Biglang tumulo yung luha ni Lexis, syempre eto naman ako todo comfort sa kanya
"S-sorry" nauutal na sabi niya
"Para saan?" Painosente kong sabi
"Sa pag iyak"
"Wala yun" sabay tawa
Lexis's POV
Aaminin ko magaan ang loob ko kapag kasama ko si Elisha, nawawala yung problema ko kapag kasama ko siya. I love the way she talk, she laugh, the way she communicate with other people. Gusto ko mang aminin sa kanya yung nararamdaman ko pero natotorpe talaga ako, buong buhay ko sa kanya palang ako natorpe.
"Ikaw naman mag kwento" sabi ko sa kanya
Tumigil siya sa pagtawa "Kung ikaw, naiwan ng mommy mo. Ako naman iniwan ng daddy ko, 8 years old palang ako nang umalis siya. Alam mo ba tuwing birthday ko siya lagi ang hinihintay ko pero laging sinasabi sakin ni kuya na hindi na siya babalik pero di ako naniwala. 15 years old ako nang tanggapin ko na hindi ns talaga siya babalik sa amin" nakangiting sabi niya pero alam ko na masakit din para sa kanya to
"Nasan ba daddy mo?" Tanong ko
"Ah hahaha, di ko alam e basta ang sabi sakin ng mommy ko nandun na siya sa bago niyang pamilya" sagot niya
"Ah wait, ano mo si Annie?" Pahabol niya
"Ah si Annie ba? Bestfriend ko siya simula bata ako, mas matanda nga lang siya sakin ng isang taon" paliwanag ko
"Bestfriend lang?" Tanong niya na may halong pagdududa
"Oo" may halong lito sa sagot ko
"Eh si Ivan?" Pahabol ko
"Kaibigan siya ni kuya"
"Eh bat ginugulo ka niya? Bat ayaw mo siya isumbong sa kuya mo? O kaya ifriendzone mo na" sunod sunod na sabi ko
Bigla siyang tumawa "Relax ka lang Lexis HAHAHAHA"
Parang napahiya ata ako dun ah, para akong boyfriend niya na over protective. Oh how I wish na sana magkaroon na ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya.
"Lexis! Di pa ba kayo tapos dyan?" Sigaw ni Gleamin
Tumayo na ako at inalalayan ko na rin patayo si Elisha "Sorry Elisha, alis na kami"
"Okay lang ano kaba" sabay suntok sa braso ko.
Ngumiti nlng ako sa kanya, at nagpasalamat rin ako kay Abbie. Nagdrive na kami ni Gleamin pauwi at sinalubong ako ni Sophie.
"Kuya! It't my birthday!" Sigaw niya habang umiikot sa akin
"Really?!" Gulat na tanong ko
"Yet! 6 yeart old na ako!" Masaya nyang sabi
Never ko nga pala natanong sa kanya kung kailan ang birthday niya, agad kong tinawagan si Daddy kung pwede siyang umuwi ng maaga sana naman pagbigyan niya ako minsan lang naman ako humingi ng pabor sa kanya.
"Sophie, maligo ka na ah? May party ka pa mamaya. Okay?" Sabi ko sabay gulo sa buhok niya
Agad naman siyang tumakbo kay manang para mapaliguan na siya, tinawagan ko sila Elisha kung pwede ba silang pumunta ni Abbie dito sa bahay at pumayag naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/52445319-288-k448615.jpg)
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
RandomIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...