Tumambay muna ako kila Abbie, nagtext narin ako kay mama na baka mamaya pa ako maka uwi. Paulit ulit lang naman laging ginagawa namin ni Abbie, basa ng libro, nuod ng movie, lamon ng kung ano anong pagkain minsan nagtatakutan na din. Bigla kong naalala si Rhea, kamusta na kaya siya? Di nga natuloy yung pagtransfer niya ng ibang school dito pero natuloy naman yung paglipat niya sa Canada maswerte si Abbie kasi hindi Lowie ang pinag-aral ng dad nila sa Canda pero eto kami ngayon nangungulila kay Rhea.
"Nuod tayo Baymax" aya ko kay Abbie.
"Ha? Nanaman? Ilang beses mo na napanuod yun? Pang bente mo na ata te" sabi niya.
Nagmakaawa ako sa kanya hanggang sa pumayag siya, nanuod kami ng Big Hero 6 pagkatapos nun nagpaalam na ako sa kanya at nagthankyou narin ako kay Tita. Nagmadali akong umuwi kasi may kailangan akong sabihin kay mama.
"Ma nandito na po ako" sabi ko.
Pumunta ako ng kusina at hinanap si mama, kailangan ko ng advice kasi di ko alam kung handa na ba ako pumasok sa isang relasyon. Handa na ba akong masaktan kung saka-sakli man. Nang makita ko si mama nagmano na ako agad at kinausap ko siya.
"Ma? Sa tingin mo po ba handa na akong pumasok sa relasyon? Natatakot po kasi akong masaktan, nanatakot po akong sumugal" sabi ko sa kanya.
"Alam mo, ikaw dapat sumasagot sa tanong na yan tsaka bat ka natatakot masaktan? Parte yan ng pagmamahal, may mga oras talaga na masasaktan at iiyak ka. Wag kang matakot sumubok anak, parte ng pagmamahal ang masaktan tsaka wala namang mawawala kung susugal ka dba? Ayaw mo bang maranasan na minsan naging matapang ka? Kasi sumugal ka" Alam ko naman yun pero paano kung isang araw mawalan na lang siya ng gana? Paano kung isang araw iwan na lang niya ako? Sa kanya ko lang naramdaman tong gantong feeling, sa kanya ko lang naramdaman tong saya na nararamdaman ko ngayon at sa kanya ko lang din nahanap yung atensyon na kailangan ko.
Pero wala namang masama kung susubukan ko diba? Wala namang mawawala sakin. Tama si mama, minsan kailangan ko din sumubok at sumugal kailangan kong maging matapang. Nagthankyou na ako kay mama at umakyat na ako sa kwarto ko, inayos ko na muna yung gamit ko at natulog na lang muna ako.
Nagstart nang mag lesson yung prof namin, medyo lutang parin utak ko namimiss ko na yung dating room namin pati si Abbie nammiss ko na. Kailangan ko lang kasi talaga magshift tsaka konting tiis nlng din at malapit na ang graduation, balang araw magkakaroon din ako ng business yung pinapangarap kong negosyo. Maya maya nagring na yung bell at lumabas na ako ng room, nakasalubong ko si Ivan sa hallway.
"Kamusta?" Tanong niya sakin. "Okay lang ako" nginitian ko siya, paalis na sana ako nang hawakan niya yung kamay ko. Bigla nlng may pumulupot na kamay sa bewang ko, nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Lexis naramdaman ko nanaman na uminit ang magkabilang pisngi ko.
Tinanong niya kung may problema ba at umiling naman si Ivan sabay alis. Galit kaya to Lexis? Kasi hindi maganda ang huling pagkikita nila ni Ivan, kanina pa walang kibo si Lexis tsaka baka galit nga talaga siya or baka nagseselos? Pinulupot ko ang mga kamay ko sa braso niya, tinignan niya lang ako at nginitian.
"Lexis, galit ka ba?" Mahinang tanong ko sa kanya.
"Huh? Hindi ah" sabay gulo sa buhok ko. Mas mabuti nang alam ko kesa naman na ganto kung ano ano pumapasok sa kokote ko.
Nginitian ko siya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya, I feel safe when I'm with him parang walang pwedeng gumalaw at manakit sa akin. Sa tingin ko handa na akong pumasok sa isang relasyon, handa na akong sumugal at masaktan. Habang naglalakad kami nakatitig lang ako sa kanya, ang gwapo gwapo pala niya kapag seryoso.
"Elisha, okay ka lang?" Tanong niya sakin.
"Ang pogi mo pala kapag seryoso ka" natatawang sabi ko.
Tinawanan lang niya ako at ginulo gulo ang buhok ko, maya maya nag-aya nang umuwi si Abbie. Habang naglalakad kami ni Abbie, di ko naiwasang magtanong sa kanya tungkol sa kanila ni Lowie.
"Abbie? Masaya bang magka boyfriend?" Tanong ko.
"Oo naman kasi alam mong may mag-aalaga sayo, may pprotekta sayo, at may nagmamahal sayo" mabilis na sagot niya.
Sa mga sinabi ni Abbie lalo tuloy ako na-excite na maging kami ni Lexis at sigurado na ako na siya ang gusto kong maging asawa at maging tatay ng mga anak namin and sure din ako na magging mabuti siyang asawa at ama, nakikita ko ba yung future ko sa kanya kahit simpleng buhay lang basta kasama ko siya.
Maya maya ay humiwalay na ako kay Abbie, pagkadating ko nagmano na ako agad at umakyat sa kwarto ko. Sa isang araw na pala ang birthday ko pero wala parin akong plano, ni-wala nga ring nag-aaya sakin na gumimik o mamasyal man lang balak ko sanang mag out of town kaso wala naman akong pera nganga yung budget ko.
*ring ring*
"Hello?" Sabi ko.
"Hey! Anong ginagawa mo?" Tanong ni Lexis.
"Nagpapahinga, bakit?"
"Ah. Wala lang, chinicheck lang naman kita"
"Sira ka talaga" natatawang sabi ko.
Nagkwentuhan kami hanggang madaling araw at nabanggit ko sa kanya yung tungkol sa birthday ko nagulat nlng ako bigla nang yayain niya akong pumunta ng Leyte kaming dalawa lang daw, tumanggi ako nung una kasi nakakahiya naman noh pero pinilit niya talaga ako. Eto na kaya yun? Tatanungin niya na ba ako? Ano ba Elisha! Wag ka ngang mag expect dyan! Wag mong pangunahan ang lahat. Nagising ako bigla sa mga sinasabi ng utak ko pero malay ko naman kasi dba? Baka eto na yung right time na hinihintay ko kasi matagal tagal na rin nanliligaw sakin si Lexis baka nakapag isip isip narin siya dba? Pero teka nga? Diba't parang ang desperada kong magkaboyfriend? Para akong tanga na pinapangunahan ang sitwasyon. Hay nako Elisha! Easy ka lang kasi. Basta kung ano man ang mangyayari sa birthday mo o kaya dun sa Leyte, ipagsa Diyos mo na lang.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
RandomIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...