Lexis's POV
Tapos na kami maglipat, di ko namalayan na nakatulog pala ako sa sofa. Mga tanghali na ako nagising, naka-ayos na lahat ng gamit sa bahay, lahat ng appliances.
"Gising ka na pala" sabi ni daddy.
"Nasan na yung mga gamit natin dati? Anong ginawa nyo sa bahay?" Tanong ko.
"Binenta ko na" sagot.
"What?! Kanino?!" Sigaw ko.
"Ppunta siya dito mamaya, gusto ko daw nya makita" sabi niya.
Agad naman ako kumalma at umakyat sa kwarto ko. Nasa kahon parin yung mga gamit ko, kaya inayos ko muna. Naligo na rin ako dahil baka sakaling dumating na yung sinasabing tao ni daddy. Bumaba na ako at nakita kong may kausap si Gleamin sa pinto kaya hinayaan ko muna sila.
"Lexis, nandito si Ann-" naputol yung salita nya.
Pagkaharap ko ay biglang may sumuntok sakin.
"What the f-" natigilan ako.
"Miss me?" Tanong nya.
"A-annie?" Gulat na sabi ko.
"Nandito kna pala, hindi ka nagsasabi" seryosong sabi niya.
"Para san yung suntok mo sa mukha ko?!" Sigaw ko.
"Simula pa lang ng sem, gumawa ka na nang gulo" sabi niya.
"Sorry" mahinang sabi ko.
Tinulungan ako ni Annie na tumayo at pinunasan nya yung dugo sa labi ko, pinakuha nya kay Gleamin yung bulak at alcohol. Ginamot nya yung sugat sa bibig ko nang biglang pumasok sila Elisha
"Oh, Elisha. Buti nakarating kayo, akala ko naligaw na kayo e" Sabi ni Gleamin.
"Ay. Sorry, nakakaistorbo ata kami" sabi ni Elisha.
"Hindi, okay lang" sabi ko.
Hinabol ko sila Elisha sa labas, hinila ko yung kamay nya pero binitawan nya yung kamay ko.
"Wait!" Sabi ko.
"Bumalik kna dun, baka magalit yung girlfriend mo" sabi niya.
"Huh? Bestfriend ko yun! Bat parang nagagalit ka?" Asar ko.
Bigla na lang siya namula at tumahimik, hinila ko yung kamay nya at pumasok na kami sa loob ng bahay. Iniwan ko muna sila kay Gleamin at umakyat ako sa kwarto ni Sophie. Gising na pala siya pero di lang siya lumalabas
"Sophie, c'mon let's go downstairs" sabi ko.
Agad naman siyang tumakbo pababa at sumunod na ako.
"Uh, guys. Si sophie, kapatid ko" pakilala ko sa kanila.
"Kapatid? Kailan pa?" Tanong ni Annie.
"Mahabang kwento" paliwanag ko.
"Kuya, who is she?" Tanong ni Sophie.
"Si Annie, bestfriend ko. Ito naman si Elisha at Abbie, mga kaibigan ko" sagot ko.
Iniwan ko muna si Sophie kila Annie at inayos muna namin ni Gleamin yung mga gagamitin para sa pagbasbas ng bahay, maya maya ay dumating na yung pari at nagsimula nang basbasan yung bahay.
"Lexis, pakainin mo na yung mga kaibigan mo" sabi ni daddy.
Tumango na lang ako at inaya ko na sila kumain.
"Lexis, kanina ka pa tahimik ah?" Tanong ni Annie.
"Uh, wala to" sagot ko.
Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at pumunta ako sa kwarto ko para kunin yung susi ng kotse.
"May pupuntahan lang ako" paalam ko.
Sumakay na ako ng kotse at umalis na, pumunta ako sa puntod ni mommy.
"Hi mom, tignan mo yung anak mo maraming pasa sa mukha" sabi ko.
Nagkwento rin ako sa kanya tungkol kay Sophie, sa mga nangyayari sakin. Ewan ko ba, nababaliw nanaman ako. Pagkatapos nun ay umuwi rin ako agad, nakita kong kinakausap ni daddy si Annie. "Sige, tito. Alis na ako" rinig kong sabi ni Annie, dinaanan nya lang ako sa gilid pero hinawakan ko siya sa braso.
"Hatid na kita" sabi ko.
"Bahala ka" sagot nya.
"San ka ba nakatira? Dun parin sa dati?" Tanong ko.
"Oo, sa dating bahay nyo" sagot nya.
Huh? So sila pala yung bumili ng bahay namin. Mautak talaga yung tatay ko, tsk.
"Alam ng daddy mo na mahalaga sayo yung bahay na yun kaya samin niya pinagbili" sabi niya.
"Anong pinag-usapan nyo kanina?" Tanong ko.
"Kinamusta nya lang kami" sagot nya.
"Nandito na tayo" sabi ko.
Hinatid ko na siya sa loob at kinamusta ko na rin sina tito at tsaka umalis.
"Lexis! Salamat pala sa pag hatid" sabi ni Annie.
Ngumiti na lang ako at umalis na, pagkadating ko sa bahay sinilip ko sa kwarto si Sophie, nagulat ako dahil di pa pala umuuwi sila Elisha.
"Di pa ba kayo uuwi?" Tanong ko.
"Kuya, let them stay. Please?" Pagmamakaawa ni Sophie.
"Okay lang ba sa inyo?" Tanong ko.
"Oo naman" sagot ni Elisha.
Iniwan ko muna sila at pumunta ako sa kwarto ko, 3:30 pa lang nang hapon. Kinuha ko yung gitara ko at tumugtog na lang muna ako, biglang pumasok si sophie at binato niya ako ng unan. Agad ko namang binaba yung gitara ko at binuhat siya, hiniga ko siya sa kama at tsaka kiniliti.
"Ate Elisha! Ate Abbie! Help!" Sigaw nya.
Agad naman rumesponde sila Elisha kay Sophie, hinampas nila ako ng unan at hinampas ko din sila.
"Ay, aalis pala kami" sabi ni Elisha.
"Hatid ko na kayo" sabi ko.
"Bro, ako na" singit ni Gleamin.
"Sigurado ka?" Tanong ko.
"Oo" sagot niya.
Agad ko naman binigay yung susi ko at pinahatid ko na sila Elisha kay Gleamin. Nanunuod na lang muna kami ni Sophie ng cartoons habang hinihintay si Gleamin.
BINABASA MO ANG
Once a Princess (On Going)
De TodoIsang desisyon na makakapagpabago ng lahat. Nang dahil sa isang desisyon nawala ang taong, walang ginawa kundi ang mahalin at ituon sayo ang buhay nya. Biglaang desisyon na hindi mo akalaing magagawa mo. Tama pa bang bumalik ka sa kanya? Tama bang i...