CHAPTER 26

5 0 0
                                    

Nagising ako bigla dahil sa makatulo laway na amoy, napatingin ako sa tabi ko at wala na dun si Elisha kaya lumabas na ako ng kwarto at nakita ko siyang nagluluto. Lumapit ako at niyakap siya mula sa likudan niya, sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya. I really love her strawberry scent lalo tuloy akong naiinlove sa kanya.

"Goodmorning my princess" bati ko sa kanya.

"Goodmorning mahal ko. Akala ko panaginip lang to pero hindi pala" natatawang sabi niya.

"Ang sarap naman niyan. Eggs and bacon? Sakto gutom na ako"

"Mas masarap ka" sabay kindat sakin.

"Oo na hahahaha" natawa na lang ako bigla sa sinabi niya. Tinulungan ko na siya mag prepare ng breakfast at kumain na kami, habang kumakain di ko mapigilang tumitig sa kanya. She looks cute when her hair tied in a bun style and my jersey looks really good at her kahit anong angle niya, mapa side view man o front view maganda parin siya. Bigla siyang nag angat ng tingin sakin

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya.

"Ang ganda mo" nginitian ko siya at nagpatuloy na ako sa pagkain ko.

Pagkatapos namin kumain, nag-aya siyang mag swimming sa dagat at pumayag naman ako. Maganda ang panahon ngayon tamang tama para maglakad lakad at magswimming, umupo kami sa buhangin at pinagmasdan ang ganda ng dagat. Sa di kalayuan napansin ko na tinitignan at pinag-uusapan ng grupo ng lalaki si Elisha, namilog agad ang kamay ko na parang handa nang manuntok.

"Lexis, okay ka lang?" Tanong niya.

"Yung mga lalaki na yun oh, kanina ka pa ata tinitignan" inis na sabi ko sabay turo sa mga lalaki. Pag di talaga ako nakapagpigil lalapit na talaga ako dun.

"Lipat na lang tayo ng pwesto, gusto mo?"

"Bat tayo yung mag-aadjust? Lapitan ko na kaya?" Patayo na sana ako pero pinigilan niya ako, nabasa ko ang mga mata niya na para bang pinipigilan ako kaya hindi ko na tinuloy.

Tumayo siya at umupo sa pagitan ng mga binti ko sabay kuha ng kamay ko, ipinulupot niya yun sa bewang niya at sumandal sa dibdib ko "Oh ayan! Para alam nila na sayo lang ako" sabay ngiti sakin.

"Subukan nilang kunin ka, makakatikim sila sakin" pabirong sabi ko sabay halik sa noo niya.

Nang medyo bumaba na ang araw nag-aya na siyang magswimming di na muna ako sumama sa paglangoy dahil wala ako sa mood, umupo ako malapit sa lugar kung saan siya lalangoy para mabantayan ko siya. Sa hindi inaasahan nakita ko nanaman yung mga lalaki na tumitingin kay Elisha, kinalma ko ang sarili ko at binalik ang atensyon ko kay Elisha.

"Tara mga pre! Swimming tayo! Sigurado ako masarap ang tubig ngayon" narinig ko ang isang lalaking nagsalita nang dumaan sila sa likudan ko, sinundan ko lang sila ng tingin at tama nga ang kutob ko papunta sila kung nasaan si Elisha.

Napatayo ako bigla sa kina-uupuan ko at tinanggal ang pang itaas ko sabay takbo kung nasaan si Elisha, mas mabuti nang nandito ako para naman di siya malapitan ng mga kumag na to. "Akala ko ayaw mo maligo?" Tanong niya sakin. "Nagbago na isip ko" sagot ko sa kanya. Medyo dumistansya narin yung mga lalaki, napansin ata nila na nakakahalata na ako sa balak nila. Sorry nlng mga tsong pero nauna na ako sa inyo.

Maya maya ay nag-aya ng umahon si Elisha dahil medyo makati na daw ang tubig, so I grabbed her towel at pinulupot sa kanya yun tsaka pumunta na kami sa rest house. Nagpaalam muna siyang maliligo at tumango nlng ako, nagvibrate bigla ang phone ko at may message.

