Lexis's POV
Iniwan ko na si Sophie sa kwarto niya, baka maistorbo ko lang yung pagtulog niya. Bumaba ako ng kusina para kumuha ng makakain, pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto ko. Tinapos ko na yung mga reasearch papers para sa school, mga ilang oras ko rin ginawa yun. Biglang pumasok si Sophie sa kwarto ko.
"Kuya! Let's go swimming!" Sigaw ni Sophie.
"Pero gabi na" sabi ko.
"Please?" Sabi niya.
"Tomorrow, okay? I promise" sabi ko.
"Okay" masayang sabi niya.
Umidlip muna ako, maya maya ay may kumatok sa pintuan.
"Bro, kain na daw" sabi ni Gleamin.
"Susunod na ako" sagot ko.
Bumaba na ako sa kitchen para kumain.
"Si sophie? Kumain na ba?" Tanong ko.
"Oo, kanina pa" sagot ni Gleamin.
Binilisan ko na kumain at natulog na ako.
Kinabukasan . . .
Papasok na kami ni Gleamin, nakita namin si Elisha na may kausap na lalaki. Hinahawakan nya yung braso ni Elisha, pilit naman kumakawala si Elisha sa pagkakahawak ng kamay nya.
"Lexis! Nakita mo ba si Elisha?" Hingal na tanong ni Abbie.
"Siya yun diba?" Sabi ko.
"Bitiwan mo nga ako Ivan!" Rinig kong sigaw ni Elisha.
Agad akong pumunta dun at hinila ko si Elisha papunta sa tabi ko.
"Layuan mo girlfriend ko" sabi ko.
"Huh?!" Gulat na sabi ni Elisha.
"Girlfriend? Kailan pa?" Tanong ni Ivan.
"Kahapon pa" seryosong sagot ko.
Umalis na kami dun, hawak ko parin yung kamay ni Elisha, namumula na yung mukha nya. Bigla nyang binitawan yung kamay ko.
"B-bat mo sinabi yun?!" Tanong niya.
"Simula ngayon girlfriend na kita, at tsaka para di kna guluhin nung Ivan na yun" sagot ko.
Hinawakan ko ulit yung kamay nya at pumunta na sa classroom namin, kahit breaktime sinusundan at binabantayan ko siya para masiguradong hindi na siya guguluhin ni Ivan.
"Wag kang mag-alala, panandalian lang to" sabi ko.
"Sana nga di na matapos to e" sabi niya habang pinipigilan nyang ngumiti.
"Ha?!" Tanong ko.
"Hala? Wala! Wala!" Tarantang sagot nya.
Jusko lord! Sana nga di na talaga matapos to! I want her so bad! I really like her! Sana ganito rin ako kahalaga sa kanya, fake relationship but real feelings.
"Bro? Una na ako?" Tanong ni Gleamin.
"Commute?" Tanong ko.
"Ugh, ssabay na lang ako kila abbie" sabi niya.
"Sige"
Di muna nagpahatid si Elisha sa bahay nila, gusto pa daw kasi niya gumala. Hinila nya ako sa tindahan ng mga street foods.
"Tara, kain tayo dun. Libre kita" sabi niya.
Kumuha siya ng isaw ng manok, kwek-kwek, betamax at marami pa.
"Eto, tikman mo" nakangiting sabi niya.
"Ugh, sa totoo lang di talaga ako kumakain ng street food" nahhiyang sabi ko.
"Bakit?" Tanong nya.
"Madumi daw yan sabi ni mommy" sabi ko.
"Okay lang yan, tikman mo masarap to" sabi niya.
No choice ako kaya kinuha ko at tinikman yun, nasarapan ako sa isaw ng manok kaya naparami ang kain ko. Sa totoo lang nag take-out pa ako, pagkatapos namin kumain ng street foods dinala ko naman siya sa isang restaurant. Nag- order ako ng salad para kahit papaano malinis yung tiyan namin, mga ilang minuto din kami nagkwentuhan. Nag-aya siyang pumunta sa carnival
"Alam mo ba dati, lagi akong dinadala ni daddy dito" sabi niya.
"Nasan ba daddy mo?" Tanong ko.
"Wala na" sagot nya.
"Sorry, di ko alam-" naputol yung salita ko at bigla siyang tumawa.
"Baliw, hindi pa siya patay. Iniwan nya na kami" nakangiting sabi.
"Okay lang sayo?" Tanong ko.
"Oo, bata pa ako nang iwan ni daddy kaya nasanay na ako" sagot niya.
"Buti ka pa" sabi ko.
Bat ganun? Kaya nilang tanggapin na wala na yung taong minahal nila? Pero ako hindi ko ma-let go yung pagmamahal ko kay Mommy, hindi ko parin tanggap na wala siya.
"Anong buti pa ako?" Tanong nya.
"Buti ka pa, tanggap mo na wala yung daddy mo" sagot ko.
"Nandyan naman daddy mo ah? Bat parang nanghhinayang ka?" Sabi niya.
"Hindi naman yung daddy ko ang nawala e, yung mommy ko" sabi ko.
Hinawi nya yung buhok ko at hinila nya ang kamay ko, uminit ang pakiramdam ko. Feeling ko sasabog ako sa tuwa.
"Para di kna malungkot, sakay tayo ng roller coaster" sabi niya.
Ngumiti na lang ako, sumakay kami ng roller coaster at ferris wheel. Ang romantic ng pakiramdam ko, sana dumating yung araw na hindi na puro pagpapanggap to. Medyo late na rin yun at hinatid ko na siya sa bahay nila
"Ingat ka sa pag-uwi" nakangiting sabi nya.
"Opo" sabay halik sa pisngi nya.
Hinampas nya ako sa braso, baka daw makita kami ng mommy niya. Tinawanan ko na lang siya at agad na akong umalis. Pagdating ko sa bahay, nasa living room si Gleamin.
"Bat di kpa nattulog?" Tanong ko.
"Inaayos ko pa yung plano, ikaw magddrawing nito" sabi niya.
"Ay sheeezz. Oo nga pala" sabi ko.
"Osha, ikaw na dito. Intindihin mo nlng yung plano" sabi niya.
"Sige, bukas ko na tatapusin yan" sabi ko.
Inayos nya na yung gamit nya at umakyat sa kwarto niya, sa sofa na ako natulog dahil sa sobrang pagod ko hindi na rin ako nakapag bihis dahil mabilis akong nakatulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/52445319-288-k448615.jpg)
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
RandomIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...