Lexis's POV
It was a great day! Sobrang saya ko! Ngayon lang ulit ako naging masaya nang ganito, sana maulit uli to!
"Dude. Kanina ka pa tulala dyan, okay ka lang ba?" Tanong ni Gleamin.
"Yes, I'm fine" sabi ko habang pinipigilan kong ngumiti.
"Okay, look punta na ako sa kwarto" paalam nya.
Tumango na lang ako. It's been a years, di ko alam kung bat ganito yung nararamdaman ko. Is it love? Pero di ako marunong magmahal, tsaka wala pa akong minahal bukod sa mommy ko at wala rin akong pinagkatiwalaan kundi ang sarili ko.
Kinabukasan
Agad akong bumangon at nag-ayos tsaka tumakbo na sa kusina para kumain.
"Si daddy?" Tanong ko.
"Di pa umuwi simula kagabi" sagot ni manang.
Wha? Di pa umuuwi? Anong ginagawa nya sa opisina nya? Tss, parang di naman ako sanay.
"Gleamin, mauna kna sa campus. Pupunta ako kay daddy" sabi ko.
"Sige"
Nagpahatid ako kay kuya mar sa opisina ni daddy. Wala naman sigurong masama kung bibusitahin ko siya diba? Papasok na ako ng entrance nang bigla akong harangin ng guards.
"May ID ka ba?" Tanong nila.
"Di ko na kailangan ng ID" sagot ko.
"Umalis ka na dito" sigaw nila.
Pinilit kong pumasok pero pilit akong hinaharang, hanggang sa nasuntok ako nung guard at tinutukan ako nang baril.
"Sige, magpumilit ka pa" sigaw nung isa.
"Iputok mo! At sisiguraduhin kong matatanggal ka, kailangan kong makita ang daddy ko. Oo nga pala, ako ang anak ng may-ari nito" sigaw ko.
Nagulat yung dalwang guard at mukhang kinabahan, tumakbo papalapit si kuya mar at tinulungan akong tumayo. Pinapasok na nila ako sa loob, tinanong ko dun sa babae na nasa lobby kung nandun ba yung daddy ko sa opisina nya. Tinuro nya lang yun floor at kung saan ako liliko, agad naman akong tumakbo sa elevator at umakyat sa 4th floor. Nasa harap na ako nang office ni daddy, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahan dahan kong binuksan yung pintuan at nakita kong may kalandian ang daddy ko, napuno bigla nang galit yung puso ko. Napatingin sakin yung babae at natigilan sila.
"Lexis?!" Gulat na sabi ni daddy.
Hindi ko na kinayang harapin si daddy kaya, umalis nlng ako agad. Hinila ni daddy yung kamay ko at sinubukan magpaliwanag.
"Wag mo akong hawakan" nanginginig na sa sabi ko.
"Mali yang iniisip mo" sabi niya sakin.
Di ko napigilan yung sarili ko at nasuntok ko si daddy.
"Mali?! Mali?! Ano ako bata?! Dad! Hindi na ako bata na pwede nyong utuin, magsama kayo" sigaw ko.
Sabay alis, galit na galit akong umalis dun. Nagpahatid na ako sa school namin, ilang minuto na lang ay malalate na ako.
"Where have you been?" Tanong ni Gleamin.
Di na lang ako umimik dahil ayoko nang pagusapan yung nakita ko kanina.
"Is that blood?" Gulat na tanong nya.
"Don't mind it" sagot ko.
Nagsimula na yung klase at lutang pa rin ako, di ako makapaniwalang nagagawa ni daddy. Hindi ko na siys kayang patawarin, kahit kailan. Ayoko nang tumira sa bahay nang kasama siya.
"Hey, okay ka lang ba? Masakit ba yang labi mo?" Tanong ni Elisha.
"Uh, yea. I'm fine" sagot ko.
Kumain ako magisa sa canteen dahil gusto kong mapag-isa. Kasama nila Elisha si Gleamin, buong araw hindi ako umimik sa klase. Gusto ko na lang saksakin yung sarili ko dahil sa galit, gusto kong iuntog yung sarili ko. Hanggang pag-uwi, hindi ko kinakausap si Gleamin. Pagkadating nmin sa bahay, naka-abang si daddy sa living room pero hindi ko siya pinansin.
"Lexis, anak. Please?" Sigaw niya.
Natigilan ako sa pag akyat ko nang hagdan at nilingon ko siya.
"Wag mo akong tawaging anak" sabi ko ng mahinahon.
Ayoko na siyang makita, makausap o makasama man lang. Binalibag ko yung pintuan ng kwarto ko, di ko napigilan ang pag-iyak ko. Bumalik lahat ang galit sa puso ko, bumalik nanaman ako sa dating ako. Yung tipong sarili ko lang yung pinapahalagahan ko, wala akong tiwala sa ibang tao. Ako nanaman yung taong nabubuhay sa takot at galit.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
RandomIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...