Frm Gleamin: Dude! Ano na?

Anong ano na?

Gleamin: Ano nang status nyo?

Pag balik ko na lang

Kinukulit na ako ni Gleamin siguro excited na siyang malaman, kahit ako rin naman excited na akong sabihin sa kanila na kami na ng prinsesa ko. Excited na akong maibalita sa kanila bukas na girlfriend ko na siya sigurado ako matutuwa si Sophie nito.



Elisha's POV

Lord! Bat ngayon pa! Ang aga naman ng dalaw ko! Sa isang araw pa dapat dating nito! Wala pa naman akong dalang pad tapos nahihiya pa akong magsabi kay Lexis.

"Elisha? Tapos kna ba?" Tanong ni Lexis.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko, sasabihin ko ba? Nakakahiya kasi eh pero alam ko namang maiintindihan ako nun. Binuksan ko yung pinto ng kaunti at isinilip ko ang ulo ko "Lexis ano kasi eh. May ano" di ko masabing diretso sa kanya.

"May ano?" Nagtatakang tanong niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko "Ano kasi. M-meron ako"

Ilang segundo ring nag-isip si Lexis at nadali rin niya "Aahh! May dala ka bang ano?"

"Yun na nga eh. Wala akong dala, hindi ko naman alam"

"Hintayin mo ako, bibilhan lang kita" presenta niya.

"Ah? S-sure ka?" Gulat na tanong ko.

Agad naman siyang tumango at lumabas na ng bahay, di ko akalain na may mga ganung lalaki pala ngayon di ko tuloy maiwasang kiligin. Makalipas ang ilang minuto at sa wakas kumatok na si Lexis, inabot niya sakin yung paper bag at nagulat ako may dalawang pack ng napkin dun.

"Dalawa na binili ko hindi ko naman kasi alam kung ano yung ginagamit mo" paliwanag niya.

"Okay lang hahaha. Salamat" natatawang sabi ko.

Natapos na akong magbihis at lumabas na ako ng banyo, si Lexis naman ang sunod na naligo. Pagpasok ko ng kwarto nakakalat ang damit niya sa kama, kinuha ko yun at inamoy amoy. Ang bango bango nakakaloka! Ang sarap amuyin! Pagkatapos ko amuyin syempre niligpit ko, narinig kong bumukas ang pinto sa likuran ko kaya napalingon ako tumambad sakin ang 6pack abs at V-line niya, napalunok nlng ako at di matanggal ang titig ko sa kanya.

"Elisha? Yohoo?" Paggising niya sakin.

"Ha?"

"Okay ka lang?"

"Ah! O-Oo naman! S-sige l-labas muna ako" natatarantang sabi ko.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at napa upo ako sa sofa, paulit ulit kong inuntog ang ulo ko sa unan. Yung isang banda ng utak ko sinasabi na okay lang yun kasi boyfriend ko naman siya tapos yung kabila naman sinasabi kahit na boyfriend ko siya nakakahiya parin yun! Jusko! Bumalik tuloy yung ala-ala nung una kong nakita yung katawan niya di pa ganun ka solid pero maganda ang hulma.

"Hey?" May nagsalita mula sa likod ko.

"H-hey"

"Okay ka lang ba?"

"Sorry kanina ah? Kasi nakatitig ako sayo" nahihiyang sabi ko.

"Wala yun. Ay oo nga pala, sa kama kna matulog tas dun nlng ako sa sofa sa kwarto"

"Ayaw mo sa kama?"

"Dba meron ka? Di ako matutulog sa kama para hindi limitado ang galaw mo" nakangiting sabi niya sakin.

Nginitian ko lang din siya at pumunta na kami sa kwarto kailangan na daw namin matulog kasi gigising pa daw kami ng maaga, susunduin daw kasi kami ni Kuya Marlon bukas wag na daw kami mag commute pauwi.

"Goodnight mahal ko" sabi niya sabay halik sa noo ko at dali dali na siyang humiga sa sofa.

"Goodnight mahal"

Once a Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon