukundisyon nyo na ang sarili nyo para mamaya." Sabi ni mr. Abalos.

"Ah eh...pumunta lang kami dito sir para magbakasakali kung may maitutulong ba kami para sa paghahanda."

"Ay wala na kayong dapat alalahanin pa. Kahapon pa lang ng gabi ay nagsimula na kong mag ayos ng mga dekorasyon. Marami naman akong katulong dito na mga maintenance ng school. Buti nga at pumayag sila na tulungan ako." Sabi ni mr. Abalos.

"Eh kung kagabi pa po kayo nag aayos, hindi pa po kayo nakakapag pahinga? Naku po baka himatayin na kayo nyan sa sobrang pagod." Sabi ni Liza.

"Haha naku wag kang mag alala ms. Liza. Kapag ganito ako kasaya at ka excite, hindi ako tinatablan ng pagod. Maniwala ka dahil alam ni Paulo yun. At tsaka sa tingin ko ay makakapag pahinga naman ako mamaya habang pinapanood ko na kayo pag nagtatanghal na kayo. Alam ko hindi ako maii stress dahil naturuan ko na kayo at nadisiplina na ng maayos. Alam ko wala na kong dapat ipag alala pa mamaya." Sabi ni mr. Abalos.

in Another LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon